The Hobbit (Part 1): kumusta naman?

The Hobbit: An Unexpected Journey

IN A WORD: Panalo!

IN SEVERAL WORDS: More than I expected!

IN A SENTENCE: The movie was a creative, and very effective, re-arrangement of the plot sequence as presented in J. R. R. Tolkien’s original work.

IN A PARAGRAPH: I’m impressed. As usual, Peter Jackson has shown his mastery of the relatively new art (and science) of transposing Tolkien’s books into film. His interpretation of the personalities of the characters presented in this film (there were the familiar, albeit relatively younger, characters from the LOTR trilogy in several scenes, of course: Gollum, (the older) Bilbo, Gandalf, Lord Elrond, (a surprisingly nicer) Saruman, and Lady Galadriel, to name those I remember) were funny, ‘human’ (even if they were not human), and quite sympathetic. The presence of returning characters notwithstanding, it was the new characters who really grabbed my attention. The 13 Dwarves, for example, — and I’m trying to list down their names from memory — Thorin, Bifur, Bombur, Kili, Fili, Oin Gloin, Ori, Dori, Nori… (my memory fails me at this point and I’m forced to ‘Google’ the rest hehehe)…  Dwalin, Bofur, and Balin, were a merry mix of seriousness, slapstick, royalty, deviousness, anger and compassion. I sometimes caught myself mentally joining in their banter, adding my own suggestions on how to approach an obstacle, or evade the Goblins and Wargs. Adik ba? Hehehehe. But, without a doubt, it was the younger Bilbo who was the star of the movie. As I followed his adventure on the screen, I was constantly trying to relate the situation to events in the LOTR trilogy and, more importantly, to events as presented in the book. Suffice it to say that watching The Hobbit exercised my mind on so many levels, all at the same time. Yup, it was that good. Watch it, read the book, then watch it again.

IN A FULL ARTICLE: Aba’y sobra na yan. Tama na yung sa taas. Wala namang bayad ‘to eh. 🙂

The Hobbit (Part 1): kumusta naman?

The Hobbit (malapit naaa!)

Pasensiya na ha? Hindi talaga kasi ako malupet na fans ng Harry Potter series. Ok lang siya for me… pero hindi ko inaabangan, kumbaga. I don’t lose sleep counting off the days before premier night. Kaya pati itong last installment ng Deathly Hallows, wala akong urge na mapanood agad. Ok lang kahit sa DVD later.

Pero ibang usapin ‘tong The Hobbit!

2007 pa lang ay inaantay ko na itong pelikulang ito. At obviously, kahit noon pa lang ay atat-na-atat na akong mapanood siya. Gaya ng pagka-atat kong mapanood agad yung lahat ng LOTR films — The Fellowship of the Ring, The Two Towers at The Return of the King (bumili pa nga ako nung mga collectors DVD boxes ng mga ito).

Eniwey… fast-forward to 2011…

Sa wakas, tapos na rin ang The Hobbit! Malapit ko na siyang mapanood sa big screen! And judging by these still photos (of some of the Dwarven characters), The Hobbit will definitely rock! Wooohoooo!!!! 🙂

The Hobbit (malapit naaa!)

Speaking of Flashlights… ADIK ba ako? :-)

Natanong ko lang naman… Apat (4) kasi ang flashlights ko sa bahay (dati 5 sila, pero ninakaw sa airport yung isa. grrr!)

Yung dalawang nasa gitna ay regalo ng mga kaibigan habang yung dalawang nasa magkabilang-dulo ay binili ko. OO, fans ako ng Maglite. hehehe…

Isa na lang ang kulang sa koleksyon ko — Surefire! Pag nakabili ako nun, titigil na ako. Pramis! 🙂

Speaking of Flashlights… ADIK ba ako? :-)

Paulina Gaitan Rocks!

I saw this film on HBO the other day and was positively blown away!

The story-telling was riveting and the actors entirely believable. But it was one of the protagonists who was the absolute star — Paulina Gaitan, who played the role of Sayra, was not only very sympathetic, her way of acting was near flawless, without the usual “pagka-OA” we Pinoys have come to expect from young actresses like her.

Sin Nombre (Without Name) puts to film the tragic story of one Honduran family seeking to enter the United States illegally via Mexico. Their desperate voyage — beset by violent gangs (the Mara Salvatrucha), exploitation and by the indifference and, sometimes, utter contempt shown by the people they encounter along the way — forces the viewer to confront issues normally hidden from the public’s view.

I won’t ruin the experience for you by telling you how the film ended. Suffice it to say that it was with a bitter-sad-hopeful tone 🙂

Get your hands on a copy now! I did!

Sana man lang meron tayong aktres na kasing galing ni Paulina.

Paulina Gaitan Rocks!

Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino… yata :-)

Salamat kay Noel Cabangon at may maayos na pamantayan na rin ako sa pagiging isang “Mabuting Pilipino.”

I wonder how I measure up to the exacting criteria he proposed in his song?  Yung mga pulitiko kasi na nasa Inauguration ni PNoy e mukhang nahirapan lahat 🙂

Ako kaya?

Aber, isa-isahin nga natin!

AKO’Y ISANG MABUTING PILIPINO

by Noel Cabangon (Idol!)

I.

Ako’y isang mabuting Pilipino (sana nga. we’ll see sa dulo kung ano ang score ko)

Minamahal ko ang bayan ko (naman. kelangan pa bang imemorays yun?)

Tinutupad ko ang aking mga tungkulin (yata)

Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin (posible ba ang 100% compliance? hindi, di ba?)

II.

Tumatawid ako sa tamang tawiran (halos)

Sumasakay ako sa tamang sakayan (see previous comment)

Pumipila at di nakikipag-unahan (ay oo. asar na asar talaga ako sa mga sumisingit sa pila! lalu na yung mga patay-mali pa. grrrr.)

At di ako pasiga-siga sa lansangan (opkors! ayokong mamatay ng maaga no.)

III.

Nagbababa at nagsasakay ako sa tamang sakayan (not applicable. wala ako kotse. di din ako drayber)

Hindi nakahambalang na parang walang pakialam (see above)

Pinagbibigyan ko’ng mga tumatawid sa kalsada (oo. lalu’t kasabay nila ako sa pagtawid. hehehe)

Humihinto ako pa gang ilaw ay pula (humihinto talaga ako sa paglakad. ayokong masagasan. h’nsakit nun)

(Chorus)

Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino (see comments sa Stanza I.)

Minamahal ko ang bayan ko (ditto)

Tinutupad ko ang aking mga tungkulin (ditto din)

Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin (ditto na naman)

IV.

Hindi ako nangongotong o nagbibigay ng lagay (kotong, hindi. lagay, once in a while. hehehe. iba-ibang klase naman ito, di ba?)

Tiket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay (sa sinehan at bus lang ako madalas naaabutan ng tiket)

Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto (kung may hinihintay lang naman. at di dun sa madidilim na kanto)

At di nagtatago sa ilalaim ng puno (pwera kung umuulan ha)

V.

Hindi ako nagkakalat ng basura sa lansangan (ay oo. nilalagay ko sa isang bulsa ng bag ko yung mga tiket ng bus at balat ng kendi ko. walang upos kasi di na ako nagyoyosi)

Hindi bumubuga ng usok ang aking sasakyan (walang tambutso ang bisikleta :-))

Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan (kada Linggo, ako ang taga-abot ng basura namin sa trak. kaso hindi segregated :-()

Inaalagaan ko ang ating kapaligiran (mahilig akong magtanim sa bakuran namin. pwede na ba yun?)

(Repeat Chorus)

VI.

Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang (scary yun. matagal na silang pumanaw kasi)

Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan (sabagay, learning is a never-ending process)

Hindi ako gumagamit ng bawal na gamot (ay… no comment. hehehe)

O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y di pumapasok (sa opisina na ako pumapasok… pero minsan nagiging tambayan din siya)

VII.

Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan (yes. what’s left of it :-))

Pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan (di naman. meron ding iba pa)

Di ko ibinebenta ang ating kinabukasan (ay oo. pati na yung kinabukasan ng pamilya ko!)

Ang boto ko’y aking pinahahalagahan (one person, one vote! reform the COMELEC! linisin ang Voters List! Now Na!)

(Repeat Chorus)

VIII.

Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng bayan (in my own way)

Pabor o lagay ay di ko pinapayagan (kumporme sa pabor)

Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan (sana din)

Di ko ibinubulsa ang pera ng bayan (pera nga ng opisina di ko maibulsa, yung sa bayan pa :-))

IX.

Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino (yung iba lang)

Mga karapatan nila’y kinikilala ko (yah! non-negotiable ang human rights)

Iginagalang ko ang aking kapwa-tao (kung marunong din siyang gumalang, shemps. di naman ako santo)

Ipinaglalaban ko dangal ng bayan ko (pag nasa katuwiran, ipaglaban!)

(Repeat Chorus)

Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino… (sana)

Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino… (sana nga)

Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino… (sabing sana eh. kulit)

Sana hindi ka masyadong disappointed sa’kin, Noel 🙂

Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino… yata :-)