45 and still alive!

Medyo melo-dramatic, I know, pero marami-rami rin kasing tao ang pumapanaw before reaching this particular age. And knowing myself (na hindi naman poster boy for health and fitness, never mind clean living), I am genuinely surprised that I have made it this far with only a few scars to show.

Pero I am genuinely thankful to God na hindi pa niya ako kinukuha. Salamat dahil maliliit pa ang mga anak ko. I pray na sana maranasan ko pa na makalaro ang aking mga magiging apo.

And being a firm believer in the principle of “quid pro quo,” I resolve, from hereon, to live a more discerning, fulfilling and healthier life. Specifically:

  • bawasan (lalo) ang pag-inom ng alak
  • ituloy lang ang pagiging reformed smoker
  • bawasan ang love affair sa “extra rice”
  • itakwil na ng tuluyan ang softdrinks
  • bawasan ang kape
  • tanggapin na finally na masama talaga sa katawan ang taba ng baboy
  • bawasan ang pagka-hilig sa matatamis
  • dagdagan ang pagkain ng gulay
  • dagdagan ang exercise – buhayin ang pagbibisikleta at dalasan ang paglalakad
  • spend more quality time with my family
  • bawasan ang pagiging sensitive
  • look more at the positive things in life
  • tantanan na ang laging pagpupuyat
  • Pray more

Boom! Happy Birthday to me! 🙂

45 and still alive!

Is it just me, or is it still too cold to blog? :D

I think this is irrefutable proof that I truly am getting old. The ongoing (since last December) cold spell has effectively numbed my mind (not to mention my fingers) thus making even the simple act of blogging quite challenging.

Well, either that or sadyang tinatamad lang akong mag-isip o kumilos kasi… ANG GINAAAAAW! 🙂

Is it just me, or is it still too cold to blog? :D

My ongoing “2/3rds-Life Crisis”

midlife-crisis2

Yes. Two-thirds. As in 1/3 na lang ang natitira sa total.

Mahirap kasing sabihin na “Mid-Life” yung Crisis kasi that would imply na sa tingin ko ay my life is half-way over at this stage. Kaso, if we go by Mathematics and an objective assessment of my current health, mahirap isipin na aabot ako ng 90 years hehehe.

So, mas realistic to say na, kung aabot ako ng 70 years, then my life is 2/3rds over na now… thus my undergoing a “2/3rds Life Crisis” at the moment.

Ok, now that that’s all cleared up… balik ako sa crisis na nararamdaman ko. Andami kasing sintomas… mostly psychological, I know, pero may ilan din na physical yung manifestation.

Heto na po ang litanya ng sintomas ko.  Haays 😦

  • Nahihilig nang maging “loner.” Tinatamad nang uminom, gumimik, o mamasyal.
  • Madalas nang nag-iisip ng mga “what ifs” — what if iba ang trabaho ko? iba ang pamilya ko? nag-abroad ako?
  • Andami nang sumasakit sa katawan — joints, ulo, mata, bangs, bulsa.
  • Madali nang ma-depress kapag may nakikita o nababalitaang nakakalungkot na bagay — halimbawa, yung pagsu-suicide ni Robin Williams at yung sunod-sunod na pagkatalo ng Gilas Pilipinas
  • Mabilis nang uminit ang ulo. Hindi na kasing haba gaya ng dati ang aking pisi.
  • Nauubusan na yata ng creativity — wala nang “mojo” for daily blogging
  • Masyado nang nagiging sensitive kapag binibiro ng pabalagbag
  • Mas inclined nang bumili ng “Big Bike” o Truck, na mga hindi masyadong family-oriented na sasakyan.
  • Mas madalas nang malito sa tamang gamit ng “Nang” at “Ng”

🙂

 

 

 

My ongoing “2/3rds-Life Crisis”

“Holy Week” ba ‘kamo?

senakulo

Medyo mahirap para sa akin to describe what “Holy Week” means to me now as opposed to what it mean’t to me when I was still young. Andami na kasing mga factors na naghalo-halo para maapektuhan ang appreciation ko dito. Pero if I trace back my life and note-down the relevant events that could have affected how I viewed “Holy Week,” parang ganito ang lumalabas:

Nung bata pa ako (Elementary School age and below):

  • Kabilang sa isang pamilya na “Sarado Katoliko”
  • Nag-aral sa Catholic Schools (una sa Legaspi, then sa Naga, then sa Paranaque)
  • Seryoso lagi ang ‘Holy Week’ — walang palabas sa TV, bawal ang maglaro, bawal ang karne, pinagagalitan kapag maharot o masaya

Nung binata na ako (High School):

  • Napasali sa ilang gawaing pam-Parokya dahil lang sa ‘peer pressure’
  • Napipilitang mag-Nobena’t mag-Rosaryo tuwing Biyernes kasama ang mga istriktong Tiya
  • May ilang mga ka-klase sa Catholic School na medyo pasaway
  • Nagsisimba na lang para makita ang barkada tuwing Linggo

Nung nagpupumilit nang maging mas-independent (College hanggang early working days):

  • Pumasa at pumasok sa UP sa kabila ng babala ng mga Tiya kong takot sa “Komunista”
  • Feeling “baboy na nakawala sa kural” bigla
  • Napalapit sa mga isyung pulitikal at nabarkada sa mga aktibista
  • Nabawasan ang pag-simba hanggang sa tuluyang huminto

Nung may sariling pamilya na (nang ikinasal at nagkaroon ng unang anak):

  • Busy na sa paghahanap-buhay
  • Andami nang tanong tungkol sa Relihiyon at sa mga namumuno dito

Ngayong dalawa na ang anak (at baka madagdagan pa):

  • Mas busy na lalo sa paghahanap-buhay
  • Tunay na naniniwala sa kahalagahan ng Reproductive Health Law
  • Mas lalung dumami ang tanong tungkol sa Relihiyon at sa mga itinuturo nito

So, ano para sa akin ang “Holy Week?”

Ang hirap namang sagutin yung tanong na ‘yun 😐

“Holy Week” ba ‘kamo?

Sunday afternoon therapy.

Given the nature of my current work, minsan Sundays na lang talaga ang nali-libre for relaxation and family life. Not that I’m complaining… ganun talaga minsan ang buhay. Buti nga may trabaho eh. Hehehe.

After all, it’s what you do with your free time that really counts. Quality trumps quantity, ‘di ba?

Kaya ako, every Sunday, may lista na ng mga relaxing things to do together with the family (Wife, Daughter and Son), and on my own (Me, Potchie the dog, Choco the other dog).

Pareho ba tayo ng Sunday trip?

Family activities:

  • magluto
  • manood ng TV
  • play kick-ball with the 2 kids
  • hugas plato kasama Daughter
  • play with 2 dogs
  • mamitas ng Kamias
  • manungkit ng Mangga kasama Misis
  • mamitas ng Sili para sa sawsawan
  • tulong sa pag-sampay ng labada ni Misis
  • bumili ng pandesal sa Bakery
  • bumili ng ice-candy sa Tindahan kasama Bunso
  • mag-agawan sa laptop for Internet time
  • sabayang siesta sa sala

Solo activities:

  • tanggalan ng garapata ang mga aso
  • manood ng TV
  • linisan ang bisikleta
  • mag-tais ng itak
  • magbasa ng Sunday paper
  • abangan ang trak ng basura
  • mag-ipon ng tubig sa tangke

And my favorite “pampa-relax” activity of all on a Sunday afternoon: dilig-dilig din ng halaman ‘pag may time! 🙂

DSC_0469

 

Sunday afternoon therapy.

“‘Tay, utay-utay… aayusin mo ang bahay.”

Yan palagi ang dialogue ko sa sarili kapag nade-depress ako gawa ng hindi maka-ipon ng sapat na pera para mapa-ayos ang lahat ng mga dapat ayusin sa aming bahay.

Medyo luma na kasi yung bahay namin (circa 70s pa) at hindi na kayang itago ng pintura at ng mga halaman ang mga “signs of old age” nito.

100_6491

Pangarap namin ni Misis na mapa-ayos siya at mapalakihan para maging mas livable para sa mga anak namin.

Ano ang mga dapat ayusin? Heto ang nasa lista ko (ewan lang kung pareho kami ng lista ni Misis):

  • bagong kisame
  • bagong bubong
  • bagong mga tubo
  • bagong wiring
  • bagong gate
  • bagong aso
  • bagong mga pintuan
  • bagong window grills
  • isa pang kwarto
  • bagong kusina
  • isa pang CR
  • bagong linya ng telepono
  • bagong landscaping sa harap
  • bagong vegetable garden sa likod
  • bagong kapitbahay sa kaliwa namin
  • bagong appliances
  • bagong supplier ng tubig
  • bagong garahe
  • bagong pintura…

(hinga ng malalim…Powtek! Konti na lang pala, BAGONG BAHAY  na ang mangyayari. 🙂

“‘Tay, utay-utay… aayusin mo ang bahay.”

(Mga) Senyales ng Pag-tanda (Ko)

Alam ko naman na tumatanda na ako. Unang-una, hindi ako immortal. Wish ko lang yun. So, Yes, klaro na tumatanda na ako. Crystal, ika nga.

Kahit ano pang pag-deny ang gawin ko ay hindi na talaga uubra, lalo when faced by these indisputable evidences:

  • Lalung lumalabo ang mga mata ko. Since I first started wearing glasses in my 2nd year in HS, nakaka-higit sampung “upgrade” na yata ang grado ng mata ko.
  • Humihina na ang pandinig ko. Lagi na akong nagsasabi ng “Ha? Ano sabi mo?”
  • Madalas nang sumasakit ang mga kasu-kasuan ko. Lalu kung malamig ang panahon… ay sows! Ka-kirot eh.
  • Mahirap nang mag-lose ng timbang. Doble-, baka nga triple-effort na ang kailangan para magpapayat ng konti.
  • Mas nagiging makakalimutin na ako. Birthdays… meetings… assignments… deadlines…
  • Mas madalas na akong nagre-reminisce about the “good old days,” meaning, nung bata pa ako.
  • Andami na ng mga puting buhok ko. Hindi lang sa ulo kundi pati sa balbas.

Pero ang pinaka-malupit na ebidensiya…

Ang mga kababata ko noon… Matatanda na ring lahat!

growing-old n growing-up

Wahahahahahaha!

(Mga) Senyales ng Pag-tanda (Ko)

Bakit ngayon lang ako nag-Bucket?

As in Bucket List.

Matagal na itong ginagawa ng mga tao, sikat man o ordinaryo. Yung iba nga, dahil sa ka-asteegan ng mga gustong gawin sa lista nila, pumapatok yung listahan online, lalu pa’t nagawa na pala nila yung mga naka-listang plano.

Pero hindi lang pala ito simpleng pag-lista ng mga gusto mong magawa bago mo lisanin ang mundong ito — “before you kick the bucket,” ika nga nung lumang English Idiom, which is a euphemism for dying.

Ayon sa grupo ng mga Finnish (yun o! related pa din sa katapusan. hehehe) na nagpasimula ng bucketlist.net, mahalaga din na tulungan mo ang ibang tao na matupad ang kanilang Bucket List habang nagpupursigi ka na matupad ang sarili mong listahan.

Bayanihan pa din, ano po? At huwag daw kalimutang pasalamatan ang mga taong tumulong sa’yo upang matupad ang iyong mga pangarap.

bucket-list

Matagal ko nang naiisip na gumawa ng sarili kong Bucket List pero laging napapaliban. Pero nang nabasa ko kahapon yung lista ni kapatid na Tetrara, na-inspire akong gawin na finally yung lista ko.

Kaya, heto na ang aking Bucket List (in no particular order):

  • Maging certified Scuba Diver.
  • Learn enough masonry skills to do simple house renovations.
  • Teach my 2 kids at least one very important life-skill each.
  • Learn Burmese.
  • Tour Burma.
  • Visit Jamaica.
  • Visit Vietnam.
  • Organize a week-long beach vacation for the entire family.
  • Invest in a farm.
  • Learn how to fish, mangingisda-style.
  • Set-up a saltwater aquarium.
  • Join a bike marathon.
  • Learn to ride a motorcycle (then buy one).
  • Complete my collection of Tolkien and Asimov books.
  • Go on an ocean cruise with my Wife.
  • Study Buddhism.
  • Become a Vegetarian.
  • Get my left ear pierced.
  • Full-sleeve tattoos.
  • Laser vision correction surgery (LASIK).
  • Help my Wife and 2 Kids with their own bucket lists!

Grabe. Nakaka-adik pala neto! Ansarap kasing gumawa ng lista. 🙂

Bakit ngayon lang ako nag-Bucket?

30 minutes before 2014…

… and I’m still inside the house. No fireworks for me — I’ve sworn them off years ago when my Asthma got too sensitive to the smoke. Pero OK lang. I still find the explosions very agreeable; unlike my youngest son who still hasn’t discovered the joy of noise — past his bedtime na daw kasi. Hehehe.

My daughter, on the other hand, seems not just to have inherited my intellect (eherm), but my Asthma as well. Kaya andito rin siya sa loob ng bahay kagaya ng Tatay niya, nagto-torototkumakain… naghahandang tumalon at the stroke of midnight.

15 minutes to midnight. Mas lumalakas at dumadalas na ang fireworks sa labas… pero still not as loud and as long as last year. Bakit kaya? Is it because of economic reasons, or is the DOH finally making headway at convincing the public that fireworks bring more bad than good?

Ewan. Your guess is as good as mine.

10 minutes to go. Getting really loud outside! Pati yung volume ng usap namin sa loob ng bahay ay halos sigawan na (but in a good way).

5 minutes to go!

I wonder what 2014 has in store for all of us?

2014

30 minutes before 2014…

‘Pag walang alak, walang…

Balak?

Yan daw ang kilalang kasabihan tungkol sa alak — i.e., na “kapag may alak… may balak.” Pero paano kung walang alak? Ano ang epekto?

no-alcohol

Tancha ko ay magkakaiba ang epekto ng kawalan ng alak sa tao. Depende marahil yun sa nakukuha niya sa pag-inom ng alak in the first place.

More than a month na akong hindi umiinom (bilang pag-talima na rin sa payo ng aking duktor… well, sa aking kaibigan na feeling duktor) at napapansin ko na ang mga magaganda at masasamang epekto nito sa akin at sa buhay-buhay:

I. Pros ng hindi pag-inom:

  • Nabawasan ang pag-atake ng Hika.
  • Nabawasan ang gastos.
  • Nabawasan ang pag-uwi ng madaling-araw.
  • Nabawasan ang pagiging late sa pagpasok.
  • Nabawasan ang atake ng Rayuma.
  • Nabawasan ang pagka-bwisit sa akin ni Misis.

II. Cons ng hindi pag-inom:

  • Nabawasan ang mga kaibigan (na kainuman. Friends pa din kami, shempre).
  • Nabawasan ang inspirasyong mag-blog.

Hmmm… parang lugi yata ako dun ah.

Ay sya! Maka-inom na nga ulit! 🙂

‘Pag walang alak, walang…