The Psychology of “Pila”

Pinoy ako. Pinoy ka din, ‘di ba? If yes, then I’m sure sanay ka nang pumila. Queuing is a way of life in the Philippines. Wala na sigurong magde-debate dun.

Ano ang madalas nating pilahan? Ewan sa inyo, pero ako, andami. As in.

Ano ang mga napilahan, pinipilahan at pipilahan ko sa buhay? Aber, isa-isahin ko nga:

  • Sakayan sa Dyip / Bus / Tricycle
  • Bayaran ng Tuition sa Eskwela
  • Bayaran ng Kuryente / Tubig / Credit Card / Cable
  • Takilya ng Sinehan
  • Cashier ng Grocery
  • Check-in sa Airport
  • Check-up sa Clinic / Ospital
  • Entrance ng Mall
  • Voting Station

Etcetera… etcetera… etcetera…

Pero ang nakakatuwa sa mga pagpi-pilang ito, andami mong matututunan tungkol sa ugali at personalidad ng mga kasama mo sa pilahan…basta marunong kang makinig, magmasid at makiramdam.

DSC_1166

Gaya nitong latest na pag-pila na ginawa ko kanina lang. Bayaran ng water bill. As usual, well-represented ulit ang lahat ng “usual personalities” sa nakikita sa mga pilahan. Mga taong:

  1. Reklamador
  2. Nagmamadali
  3. Matiisin at walang-imik
  4. Chikadora kahit sa mga hindi kakilala
  5. Asar sa “Seniors” at PWD na may sariling pila (na mas maikli)
  6. Palatanong
  7. Mahilig sumingit
  8. Umiispat ng Maganda/Pogi/Sexy sa pilahan
  9. Tawag ng tawag / Text ng text
  10. Nakikinig sa chumi-chika
  11. Dinidedma ang chumi-chika

Kayo, na-encounter na din ba ninyo ang mga ganitong tao sa pilahan?

At anong klaseng “mamimila” ka?

Ako? Siguro #3, #8 at #10 combined! 🙂

 

 

 

Advertisements
The Psychology of “Pila”

One thought on “The Psychology of “Pila”

  1. Pinaybyaheras "Life is Unrepeatable Adventure" ay nagsasabing:

    Ako #10 .. minsan di maiwasang di ka makinig sa mga nag chichismisan … lalo na kapag interesting ito. Kaya ang ginagawa ko habang nakapila na lang ay mag COC ;D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s