Mana sa Tatay moment #75

May kakaibang kinang yung mga mata ni Dear Dawter nang makita niya na may bagong deskfan na uwi si Nanay. Akala ko pa naman na natuwa siya at may sariling electric fan na siya… mali pala ang akala ko.

Yung karton pala nung electric fan ang puntirya niya!

Konting gupit… kulay… sinulid… pandikit… tiklop… props… at sandamakmak na imahinasyon — naging expanding dollhouse bigla yung karton!

100_3704

100_3714

Hanep, anak! Gandang display ng creativity (panalo yung folding volleyball court) at perseverance (natiis mo ang pangungulit ni bebehboi).

Manang-mana ka talaga kay Tatay!ย Hehehehe.

So, Architecture o Engineering na ba ang pag-iipunan naming pan-tuition mo ni Nanay? ๐Ÿ™‚

Mana sa Tatay moment #75

Game of Corns (aka, “The Mais Chronicles”)

Kakaibang tuwa din talaga yung makitang lumalaki, lumalago at namumunga yung tanim mo. Ilang buwan ko nang binabantayan yung experimental “mais plantation” sa bakuran namin at isang “roller-coaster of emotions” talaga ang dinaanan ko:

Excitement nang nakitang umusbong na yung mga butong ibinaon…

Lungkot nang mapansing hindi lahat ng itinanim ay nabuhay…

Galit nang makitang kagatin at baliin ng tutang nagti-trip ang ilang puno ng mais…

Ibayong Ligaya nang makita ang unang “young corn” ng batch!

Ang ganda ni baby, ano? Blondie pa! ๐Ÿ™‚

Game of Corns (aka, “The Mais Chronicles”)

2 down… 98 to go. Happy Birthday, Anak! :-)

Kaka-2nd birthday lang ng bunso kong anak a few days ago. Coming as I did from a family that wasn’t too hot with holding birthday parties (or any party for that matter… X-mas parties excluded, shemps), the missus and I decided on a simple celebratory affair: go to the mall to cool off, give the birthday boy a new haircut, allow the kids to play at timezone, and have lunch together.

Maliban sa birthday-haircut plan (nagwala si bebehboi… di yata type yung manggugupit. hehehe), maayos namang natuloy yung ibang activities.

Kaso, after nakauwi na kami… after settled-in na ulit ang mag-kapatid sa bahay (read: nagbabangayan as usual)… napa-isip ako: ano ba ang birthday wish ko sa aking bunso?

A mix of “the usuals” and “medyo kakaiba” na wishes, apparently.

  1. To have a healthy life.
  2. To have a reasonably happy life.
  3. To always get along nicely with his Ate.
  4. To have a good education.
  5. To be intelligent.
  6. To live in a relatively safe and just society.
  7. To be “green” minded (read: environmentalist).
  8. To be considered by other people as a “good person”
  9. To have true friends (kahit konti lang sila).
  10. To be humble.
  11. To be responsible.
  12. To be able to contribute to the improvement of his community, society, the country and the world.
  13. To have a wonderful family.
  14. To have a long AND productive life.
  15. To have a great sense of humor.
  16. To always learn from his mistakes.
  17. To not be “sheep.”
  18. To not be too pressured by the expectations of his parents ๐Ÿ™‚

Happy Birthday, Anak! 2 down… 98 to go! ๐Ÿ™‚

2 down… 98 to go. Happy Birthday, Anak! :-)

Mabuhay, Recycling!

Sa hirap ng buhay ngayon, pwersado na ang maraming pamilya na rumenda sa gastos at luho. Andyan ang nagtitipid sa kuryente… nagbabawas sa grocery… lumilipat sa Generics… nagti-tiyaga sa patingi-tingi… gumagamit ng panggatong, imbes LPG…

Kami, pinangangatawanan namin ang prinsipyo ng 3Rs — Re-use, Reduce and Recycle.

Kaya, anak, pasensiya ka na muna diyan sa kulungan ng manok ha? Babawi na lang kami ni Nanay pag tumama kami sa Lotto ๐Ÿ™‚

Mabuhay, Recycling!

rock, Baby, rock… smile naman d’yan :-)

‘la lang! ๐Ÿ™‚

Now if I only knew how to include sounds in blog posts, this post would be so much better.

Rock Baby, Rock โ€“ VST & Company

Rock!
Rock!
Rock!
Rock!

Rock baby rock
Rock it to my heart
Rock baby rock
Say weโ€™ll never part

Hey hey hey
Hey hey hey
Hey hey hey
Ahh โ€ฆ

Rock baby rock
Dahan-dahan lang
Rock baby rock
Akoโ€™y mag-aabang

Rock baby, rock baby
Rock, rock baby rock
Rock baby, rock baby
Rock, rock baby rock

Hey hey hey
Hey hey hey
Hey hey hey
Ahh โ€ฆ

Sa bawat galaw ng iyong katawan
Ako ay lalo nang nahihibang
Come on and rock me tonight
Ako ay sa โ€˜yo forever
Kayaโ€™t ibuhos mo na
Pagkaโ€™t tayo ay together
Rock baby rock

Rock baby rock
(Rock baby, rock, rock baby rock)
Rock baby rock
(Rock baby, rock, rock baby rock)

Rock baby rock
Rock it to my heart
Rock baby rock

[Fading …]

rock, Baby, rock… smile naman d’yan :-)

Realizations ng isang 2nd-time bagong tatay :-)

Mahirap din palang i-assume na dahil nalampasan mo na yung first baby days mo ay sisiw na yung pangalawa.

Mali. Malaking pagkakamali ang isipin yun.

Unang-una, mahirap sabihing “sanay” ka na sa puyatan. Baka naman in denial ka lang kaya dedma ka sa mga mensahe sa’yo ng iyong nahihirapan (at tumatandang) katawan. ๐Ÿ™‚

Pangalawa, yung sabing mas alaga yung unang beybi kaysa sa pangalawa, sablay din. Mas mukhang alahoy lang yung ngayon kasi di ka na masyadong nagfafuss-over sa mga mga bagay na dati’y kinapa-praningan mo. Been there, done that na kasi ang siste now.

Ikatlo, ang bagong-saing na kanin sa rice cooker ay amoy pupu ng beybi. Promise.

Nanay Ni Bagong Beybi Boi (NNBBB): o, nag-pupu yata yang anak mo.

Taroogs: dehins, binuksan ko lang yung rice-cooker. Luto na. Kain tayo!

Ate Na Si Dear Dawter (ANSDD): Yaaaak!

Panghuli, at pinaka-mahalaga, ke amoy gatas, amoy kendi, amoy tuta, amoy tokwa o amoy beybi ang beybi mo… masarap pa din siyang singhot-singhutin!

Taroogs: beh, amoy tokwa na naman tong beybi mo!

NNBBB: mag-ama nga kayo… amoy suka ka eh. Bagay kayo!

ANSDD: wahahahahah! amoy suka si daddy! amoy suka si daddy!

Taroogs: Heh! ikaw amoy wiwi.

ANSDD: Mommy o!

Realizations ng isang 2nd-time bagong tatay :-)

Alam ko’ng iniisip ng anak ko.

Alam ko na laging may iniisip itong anak kong si BBB (Bagong Beybi Boy).

1 1/2 months pa lang siya sa mundong ibabaw pero mukhang marami na siyang isyu sa buhay.

Sa katunayan… sa tuwing nagkakatagpo ang aming mga mata ay tila pilit niyang itinatanong sa akin:

“Daddy, bakit laging maalat ang balat mo? Dugong ka ba?”

Haays… pareho kayo ng sense of humor ng Nanay mo.

๐Ÿ™‚

Alam ko’ng iniisip ng anak ko.

Sino ang mas asteeg — tutang tunay o tutang japeyks?

Gan’to kasi yun. Si Dear Dawter (DD) may dalawang tuta — si Doggirl, na isang stuffed toy (na hindi pa din bayad), at si Fita, na isang true-blue tuting (maliit na tuta).

Ang problema, parang maliit ang mundo namin para magsabay ang dalawang tutang ito. Well… maliit pala ang bahay namin.

So one of them has to go!

Walang magagawa, prinsipyo lang. Ganyan talaga ang buhey.

Pero sino sa dalawa ang idi-dispatsa ni Taroogs?!

Aber, ikumpara ko nga ang pros and cons ng bawat isa.

  • Si Doggirl, pag pinagti-tripan ni DD, cool lang. (keri lang niyang damitan, meykapan at kodakan)

  • Si Fita, pag pinagti-tripan ni Taroogs, pikon! (ginagantihan ang tsinelas ko ng powtek)

  • Si Doggirl, mahilig tumabi kay DD sa kama.

  • Si Fita, ayaw tumabi kay Taroogs (mas feel niya ang matulog ng solo).

  • Si Doggirl, we see eye to eye on many things.

  • Samantalang si Fita, madalas mandedma.

  • Finally, si Doggirl, maaasahang magbantay kay Bagong Bebe (BB).

  • Samantalang si Fita… ASA PA SIYANG PALALAPITIN KO SIYA kay BB!

Goodbye Fita.

Evicted ka na sa Bahay ni Taroogs.

Nawa’y maging masaya ka sa bago mong Amo.

๐Ÿ˜ฆ

Wag ka nang magreklamo, Fita… sabit ka talaga e. Lakas mong mag-wiwi’t pupu kung saan-saan. Nagkakalat ka ng garapata. Nagka-allergy pa si DD sa kakayapos sa’yo.

(Pag nasa kat’wiran… ipaglaban!)

Sino ang mas asteeg — tutang tunay o tutang japeyks?

Introducing the pinaka-bagong ilong :-)

Grabe. Has it been that long?!

Nakalimutan ko na totally yung ultra-mega-antok feeling na nararamdaman ng isang magulang kapag nag-aalaga ng bagong silang na bebe.

After almost six years — heto na namaaan! (ala-Gary V ang birit)

Introducing… the newest ilong in da pamily!

Magkakamukha kami, di ba?

Pwede na yata kami magbuo ng sariling party-list — ang 1-ILONG!

๐Ÿ™‚

Introducing the pinaka-bagong ilong :-)