Dear World, why are we not all Garissa this time?

I just had to ask this. Kasi parang iba ang naging reaction ng mundo nung naganap yung massacre ng mga kartunista ng magazine na Charlie Hebdo sa Paris, France, nito lang nakaraang Jan. 7 sa reaksyon nito pagkatapos nung massacre sa Garissa University sa Kenya nitong Apr. 4.

Sa Paris, 12 ang pinatay. Sa Kenya, 147.

Garissa

Sa una, bumuhos ang solidarity ng buong mundo. Ika nga noon, “We are Charlie.”

Officials join hundreds of thousands of people on a Je Suis Charlie march in Nice, France

Sa pangalawa… parang wala masyado.

Bakit kaya?

😦

Advertisements
Dear World, why are we not all Garissa this time?

Call it Burma, call it Myanmar, call it whatever you like…

100_5942

100_5959

IMG_20140629_180213

… the country effin’ Rocks!

I’ve been dreaming of going to Burma (now officially called “Myanmar,” since 1989) ever since I first met my Burmese friends and heard their stories of struggle under the Military Junta. That was more than 5 years ago. Isip-isip ko nun, “malaki nga ang problema ng Pilipinas, pero di hamak na mas malaki ang problema nila.”

Mas malupit ang naging diktador nila recently kumpara kay Marcos sa kapanahunan nito. Daang-libo ang namatay sa kanila noong Cyclone Nargis (2008); walang karapatang magmay-ari ng lupa ang kanilang mga magsasaka (all land is owned by the State and only “right of use” is granted); sobrang lupit ng kanilang Militar sa pag-lipol sa mga ethnic groups (Rape is being used as a weapon of war, especially sa Kachin State); naglipana ang mga plantasyon ng Poppy Plant na syang pinagmumulan ng Opium; etcetera… etcetera…

Pero marami rin tayong pagkaka-pareho:

  • Mahilig sila sa mga inuulit na pangalan (Noe Noe, Zaw Zaw, Tin Tin, Ni Ni, Ko Ko… at tayo naman may Ging Ging, Let Let, Bong Bong, Bing Bing, Jun Jun…)
  • Napaka-pamilyar ng lasa ng kanilang mga pagkain (di gaya sa Thai, halimbawa, na madalas kakaiba ang dating at presentation)
  • Meron silang babae na “Icon of Democracy” — si Daw Aung San Suu Kyi, habang meron naman tayong “Tita Cory”
  • Relihiyoso rin sila, Buddhist nga lang. So mahilig silang dumalaw sa mga templo at mag-alay sa kanilang mga altar.
  • Mahilig din silang kumanta. Andami ding mga Magaganda (at Pogi, shempre) sa Bansa nila, gaya sa atin. Hehehe…
  • Marami rin silang mga NGOs (both tunay at peke, just like the Philippines)
  • Nagbabasaan din sila tuwing piyesta — sa kanila tuwing New Year, sa atin tuwing Pista ni San Juan
  • At pinapanood din nila ang Dyesebel at Mara Clara! Pero dubbed in Burmese, shempre. 🙂

 

Call it Burma, call it Myanmar, call it whatever you like…

Not everything is “Made in China”

Siguro hindi ako nag-iisa sa feeling na sobrang dine-dehado na ng bansang Tsina ang Pilipinas.

Chinese-bullying-Filipino-cartoon

Una: parang ginagawa tayong pabrika ng mga iligal na droga ng mga Tsino. Andaming “safe houses” ang kanilang nire-rentahan at kino-convert para maging laboratoryo ng Shabu. At ang malala pa dito, kapag nahuli sila, biglang “nakaka-takas” naman.

Pangalawa: sinasakop nila ang mga isla natin sa Spratlys at Scarborough. Pilit nilang inaangkin ang mga ito at itinataboy ang mga maliliit nating mangingisda. Hina-harass. Binu-bugahan ng water hose.

Pangatlo: patuloy nilang nili-limas ang mga yamang-dagat/lupa sa teritoryo natin. Mga Pawikan. Taklobo. Seahorse. Corals. Mameng. Black Sand.

Pang-apat: bina-baha nila tayo ng mga mumurahin pero delikadong produkto — gatas na may Melamine, laruang may toxic content, mga piyesang mahina kaya’t suma-sanhi ng aksidente — at dinu-durog ang mga maliliit nating negosyante

Panlima: ginagawa tayong tapunan ng mga smuggled agricultural products — sibuyas, manok, bawang, carrots, atbp. — kaya nalulugi ang mga magsasaka natin.

Pang-anim: nakikipag-kuntsabahan sila sa mga korap at abusado nating pulitiko (pati ang dating Presidente) upang ma-protektahan lang ang interes ng kanilang mga negosyo dito sa atin.

Etc. Etc. Etc. Ad Nauseam.

At ang nakaka-inis pa lalo, sila pa ang may ganang magalit sa atin! Kesyo pinag-kakaisahan daw sila. Sinasadya daw sila. Nagpa-pasaway lang daw ang Pilipinas!

Anaknghinayupaknabullynasingkitnamanoo!!!

Pwes, mula ngayon, I swear… sa abot ng aking makakaya… ibo-BOYCOTT ko ang lahat ng produktong “Made in China!”

boycott-products-made-in-china

Mahirap itong gawin, OO alam ko. Sabi nga nila, “God made the World, but everything else is Made in China.”

Pero, I believe na if I really try, and as long as it is clear to me why I need to boycott China’s products, kaya naman siguro. After all, every little bit counts.

Kaya sinimulan ko na, in my own small way.

Para sa backyard gardening work ko, bumili ako ng asarol (garden hoe), garden trowel at pandilig ng halaman. Usually, sandamakmak na ganitong tools ang “Made in China.” Pero nag-pursigi akong humanap ng mga alternatives.

At tagumpay naman! Heto ang mga nabili ko:

Asarol na “Made in the UK” ang ulo (at Pinoy ang kahoy na katawan), Garden Trowel na “Made in Brazil“, at Pandilig ng Halaman na “Proudly Made in the Philippines!” Woohooo!

DSC_0975

DSC_1024

 Mabuhay ang Pilipinas! 🙂

Not everything is “Made in China”

Of Maps, Measurements and (intentional) Mistakes.

Dear China (aka “The Big Bully“),

You claim that your “9-dash line” map is historically accurate since it is based on ancient maps that you currently possess. Because of this, you maintain that your sovereignty over the Spratlys and Scarborough Shoal is undisputed.

Here’s one of your so-called “historical maps,” dated 1947, with 11 dashes, not just 9. Kaya pala pati Taiwan saklaw pa.

11-dash line map (China 1947)

But if you really put great stock on “historical maps”… the older the better, sabi nga ninyo… then what do you say about this even older map (1735) that was given by German Chancellor Angela Merkel to Chinese President Xi Jinping which shows China to NOT INCLUDE Xinjiang, Manchuria, Tibet, Mongolia, Taiwan, Hainan nor the Paracels, Spratlys and Scarborough Shoal?!

Markel's map of China

So, ano? Palumaan na lang tayo ng mapa?!

P.S. I know that you’re gonna claim to possess even older maps than the one given by Merkel. Fine… kaso may problema. Malamang yung mga mapang ‘yun ay “Made in China.” 🙂

Of Maps, Measurements and (intentional) Mistakes.

The Act of Killing.

Pakshet! Kakaibang kilabot talaga yung naramdaman ko nang mapanood ko finally itong pelikulang matagal nang pinag-uusapan online.

The_Act_of_Killing_(2012)Nung 2012 ginawa ng isang American-British film director na naka-base sa Denmark itong documentary ito na tungkol sa mga kaganapan sa Indonesia mula 1965 hanggang 1966.

Anong kaganapan? The almost total extermination of the leaders, members and sympathizers (even those simply accused of being so) of the Communist Party of Indonesia (PKI). Conservative estimates place the total deaths at 500,000 people, with some historians even claiming 1M+ people murdered.

Hindi ko na ikukwento yung history nung event kasi pwede n’yo naman itong i-google. Pero what bears sharing is HOW the story was told — the director convinced the actual perpetrators to do the acting!

Opo. Kakaiba talaga!

Actual members (now quite old) of rightist para-military and vigilante groups (even village youth gangs) that did the killings tell their story of why, when, where and how they committed the murders.

And get this, sila rin mismo ang nagrere-enact nung mga pag-patay, sa paraang gusto nila — kaya may straight drama kunwari, may mala-musical, at may mala-action film ang pagsasadula.

And they were quite proud of what they did. Grabe!

And that, probably, is the main reason why this is one of the most chilling films I have ever watched. Hindi masyadong pulido yung acting itself kasi hindi naman sila professional actors, pero it was their experience that was harrowing.

The way the killers reminisced about…

  • what their feelings were when they abducted, tortured and subsequently butchered their victims
  • how their victims reacted upon finding out that they were to be killed
  • how they disposed of the bodies, or the pieces, depending on what method of killing they employed
  • how good they felt after the murders and how they looked forward to the next ones.

All these painted a stark picture of exactly how inhuman humans can become once you mix fear, intolerance, lies, ideology, religion, prejudice and hate together in one setting.

I pray that such a thing never happens again ever; not anywhere, not to anyone. 😦

The Act of Killing.

About our friends, the Thais…

… sa ilang beses kong pagpabalik-balik sa Thailand nitong nakaraang tatlong taon, may ilang generalizations (at observations) akong nabuo. Ewan na lang kung totoo nga ang mga ito… kasi, baka nga, it’s just me.

thai flag

Pero napansin ko lang na…

  • parang kilalang-kilala ng mga lalaking Thai si Bong Revilla… lagi mo kasi silang naririnig na nagsasabi ng “Kap! Kap!
  • nasa kanilang mga kamay ang “da moves” ng mga Thai dancers, babae man o lalaki
  • kakaiba ang nakahiligang bango ng mga Thais at mahahalata mo ito agad paglapag na paglapag mo. Pero makakasanayan mo din naman agad
  • magsing-laki lang ang mga Pinoy at Thai pero di hamak na mas malalaki ang kanilang mga FX Taxi, Bus at bote ng Beer!
  • they are a “very well trained” people… as in madalas silang nagko-commute via trains (BTS Skytrain, halimbawa)
  • pareho tayong umi-idolo sa mga mestiso’t mestisa
  • tawang-tawa sila sa numerong “555,” ang basa kasi nila dito ay “Ha Ha Ha
  • pinapa-tugtog nila ang kanilang National Anthem sa public places (sa Bus Station, halimbawa) at tumatayo talaga ang lahat ng Thai hanggat ito’y matapos

at pinaka-mahalaga sa lahat…

  • ang Bangkok ay parang Maynila lang din. Hindi ko nga lang maintindihan ang Tagalog nila 🙂
About our friends, the Thais…