Glenda, bakit mo pinatay si Cheska?!

Este… si Chesa pala. As in yung puno namin ng Chesa.

100_0523

Malupit talaga itong si Bagyong Glenda, mahina nga ang ulan pero matindi naman ang hagupit ng hangin. Nung madaling-araw ng Miyerkules, July 16, nang tumama na sa Maynila si Glenda, hindi talaga ako nakatulog. Parang pinupunit kasi ng hangin yung bubong namin.

At hindi pa nakatulong yung pagka-wala ng kuryente nung mga oras na iyon. Praning moment talaga!

Salamat sa Diyos at nag-survive naman yung yero namin. Pero ang paborito kong puno ng Chesa, gumewang na. As in sumasandal na siya sa mga kable ng kuryente ng aming bahay. At sa lakas ng hangin, halos nabunot na yung mga ugat niya. Kitang-kita naming mag-anak na gumagalaw yung lupa sa paligid nung puno. Tipong binubungkal yung mga ugat. Parang ilang ihip na lang, buwal na siya.

Kung nangyari yun, goodbye kuryente… goodbye cable… and hello Gastos!

Kaya tuloy napilitan akong tagpasin ang mga sanga nito sa kasagsagan mismo nung bagyo. At mukhang kailangan na siyang tuluyan kasi hindi na kaya ng lupa na suportahan yung bigat nito.

Masakit pero kailangang gawin.

DSC_1163

IMG_20140716_143354

Pasensiya na, Chesa… trabaho lang. 😦

 

Advertisements
Glenda, bakit mo pinatay si Cheska?!

4 thoughts on “Glenda, bakit mo pinatay si Cheska?!

  1. kimchipuffs ay nagsasabing:

    aww. kahit pa mraming may ayaw sa chesa, at wla na akong nkikitang puno nito sa amin, ito pa rin ang isa sa mga pnakapaborito ko. condolonce dn po. </3

    1. salamat ulit kapatid. in fairness, marami namang chesa seedlings na nag-survive sa bakuran namin. wala na ang nanay nila, pero buhay pa din ang pamilya (taon nga lang ulit ang hihintayin)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s