Kinabahan naman ako bigla sa ad na ‘to :-)

Di ko kasi sure kung ano exactly yung message na gustong ipaabot nung advertisement na nakadikit sa nasakyan kong tricycle sa mga makaka-basa dito:

  • na mura lang ang masahe sa kanila
  • na malapit lang ang spa nila
  • na feeling sexy ka pagkatapos magpa-masahe sa kanila
  • o na taga-Addams Family ang masahista nila

DSC_1186

'THE ADDAMS FAMILY' FESTER ADDAMS THEBLACKBOXCLUB.COM

 🙂

Kinabahan naman ako bigla sa ad na ‘to :-)

Mana sa Tatay moment #75

May kakaibang kinang yung mga mata ni Dear Dawter nang makita niya na may bagong deskfan na uwi si Nanay. Akala ko pa naman na natuwa siya at may sariling electric fan na siya… mali pala ang akala ko.

Yung karton pala nung electric fan ang puntirya niya!

Konting gupit… kulay… sinulid… pandikit… tiklop… props… at sandamakmak na imahinasyon — naging expanding dollhouse bigla yung karton!

100_3704

100_3714

Hanep, anak! Gandang display ng creativity (panalo yung folding volleyball court) at perseverance (natiis mo ang pangungulit ni bebehboi).

Manang-mana ka talaga kay Tatay! Hehehehe.

So, Architecture o Engineering na ba ang pag-iipunan naming pan-tuition mo ni Nanay? 🙂

Mana sa Tatay moment #75

Spaghetti Art?

Nakita ko lang ito sa internet kanina. Kung sino man ang gumawa nito… PANALO ka, kapatid! Kakaibang talent ang meron ka!

Hindi na ito simpleng “playing with your food” lang (something our Mothers always remind us NOT to do)… mas asteeg na kategorya na ito — Food Art! (something I recommend everyone SHOULD pursue).

🙂

Next time, pansit canton naman tirahin mo ha?

Spaghetti Art?

DIY Tip # 25 — Duct Tape is da Bomb!

Problem — luma na ang kisame…pinapasok na ito ng mga naghahabulang pusa at daga… as in dumadagundong ang kisame… kaso, natiyempong may kabigatan pala yung pusa… natapilok… ayun, lumusot ang paa sa kawawang lawanit!

Paksheet! What to do?!

Don’t Panic!

Hanap agad ng pwedeng pantapal…

BOOM!

Solb!

Next Problem? 🙂

DIY Tip # 25 — Duct Tape is da Bomb!

Why can’t we all just get along?

Ang init ng panahon, Powtek! At mas lalung umiinit siya kapag sinasabayan ng away… ng gulo… ng stress… ng sumbat… ng sisi…

Pero may pag-asa pa naman na umayos ang mundo, di ba? Ako umaasa na OO, magiging mapayapa din ang mundo balang-araw.

  • Magiging kalma din ang mga tao…
  • Tatahimik din ang pulitika sa Pilipinas…
  • Magbabati din ang mga Noranians at Vilmanians…
  • Magko-cooperate din ang Tsina at Pilipinas sa pag-maximize sa natural resources ng Spratlys…
  • Magpipirmahan din ng TOR ang US at Iran para sa peaceful nuclear energy development…
  • Magbubuklod din ang Israel at Palestine at magbubuo ng bagong homeland for both Jews and Muslims…
  • Magiging magkaibigan din ang dati’y palaging nagpapatayan 

🙂

‘Di naman bawal mangarap, ‘di ba?

Why can’t we all just get along?

Milagrosong Mangga sa aming bakuran?

Pamilyar naman siguro kayo dun sa mga nakikitang banal na imahe sa pang araw-araw na mga bagay ano? Halimbawa, yung mga silhouettes ni Jesus o ni Mother Mary o ni Santo Nino na misteryosong sumusulpot sa talulot ng rosas, sa mga clouds, sa pader, sa puno…

Tulad halimbawa ng mga ito.

Wala akong comment sa mga litratong ito. If people believe them, it’s their right to do so. The same is true for people who don’t believe in such things. Live and let live, ika nga ng mga henyo d’yan sa gilid-gilid.

Pero baka nga totoo rin, ano? Lalu’t kung may personal experience ka on the matter.

Gaya halimbawa nung nakita ko sa isang bunga ng punong-mangga sa bakuran namin nang kinunan ko ng litrato yung isang bungkos. Nang nire-review ko na yung shot, napansin kong may imaheng naka-kubli sa isang mangga!

Kayo na po ang humusga.

Di ba kamukha niya si Majin Boo?

🙂

Milagrosong Mangga sa aming bakuran?