Ayan na nga ba ang sinasabi sa hula!

Record-breaking na po ang bilang ng ating daily infection rate, mga kapatids. At naitala siya 1 year mula ng nagsimula ang unang lockdowns noong nakaraang taon.

Tumatanda ba tayo ng paurong?!

O may pumalpak ba ng matindi pero ayaw aminin?

Ang masaklap dito, buhay nating lahat ang isinu-sugal nila.

Ayan na nga ba ang sinasabi sa hula!

“Back to Zero” na naman ba tayo?

Kasi bakit parang bumalik ulit tayo sa “bad old days” nung kalagitnaan ng 2020 kung saan pumapalo ng halos 6000 ang infection cases per day? Kung kelan pa talaga nagsisimulang magsidatingan ang mga bakuna ay tsaka pa lolobo ang infection rate natin? Andami tuloy na katanungan ang nabubuo:

  • too late the hero” na ba ang pagdating ng mga bakuna?
  • masyado bang naging kampante ang mga tao nung bumaba na sa 1000+ cases per day na lang?
  • hindi ba epektibo (o hindi sinunod ng tama) ang mga health protocols nung muling binuksan ang ekonomiya?
  • may mali ba sa mga ipinatupad na polisiya ang national at local governments, pati ang mga special bodies na tumututok sa pandemya?

Medyo nakakasama lang kasi ng loob dahil ingat na ingat ako palagi sa tuwing lalabas ng bahay para pumasok sa trabaho. Ayaw kong mag-uwi ng impeksyon sa bahay.

Pero heto na naman tayo.

Sama-sama ba tayong lulubog, o sama-sama tayong babangon?

“Back to Zero” na naman ba tayo?

Why not a “Better Normal” instead?

Madalas nating marinig ang mga katagang “sana bumalik na sa dati ang mga bagay-bagay…” Sino nga ba naman ang ayaw na mawala nang tuluyan itong lintek na pandemyang ito?

Pero “back to normal” ba talaga ang gusto natin? As in back to the way things were before the pandemic hit?

If you said “Yes,” then maganda siguro ang buhay mo dati, tama? No complaints? Kuntento na sa mga nakikita sa paligid? Manageable naman ang mga dinadanas na stress sa araw-araw?

Wow. “Sana All” talaga.

Kaso may duda ako na baka… baka lang naman… pag binigyan ng pagkakataon ang mga kababayan natin na baguhin ang itsura ng mundo pag nawala na finally ang Covid… ay may ilan silang mga sistema, o kalakaran, o sitwasyon na ayaw na nilang makita o maranasan pang muli.

Pero duda ko lang naman yun. πŸ™‚

Why not a “Better Normal” instead?

Ano ang “new normal” para sa iyo?

Marami ang nagde-debate kung dapat nga bang tawaging “new normal” ang buhay natin ngayon o “new abnormal,” kasi nga hindi pa rin siya gaya ng nakasanayan nating normal dati pero siya na ang bagong katotohanan ng buhay sa ngayon.

Iba-iba ang pananaw natin tungkol dito, pero para sa akin, ang “new normal” ay dapat…

may hangganan din.

Ibig sabihin, lahat ng mga restriksyon sa galaw ng tao ngayon ay maaalis din balang-araw, dahil umabot na ang libre (o abot-kayang) bakuna sa lahat ng Pinoy… at naging epektibo ito… at walang bagong virus na bubulaga sa mundo.

Siya nawa. Insha’Allah. May it be so, Lord.

Ano ang “new normal” para sa iyo?

Eh kung alukin ka ng libreng vaccine?

Honestly, mahirap sagutin ang tanong na ito.

Magulo kasi ang pagkaka-intindi ng mga tao ngayon sa efficacy ng mga vaccines na available sa ating mga Pinoy. Ibang usapin pa yung presyuhan ng mga ito. Pero kung libre… at tiyak ang efficacy… at walang matinding side-effects (lagnat ok lang siguro)… at hindi pinagkakitaan ng mga trapo’t negosyanteng nagkalat sa Pilipinas…

Ewan ko pa rin. 😦

Eh kung alukin ka ng libreng vaccine?

Forever “Third World” na lang ba tayo talaga?!

At hindi lang ekonomiya ng Pilipinas ang tinutukoy ko. Mas pa yung mga pananaw at ugali natin bilang “Pinoy.”

Ilang dekada na kasi tayong nasanay sa ganitong mga pag-uugali, sa ganitong mga gawi. Hayan tuloy, parang “normal” na sila sa atin. In fact, we sometimes even celebrate them, rationalizing (read: make excuses for) them to bring out the so-called “positive aspects” of the trait.

Haaays. Tama ba yun? Alam nating mali ipipilit pa rin… for the sake of “identity?”Β It’s as if nababawasan ang pagka-Pilipino natin kung hindi natin ugaling maging ganito:

  • Mahilig sumingit sa pila o mag-lagay sa fixer para mapadali ang buhay. “Diskarte” daw kasi ito
  • Mahilig mag counter-flow sa kalsada kapag na-trapik.
  • Wagas kung bumusina. Akala mo bibilis yun paglipat ng ilaw mula red to green.
  • Tapon dito, tapon doon (na hindi naman ginagawa kapag nasa ibang bansa )
  • Pinupuna ang lahat, pwera ang sarili
  • Pag imported, laging mas mainam kaysa gawang lokal
  • Ihi ng ihi kung saan-saan
  • Galit sa kapwa — naba-badtrip kapag may nagka-counterflow, pero gawain din naman nya.
  • Laging iniisip kung anong magiging balik (ganansya, ika nga) bago gawin ang isang bagay

At kahit hindi pa masasaabing “ilang dekada na nating nakasanayan”… malamang dun din mauuwi itong ugali ng maraming Pinoy na matapang bumanat online pero tameme naman pag harapan na ang komprontasyon.

Haaaays!

😦

Forever “Third World” na lang ba tayo talaga?!