Forever “Third World” na lang ba tayo talaga?!

At hindi lang ekonomiya ng Pilipinas ang tinutukoy ko. Mas pa yung mga pananaw at ugali natin bilang “Pinoy.”

Ilang dekada na kasi tayong nasanay sa ganitong mga pag-uugali, sa ganitong mga gawi. Hayan tuloy, parang “normal” na sila sa atin. In fact, we sometimes even celebrate them, rationalizing (read: make excuses for) them to bring out the so-called “positive aspects” of the trait.

Haaays. Tama ba yun? Alam nating mali ipipilit pa rin… for the sake of “identity?” It’s as if nababawasan ang pagka-Pilipino natin kung hindi natin ugaling maging ganito:

  • Mahilig sumingit sa pila o mag-lagay sa fixer para mapadali ang buhay. “Diskarte” daw kasi ito
  • Mahilig mag counter-flow sa kalsada kapag na-trapik.
  • Wagas kung bumusina. Akala mo bibilis yun paglipat ng ilaw mula red to green.
  • Tapon dito, tapon doon (na hindi naman ginagawa kapag nasa ibang bansa )
  • Pinupuna ang lahat, pwera ang sarili
  • Pag imported, laging mas mainam kaysa gawang lokal
  • Ihi ng ihi kung saan-saan
  • Galit sa kapwa — naba-badtrip kapag may nagka-counterflow, pero gawain din naman nya.
  • Laging iniisip kung anong magiging balik (ganansya, ika nga) bago gawin ang isang bagay

At kahit hindi pa masasaabing “ilang dekada na nating nakasanayan”… malamang dun din mauuwi itong ugali ng maraming Pinoy na matapang bumanat online pero tameme naman pag harapan na ang komprontasyon.

Haaaays!

😦

Advertisements
Forever “Third World” na lang ba tayo talaga?!

Paano ka naman gaganahang mag-blog kung gan’to buhay mo?

  • dami utang
  • walang perang pampaayos sa sirang bubong… sirang gate… sirang kisame… sirang pintuan… sirang bintana…
  • walang pambili ng bagong sapatos… bagong salamin… bagong damit…
  • pundido na naman ang ilaw sa garahe… sa likod bahay…
  • hindi maka-diet ng seryoso… o maka-exercise ng maayos…
  • andaming bad trip sa opisina
  • laging pinapagalitan ng asawa
  • nagiging pasaway ang mga anak
  • dumadalas na ang tama ng rayuma
  • di mawalan ng garapata ang alagang aso
  • buwisit ang kapitbahay
  • pundido na ang mga ilaw ng parol
  • magpa-Pasko na naman!

😦

Paano ka naman gaganahang mag-blog kung gan’to buhay mo?

The Lies that Bind.

How does that adage go again — “the only things certain in life are death and taxes?” Agree ako dun, pero parang kulang… kasi sa tingin ko there are other things that are certain in life, especially when one talks of dealing with other people (which almost everyone alive in the world today does). Ang problema lang, parang mas marami yung mga “certain things” na negative kaysa positive.

Ok.Ok. Tumira na naman ang pagka-negatron ko, I know. But you can’t blame me. Just try watching/reading the news on a regular basis. Ano ang mas marami — good news o bad news?

My point exactly.

We can argue na baka naman it’s Media’s fault — na mas binibigyan nila ng priority ang mga masasamang balita kaysa sa magaganda, pero how sure are we that this is actually the case? Paano kung fact lang talaga na mas maraming masasamang nangyayari sa mundo — sa komunidad, gubyerno, ekonomiya, even sa showbiz?

Pero that’s another issue. Balik muna ako sa original kong topic… or as close to it as possible… my proposition is this: like death, and probably even more than taxes, encountering lies is certain in life.

Everybody lies. Period. No ifs and buts about it.

lies-are-lies

But, of course, lies are not equal. Tama din naman yun.

There are lies that are so insignificant that nobody cares anymore. There are lies that, given a specific context, can cause more good than telling the truth would. There are lies that are plainly bad and no manner of excuse can hope to justify them.

And then there are lies that are so evil that they deserve the worst punishment possible, and immediately.

Pero who decides which lie belongs in which category? Therein lies the rub (ika nga ni idol Conrado de Quiros) — kasi the people or institutions that purport to be the guardians of truth (and by extension, the judges of lies) are pathological liars themselves!

  • The Government lies.
  • Media lies.
  • The Church lies.
  • Movies, Songs, History Books, Poetry, Holy Books contain lies.
  • Police, Teachers, Managers, Politicians, Doctors, Lawyers, Soldiers, Activists, Judges, Students, Principals, Priests, Athletes, Nuns, Scientists, Evangelists, Voters… they all lie.
  • Even our Parents, Siblings, Husbands, Wives, Partners and Children lie.

Only Animals, Mathematics and Zombies don’t lie, methinks.

And lies, though they often cause us to become divided, bind us Humans together as no other common denominator ever can.

So, in summation, We All Lie.

But that’s just my opinion. And, mebbe that too is just another lie.  😉

The Lies that Bind.

My ongoing “2/3rds-Life Crisis”

midlife-crisis2

Yes. Two-thirds. As in 1/3 na lang ang natitira sa total.

Mahirap kasing sabihin na “Mid-Life” yung Crisis kasi that would imply na sa tingin ko ay my life is half-way over at this stage. Kaso, if we go by Mathematics and an objective assessment of my current health, mahirap isipin na aabot ako ng 90 years hehehe.

So, mas realistic to say na, kung aabot ako ng 70 years, then my life is 2/3rds over na now… thus my undergoing a “2/3rds Life Crisis” at the moment.

Ok, now that that’s all cleared up… balik ako sa crisis na nararamdaman ko. Andami kasing sintomas… mostly psychological, I know, pero may ilan din na physical yung manifestation.

Heto na po ang litanya ng sintomas ko.  Haays 😦

  • Nahihilig nang maging “loner.” Tinatamad nang uminom, gumimik, o mamasyal.
  • Madalas nang nag-iisip ng mga “what ifs” — what if iba ang trabaho ko? iba ang pamilya ko? nag-abroad ako?
  • Andami nang sumasakit sa katawan — joints, ulo, mata, bangs, bulsa.
  • Madali nang ma-depress kapag may nakikita o nababalitaang nakakalungkot na bagay — halimbawa, yung pagsu-suicide ni Robin Williams at yung sunod-sunod na pagkatalo ng Gilas Pilipinas
  • Mabilis nang uminit ang ulo. Hindi na kasing haba gaya ng dati ang aking pisi.
  • Nauubusan na yata ng creativity — wala nang “mojo” for daily blogging
  • Masyado nang nagiging sensitive kapag binibiro ng pabalagbag
  • Mas inclined nang bumili ng “Big Bike” o Truck, na mga hindi masyadong family-oriented na sasakyan.
  • Mas madalas nang malito sa tamang gamit ng “Nang” at “Ng”

🙂

 

 

 

My ongoing “2/3rds-Life Crisis”

Maligayang Pasko pa din!

Hindi na iba sa ating mga Pinoy ang bisitahin ng mga matitinding trahedya sa tuwing panahon ng Kapaskuhan. Kung matatandaan ninyo, Disyembre nang nangyari ang Rizal Day Bombings, ang paglubog ng MV Dona Paz, ang paghagupit ng Bagyong Sendong, ang pag-tama ni Bagyong Pablo, at ito ngang pananalanta ni Bagyong Yolanda.

Mga Paskong naging malungkot para sa milyon-milyong mga kababayan natin.

Pero tuloy pa rin ang Pasko.

Parol Tacloban

Sa ayaw o sa gusto natin/nila, tuloy pa din ang Pasko.

Maligayang Pasko pa din!

Bakit ayaw kong tumira sa Pinas (part 1 of 2)

Mawalang-galang na po sa mga tao na naniniwala sa prinsipyong “right or wrong, my country,” na kung ita-translate loosely to Tagalog ay “nasa tama man o mali, sa bansa ko pa rin ako hahanay!”

Patriotic talaga kung pakikinggan, at marami ring pagkakataon na applicable siya. Pero hindi sa lahat… Hindi sa lahat.

Minsan, dahil nga sa mahal mo talaga ang iyong bayan, kailangan mo itong punahin… pagalitan… paluin (kung pupwede lang talaga)… o di kaya’y parusahan.

Ang hirap kasing palaging kinukunsinti ang kamalian.

Parang magulang at anak lang yan.

Kaya, mahal kong Pilipinas…

ANYAAAARE?!

Natagurian kang isang “demokrasya,” puro naman vote-buying kaliwa’t-kanan!
Bidang-bida ang “hospitality” mo sa mga dayuhan, napaka-inhospitable mo naman sa ilang sektor ng iyong sariling mga mamamayan!
Tampok ang disiplina ng mga Pinoy kapag nasa ibang bansa, dito naman sa atin, daig pa nila ang mga baboy na nakawala sa kural!
Bastyon ka ng relihiyon (katolisismo, kristiyanismo at islam), pero parang pinamumugaran ka ng mga demonyo!
Andaming mong mga matatalinong tao, puro naman sa kalokohan ginagamit ang talino!
Biniyayaan ka ng sandamukal na likas-yaman, unti-unti mo naman itong binabasura’t dinudurog!
Andaming reklamador…
Andaming bastos…
Andaming mayayabang…
Andaming utak-pulbura…
Andaming kawatan…
Andaming adik…
Andaming baliw…
Andaming trapo…
Andaming manyak…
Aray ko ampusokoh.

Unhappy face

Bakit ayaw kong tumira sa Pinas (part 1 of 2)

Sa Burol ko…

Emo moment muna ako.

Recently, I had a feeling of just how mortal I am… of how precarious my hold was on this life that I took for granted for so long (andrama noh? hehehe).

But seriously, it got me thinking (ahead)… ano nga ba ang asteeg na burol na babagay sa akin?

Sad to say, marami na akong nadaluhang burol… ng kamag-anak, ng kaibigan, ng kakilala, ng idol… at lagi kong naiisip, “bagay kaya sa akin ang ganitong ‘style’?”

May say ba dapat yung binuburol dun sa paraan ng pagburol sa kanya? Sa motif? Sa colors? Sa sounds?

Of course may say din dapat yung pamilya mo about these things… after all, sila yung ta-trabaho to prepare everything (habang pahiga-higa ka na lang sa tabi). It’s only fair. Pero if there’s one aspect ng burol ko na gusto kong ako ang may say, ito yung sounds na ipapatugtog while I am lying in state.

funeral

Heto ang gusto kong soundtrack ng burol ko:

  • At My Funeral” by the Crash Test Dummies
  • Sa Burol Ko Huwag Kang Lumuha” by ARMAS
  • Goodbye My Lover” by James Blunt
  • Knockin’ on Heaven’s Door” by Guns N’ Roses
  • My Way” by Frank Sinatra
  • Wish You Were Here” by Pink Floyd
  • I’ll Never Cry” by Alice Cooper
  • Imagine” by John Lennon
  • Paglisan” by Color it Red
  • On the Road Again” by Willie Nelson
  • Stairway to Heaven” by Led Zeppelin
  • Hindi Ako Iiyak” by The Flippers
  • Somewhere over the Rainbow” by Israel Kamakawiwo’le
  • I Will Remember You” by Sarah McLachlan
  • Kanlungan” by Noel Cabangon
  • Hallelujah” by Rufus Wainwright
  • Biyaheng Langit” by Tropical Depression
  • Bubblegum” by Mister Loco
  • Larawang Kupas” by Jerome Abalos
  • Gintong Araw” by Bing Rodrigo

I-loop lang ng i-loop yung pag-play sa mga kantang ito hanggang matapos ang seremonya 🙂

Sa Burol ko…