May Araw ka din! Ang Hangin mo kasi.

Kwaresma na naman. Ibig sabihin, summer na naman. And, if you’re keeping track of trends, panahon na naman ng mg bantang “rolling brown-outs” gawa ng (forever na) kakulangan sa generating capacity ng ating mga power plants.

As usual, ang sagot daw sabi ng gubyerno ay gumawa ng karagdagang mga power plants! And when they say “power plants” they usually refer to the coal-fired variety. Kasi nga malaki ang pag-kontra ng publiko sa nuclear power at bilang lang ang mga lugar na pwedeng tayuan ng geothermal plants.

So, more coal plants equals, first of all, more utang, but, more importantly, more carbon emissions, which leads to more greenhouse gasses, which exacerbates climate change, which results in more “Yolanda-like” super-typhoons.

coal_fired_power_plant

Kaya dapat may alternative, ‘di ba? Everything has an alternative. And the same is true when it comes to Energy. Hindi dapat puro Coal na lang ang tinitingnan natin.

Ok, sabihin na natin na ito yung pinaka-mabilis itayo (para nga naman agad matugunan yung pangangailangan nating mga consumers — lang’ya, tayo na naman nagamit hehehe), pero kasabay nito ay dapat tinitingnan din yung ibang possible sources of energy.

Kaya nakakatuwa na dumadami na ang wind farms dito sa Pilipinas. Yung original na wind farm sa Bangui ay nasundan na ng bagong mga wind farms sa Burgos at Guimaras. At kumakalat na din yung paggamit ng Solar Energy.

Bangui wind Burgos wind Guimaras wind

Sa level ng indibidwal, medyo mahirap na magkaroon ng sariling windmill sa bakuran, pero simple lang na magpakabit ng solar panels. Medyo mahal pa rin ang isang kumpletong set (depende sa laki ng energy na kayang ipunin) pero di hamak na mas mura na ito kaysa 3 years ago.

solar panels

At sa mga can’t afford na magpaset-up ng solar panels sa bubong nila, meron ding mga “personal size” na solar energy gadgets.

IMG_20150108_105632

Magandang simula na rin ito, ‘di ba? 🙂

 

May Araw ka din! Ang Hangin mo kasi.

We know what to do, tama? Tama!

Pamilyar tayo sa mga lugar na ito. Tacloban, Ormoc, Leyte, Samar, Palawan, Capiz, Iloilo, Cebu, Daanbantayan, Isabel, Guiuan, Hernani, Palo, Bantayan, Coron, Culion, Tanauan

yolanda affected areas

Dito tayo ipinanganak… nabisita na natin sila… dito tayo lumaki… alam natin ang lengwahe… dito tayo nag-aral… may mga kakilala, kamag-anak o mahal sa buhay tayo na nagmula sa mga lugar na ito.

Alam din natin kung ano nangyari sa kanila. Marami ang namatay… marami ang nasugatan… marami ang nawalan ng bahay… marami ang nawalan ng kabuhayan… marami ang gutom… uhaw… takot… marami ang nawawalan na ng pag-asa sa kanilang kinabukasan.

Alam kong alam natin ang lahat ng ito.

At alam ko din na alam nating lahat kung ano ang dapat nating gawin.

Sa mga tumulong na, salamat.

Sa mga tumutulong pa rin, salamat.

Sa mga tutulong pa lang, salamat.

Sa mga ayaw tumulong… ‘di ‘wag.

Hindi naman ito sapilitan. Lalung hindi ito pagalingan.

We know what to do, tama? Tama!

Tama na muna ang Pulitika! Bayanihan ang kailangan ngayon!

Minsan talaga mahirap isipin kung bakit tila sunod-sunod ang parusang inaabot ng bayang Pilipinas:

  • Gulo sa Pulitika…
  • Mga gahamang tao at pulitiko…
  • Pang-aapi sa mga kababayan natin sa ibang bansa…
  • Tapos yung mga sunod-sunod na bagyo, lindol, pag-baha at mga katulad nitong sakuna. Pati yung tinaguriang “World’s Strongest Storm” ay sa Pilipinas pa talaga unang humampas!

Haiyan from Space

yolandatacloban3

yolandatacloban2

Kawawang Pilipinas.

Naturingan pa naman tayong isang “Kristiyanong Bansa,” isang “Maka-Diyos na Bansa“… pero bakit parang palagi na lang tayong pinaparusahan ng Diyos? 😦

Tama na muna ang Pulitika! Bayanihan ang kailangan ngayon!

Old Skool reminiscing…

Paminsan-minsan, nami-miss ko rin yung mga nagdaang panahon… nung panahong medyo bata pa ako… nung nasa eskwela pa (high school days, hindi college)… nung wala pa akong sobrang problema’t responsibilidad sa buhay.

In short, I miss the simpler days.

Days when:

  • I didn’t need to worry about money too much. Tanggap lang ng tanggap ng allowance (kahit bitin) mula sa mga magulang.
  • Not doing one’s assignment didn’t affect anyone else but yourself, thus not eliciting too much drama from classmates. Minsan nga, astig ka pa sa mata ng mga kaklase kapag pumasok ka ng walang dalang assignment.
  • It was way easier to say “NO” to added tasks… to additional work… unless you really wanted to get them.
  • Having your heart broken was a very big thing, something that can’t easily be drunk away (kasi going to class with a hangover will get you expelled), nor explained away (kasi no explanation ever sufficed to ease the hurt).

And finally,

  • It was quite easy to believe older people (read: parents, titos and titas, teachers, sisters and counselors) when they tell you that “you’re going far in life.”

This is me (indicated by the arrow), together with my classmates and Class Supervisor, sometime in 1985, wholly believing we were, indeed, going to go far.

🙂

Old Skool reminiscing…

Game of Corns (aka, “The Mais Chronicles”)

Kakaibang tuwa din talaga yung makitang lumalaki, lumalago at namumunga yung tanim mo. Ilang buwan ko nang binabantayan yung experimental “mais plantation” sa bakuran namin at isang “roller-coaster of emotions” talaga ang dinaanan ko:

Excitement nang nakitang umusbong na yung mga butong ibinaon…

Lungkot nang mapansing hindi lahat ng itinanim ay nabuhay…

Galit nang makitang kagatin at baliin ng tutang nagti-trip ang ilang puno ng mais…

Ibayong Ligaya nang makita ang unang “young corn” ng batch!

Ang ganda ni baby, ano? Blondie pa! 🙂

Game of Corns (aka, “The Mais Chronicles”)

4 months na lang, Nilagang Mais na!

Sinubukan lang namin… tutal, sabi ni misis ay may “green thumb” daw ako. Kaya na-challenge ako bigla. From Sili to Alugbati to Kamatis to Kamote to Kalabasa… to the latest tanim sa bakuran: Mais!

So far, positive naman ang kinalabasan — 2 months old na ang batch na ito at nakayanan naman ang mga matinding ulan at hangin na dumaan. Pati ang hagupit ng bago naming tuta ay na-survive din ng mga mais.

In fairness, mukha na silang mais now. ‘Di gaya dati… akala mo sosyal na damo lang. Hayun tuloy, nabunot yung iba sa kanila.

Pero marami naman ang natira. Kaya tuloy ang ligaya!

BACKYARD PLANTING RULES!

🙂

 

4 months na lang, Nilagang Mais na!

LED na bumbilya… Magtipid para sa pamilya!

Napa-isip lang kasi ako nitong huling Earth Hour event… OK naman yung patayin ang mga “non-essential” lights for 1 hour to ease the burden on our energy generation systems, if only for a short while. Dito sa atin, ayon sa balita after the activity, we were able to save around 360MWs of electricity (grabe pala ang energy demand natin sa isang oras, ano?)

Pero paano naman yung mga “essential” lights na dapat naka-on pa din? Patuloy pa din yung higop niya ng kuryente from the system?

[An aside: Tanong sa’kin ng anak ko nung pinapanood namin yung Earth Hour coverage sa TV, “Daddy, bakit hindi natin patayin yung ilaw natin sa sala for Earth Hour?” Sagot ko naman, “Anak, iisa na nga lang yan na naka-bukas, papatayin pa natin?! Over naman yun.“]

So paano nga? How can we conserve energy when turning off more lights is no longer an option?

One way would be to redefine the term “essential.” Ewan ko sa iba ha, pero for me “essential” would mean something that, if taken away (or turned off, in this case), would adversely affect the security and health of my family and me. All other considerations ay papasok na sa varying degrees ng “non-essentiality.”

Halimbawa:

  • Pag pinatay ang isang ilaw at naging mas vulnerable kami sa akyat-bahay gang… essential yung ilaw na yun!
  • Pag pinatay ang isang ilaw at nabawasan ang ganda ng facade ng bahay namin… non-essential na ilaw yun!
  • Pag pinatay ang isang ilaw at nahirapang hanapin yung gamot sa hika ng anak ko na nakapatong sa estante… essential yung ilaw na yun!
  • Pag pinatay ang isang ilaw at dumilim ang sala habang nanonood kami ng TV… non-essential ang ilaw na yun.

So kung wala talagang choice at dapat iwanang naka-on ang essential lights, tiyakin na lang na energy-saving ang mga ilaw na ito! Sa bahay, isa-isa ko nang pinapalitan ng LED bulbs yung mga CFL bulbs namin. Technically, energy-saving na nga yung CFLs kasi mas matipid siya ng di-hamak sa mga naunang Incandescent bulbs.

Pero ang LEDs, mas matipid naman ng di-hamak sa CFLs! Mas matagal din ang buhay nito. Mas resistant din ito sa shock kaya kahit maalog (o sadyang alugin) ay buhay pa din siya. Ikumpara niyo din yung liwanag ng bawat isa:

Ilaw mula sa CFL bulb na 15 watts…

at ilaw mula sa 7 watts na LED bulb.

Saan ka pa, di ba?! Problema lang yung presyo. Dahil relatively new technology siya, may kamahalan talaga. Kaya investment yung maglipat sa LED bulbs. Pero OK pa din kasi, dahil mahaba ang buhay niya, mas mura ang labas niya in the long run.

Kaya nag-decide na ako: utay-utay, papalitan ko ng LEDs ang lahat ng mga ilaw namin sa bahay. Starting with the essential lights; later pati na yung mga non-essentials.

Siguro naman magmumura din ito later. Parang USB drive lang yan. Nung una 5K yung 4Gig na USB, ngayon, 350 Pesos na lang siya. So yung 600 Pesos na LED bulb ngayon, sa ilang taon baka 250 Pesos na lang. 🙂

LED na bumbilya… Magtipid para sa pamilya!

The Beauty of Ugly.

Oftentimes, we only see the most obvious… what is apparent.

When regarding beauty, for example, we normally (stress on the “normally”) stop at appreciating what is in front of us without considering the hows, the whys and the what ifs connected to it.

In short, our view of things — of people, of events, and even of opinions — is usually (again, stress on the “usually”) one-dimensional and incomplete.

Halimbawa, beautiful things often hide an ugly side; a side that, nevertheless, is integral to the beauty of the thing being considered. Meaning, were it possible to remove that ugly element, the beauty of the thing will be diminished, maybe irreversibly.

So we may just need to accept both beauty and ugliness at the same time.

Consider this scene (a recent photograph I took of the Manila skyline from atop Antipolo). The diffused light and blended shades of orange, red, grey, black and white only happens because of the air pollution that permanently blankets the metropolis. Sweep away that haze of toxic and noxious fumes and you are left with a harsh vista, a palette of clashing colors, and a migraine-inducing view where severe contrasts is the order of the day.

Only views like these — where beauty and ugliness are blended into one indistinguishable mesh — can evoke love, song and art in the hearts of people.

I choose Beauty and Ugliness, both at the same time.

The Beauty of Ugly.

Tulungan natin ang mga biktima ni Sendong (call for donations)

Kagabi, sa X-mas party ng Akbayan na ginawang fund-raising activity para sa mga nasalanta ng Bagyong Sendong sa Iligan City at Cagayan de Oro City, ang mga (bonggang-bonggang) bisita ay nagpatak-patak para makalikom ng perang magagamit sa nagaganap na Rescue-Relief-Rehabilitation drive sa Mindanao.

Nakalikom sila ng higit PhP 920,000.00 at ito’y dinala na sa area ngayong araw. Marami ding relief goods na isi-ship sa lalung madaling panahon.

Tuloy po ang panawagan for donations at volunteers. Tulong-tulong tayo sa pag-ayuda sa mga biktima ng sakuna!

Malungkot man ang kanilang Pasko ngayon, huwag nating hayaaang mag-hari ang kawalang pag-asa sa kanilang mga puso.

Mabuhay ang Bayanihan! Mabuhay ang Pilipinas!

Tulungan natin ang mga biktima ni Sendong (call for donations)