Forever “Third World” na lang ba tayo talaga?!

At hindi lang ekonomiya ng Pilipinas ang tinutukoy ko. Mas pa yung mga pananaw at ugali natin bilang “Pinoy.”

Ilang dekada na kasi tayong nasanay sa ganitong mga pag-uugali, sa ganitong mga gawi. Hayan tuloy, parang “normal” na sila sa atin. In fact, we sometimes even celebrate them, rationalizing (read: make excuses for) them to bring out the so-called “positive aspects” of the trait.

Haaays. Tama ba yun? Alam nating mali ipipilit pa rin… for the sake of “identity?” It’s as if nababawasan ang pagka-Pilipino natin kung hindi natin ugaling maging ganito:

  • Mahilig sumingit sa pila o mag-lagay sa fixer para mapadali ang buhay. “Diskarte” daw kasi ito
  • Mahilig mag counter-flow sa kalsada kapag na-trapik.
  • Wagas kung bumusina. Akala mo bibilis yun paglipat ng ilaw mula red to green.
  • Tapon dito, tapon doon (na hindi naman ginagawa kapag nasa ibang bansa )
  • Pinupuna ang lahat, pwera ang sarili
  • Pag imported, laging mas mainam kaysa gawang lokal
  • Ihi ng ihi kung saan-saan
  • Galit sa kapwa — naba-badtrip kapag may nagka-counterflow, pero gawain din naman nya.
  • Laging iniisip kung anong magiging balik (ganansya, ika nga) bago gawin ang isang bagay

At kahit hindi pa masasaabing “ilang dekada na nating nakasanayan”… malamang dun din mauuwi itong ugali ng maraming Pinoy na matapang bumanat online pero tameme naman pag harapan na ang komprontasyon.

Haaaays!

😦

Forever “Third World” na lang ba tayo talaga?!

What? Me, Adik?! Baka ikaw din.

Maddict-logoedyo harsh yata yung accusation na ‘yun. Harsh pakinggan. Pero baka nga naman totoo. Otherwise, bakit ka nila babansagan ng ganun?

Hindi lang kasi sa drugs naa-adik ang tao; ‘di lang sa alak o sa yosi. May naa-adik din sa games… sa gym… sa pagda-diet… sa pag-ibig… sa softdrinks… sa pagkain… sa gimik… sa music.

May adik sa pagpapa-ganda… sa trabaho… sa pera… sa kapangyarihan… sa sex… sa porn… sa pagpapa-tattoo… sa facelift… sa sports… sa cellphone… sa heartbreak.

Sa singalong… sa junk food… sa kape… sa pagpapa-puti ng balat… sa cartoons… sa kotse… sa sapatos… sa sugal… sa facebook… sa TV… sa pagtulog.

Pati nga sa blogging may naa-adik na din.

In short, andami talagang pwedeng pagkaadikan sa mundo. Kaya huwag munang magre-react kapag tinawag kang “Adik!” Sa halip ay matutong tanggapin ang katotohanan — na lahat tayo ay mga “Adik” talaga.

Kaya ako, bilang isang mabuting Adik, tanggap ko at masaya ako na ang Asawa ko ay Adik… ang mga Anak ko ay Adik… mga Adik lahat ng kaibigan ko… pati ang mga ka-opisina ko ay pulos mga Adik din.

In fact, nagpapasalamat ako na lahat ng mga kapitbahay namin ay Adik at andaming nagkalat na Adik sa aming baranggay.

🙂

What? Me, Adik?! Baka ikaw din.

May Araw ka din! Ang Hangin mo kasi.

Kwaresma na naman. Ibig sabihin, summer na naman. And, if you’re keeping track of trends, panahon na naman ng mg bantang “rolling brown-outs” gawa ng (forever na) kakulangan sa generating capacity ng ating mga power plants.

As usual, ang sagot daw sabi ng gubyerno ay gumawa ng karagdagang mga power plants! And when they say “power plants” they usually refer to the coal-fired variety. Kasi nga malaki ang pag-kontra ng publiko sa nuclear power at bilang lang ang mga lugar na pwedeng tayuan ng geothermal plants.

So, more coal plants equals, first of all, more utang, but, more importantly, more carbon emissions, which leads to more greenhouse gasses, which exacerbates climate change, which results in more “Yolanda-like” super-typhoons.

coal_fired_power_plant

Kaya dapat may alternative, ‘di ba? Everything has an alternative. And the same is true when it comes to Energy. Hindi dapat puro Coal na lang ang tinitingnan natin.

Ok, sabihin na natin na ito yung pinaka-mabilis itayo (para nga naman agad matugunan yung pangangailangan nating mga consumers — lang’ya, tayo na naman nagamit hehehe), pero kasabay nito ay dapat tinitingnan din yung ibang possible sources of energy.

Kaya nakakatuwa na dumadami na ang wind farms dito sa Pilipinas. Yung original na wind farm sa Bangui ay nasundan na ng bagong mga wind farms sa Burgos at Guimaras. At kumakalat na din yung paggamit ng Solar Energy.

Bangui wind Burgos wind Guimaras wind

Sa level ng indibidwal, medyo mahirap na magkaroon ng sariling windmill sa bakuran, pero simple lang na magpakabit ng solar panels. Medyo mahal pa rin ang isang kumpletong set (depende sa laki ng energy na kayang ipunin) pero di hamak na mas mura na ito kaysa 3 years ago.

solar panels

At sa mga can’t afford na magpaset-up ng solar panels sa bubong nila, meron ding mga “personal size” na solar energy gadgets.

IMG_20150108_105632

Magandang simula na rin ito, ‘di ba? 🙂

 

May Araw ka din! Ang Hangin mo kasi.

Kinabahan naman ako bigla sa ad na ‘to :-)

Di ko kasi sure kung ano exactly yung message na gustong ipaabot nung advertisement na nakadikit sa nasakyan kong tricycle sa mga makaka-basa dito:

  • na mura lang ang masahe sa kanila
  • na malapit lang ang spa nila
  • na feeling sexy ka pagkatapos magpa-masahe sa kanila
  • o na taga-Addams Family ang masahista nila

DSC_1186

'THE ADDAMS FAMILY' FESTER ADDAMS THEBLACKBOXCLUB.COM

 🙂

Kinabahan naman ako bigla sa ad na ‘to :-)

The Psychology of “Pila”

Pinoy ako. Pinoy ka din, ‘di ba? If yes, then I’m sure sanay ka nang pumila. Queuing is a way of life in the Philippines. Wala na sigurong magde-debate dun.

Ano ang madalas nating pilahan? Ewan sa inyo, pero ako, andami. As in.

Ano ang mga napilahan, pinipilahan at pipilahan ko sa buhay? Aber, isa-isahin ko nga:

  • Sakayan sa Dyip / Bus / Tricycle
  • Bayaran ng Tuition sa Eskwela
  • Bayaran ng Kuryente / Tubig / Credit Card / Cable
  • Takilya ng Sinehan
  • Cashier ng Grocery
  • Check-in sa Airport
  • Check-up sa Clinic / Ospital
  • Entrance ng Mall
  • Voting Station

Etcetera… etcetera… etcetera…

Pero ang nakakatuwa sa mga pagpi-pilang ito, andami mong matututunan tungkol sa ugali at personalidad ng mga kasama mo sa pilahan…basta marunong kang makinig, magmasid at makiramdam.

DSC_1166

Gaya nitong latest na pag-pila na ginawa ko kanina lang. Bayaran ng water bill. As usual, well-represented ulit ang lahat ng “usual personalities” sa nakikita sa mga pilahan. Mga taong:

  1. Reklamador
  2. Nagmamadali
  3. Matiisin at walang-imik
  4. Chikadora kahit sa mga hindi kakilala
  5. Asar sa “Seniors” at PWD na may sariling pila (na mas maikli)
  6. Palatanong
  7. Mahilig sumingit
  8. Umiispat ng Maganda/Pogi/Sexy sa pilahan
  9. Tawag ng tawag / Text ng text
  10. Nakikinig sa chumi-chika
  11. Dinidedma ang chumi-chika

Kayo, na-encounter na din ba ninyo ang mga ganitong tao sa pilahan?

At anong klaseng “mamimila” ka?

Ako? Siguro #3, #8 at #10 combined! 🙂

 

 

 

The Psychology of “Pila”

Call it Burma, call it Myanmar, call it whatever you like…

100_5942

100_5959

IMG_20140629_180213

… the country effin’ Rocks!

I’ve been dreaming of going to Burma (now officially called “Myanmar,” since 1989) ever since I first met my Burmese friends and heard their stories of struggle under the Military Junta. That was more than 5 years ago. Isip-isip ko nun, “malaki nga ang problema ng Pilipinas, pero di hamak na mas malaki ang problema nila.”

Mas malupit ang naging diktador nila recently kumpara kay Marcos sa kapanahunan nito. Daang-libo ang namatay sa kanila noong Cyclone Nargis (2008); walang karapatang magmay-ari ng lupa ang kanilang mga magsasaka (all land is owned by the State and only “right of use” is granted); sobrang lupit ng kanilang Militar sa pag-lipol sa mga ethnic groups (Rape is being used as a weapon of war, especially sa Kachin State); naglipana ang mga plantasyon ng Poppy Plant na syang pinagmumulan ng Opium; etcetera… etcetera…

Pero marami rin tayong pagkaka-pareho:

  • Mahilig sila sa mga inuulit na pangalan (Noe Noe, Zaw Zaw, Tin Tin, Ni Ni, Ko Ko… at tayo naman may Ging Ging, Let Let, Bong Bong, Bing Bing, Jun Jun…)
  • Napaka-pamilyar ng lasa ng kanilang mga pagkain (di gaya sa Thai, halimbawa, na madalas kakaiba ang dating at presentation)
  • Meron silang babae na “Icon of Democracy” — si Daw Aung San Suu Kyi, habang meron naman tayong “Tita Cory”
  • Relihiyoso rin sila, Buddhist nga lang. So mahilig silang dumalaw sa mga templo at mag-alay sa kanilang mga altar.
  • Mahilig din silang kumanta. Andami ding mga Magaganda (at Pogi, shempre) sa Bansa nila, gaya sa atin. Hehehe…
  • Marami rin silang mga NGOs (both tunay at peke, just like the Philippines)
  • Nagbabasaan din sila tuwing piyesta — sa kanila tuwing New Year, sa atin tuwing Pista ni San Juan
  • At pinapanood din nila ang Dyesebel at Mara Clara! Pero dubbed in Burmese, shempre. 🙂

 

Call it Burma, call it Myanmar, call it whatever you like…

Not everything is “Made in China”

Siguro hindi ako nag-iisa sa feeling na sobrang dine-dehado na ng bansang Tsina ang Pilipinas.

Chinese-bullying-Filipino-cartoon

Una: parang ginagawa tayong pabrika ng mga iligal na droga ng mga Tsino. Andaming “safe houses” ang kanilang nire-rentahan at kino-convert para maging laboratoryo ng Shabu. At ang malala pa dito, kapag nahuli sila, biglang “nakaka-takas” naman.

Pangalawa: sinasakop nila ang mga isla natin sa Spratlys at Scarborough. Pilit nilang inaangkin ang mga ito at itinataboy ang mga maliliit nating mangingisda. Hina-harass. Binu-bugahan ng water hose.

Pangatlo: patuloy nilang nili-limas ang mga yamang-dagat/lupa sa teritoryo natin. Mga Pawikan. Taklobo. Seahorse. Corals. Mameng. Black Sand.

Pang-apat: bina-baha nila tayo ng mga mumurahin pero delikadong produkto — gatas na may Melamine, laruang may toxic content, mga piyesang mahina kaya’t suma-sanhi ng aksidente — at dinu-durog ang mga maliliit nating negosyante

Panlima: ginagawa tayong tapunan ng mga smuggled agricultural products — sibuyas, manok, bawang, carrots, atbp. — kaya nalulugi ang mga magsasaka natin.

Pang-anim: nakikipag-kuntsabahan sila sa mga korap at abusado nating pulitiko (pati ang dating Presidente) upang ma-protektahan lang ang interes ng kanilang mga negosyo dito sa atin.

Etc. Etc. Etc. Ad Nauseam.

At ang nakaka-inis pa lalo, sila pa ang may ganang magalit sa atin! Kesyo pinag-kakaisahan daw sila. Sinasadya daw sila. Nagpa-pasaway lang daw ang Pilipinas!

Anaknghinayupaknabullynasingkitnamanoo!!!

Pwes, mula ngayon, I swear… sa abot ng aking makakaya… ibo-BOYCOTT ko ang lahat ng produktong “Made in China!”

boycott-products-made-in-china

Mahirap itong gawin, OO alam ko. Sabi nga nila, “God made the World, but everything else is Made in China.”

Pero, I believe na if I really try, and as long as it is clear to me why I need to boycott China’s products, kaya naman siguro. After all, every little bit counts.

Kaya sinimulan ko na, in my own small way.

Para sa backyard gardening work ko, bumili ako ng asarol (garden hoe), garden trowel at pandilig ng halaman. Usually, sandamakmak na ganitong tools ang “Made in China.” Pero nag-pursigi akong humanap ng mga alternatives.

At tagumpay naman! Heto ang mga nabili ko:

Asarol na “Made in the UK” ang ulo (at Pinoy ang kahoy na katawan), Garden Trowel na “Made in Brazil“, at Pandilig ng Halaman na “Proudly Made in the Philippines!” Woohooo!

DSC_0975

DSC_1024

 Mabuhay ang Pilipinas! 🙂

Not everything is “Made in China”