What? Me, Adik?! Baka ikaw din.

Maddict-logoedyo harsh yata yung accusation na ‘yun. Harsh pakinggan. Pero baka nga naman totoo. Otherwise, bakit ka nila babansagan ng ganun?

Hindi lang kasi sa drugs naa-adik ang tao; ‘di lang sa alak o sa yosi. May naa-adik din sa games… sa gym… sa pagda-diet… sa pag-ibig… sa softdrinks… sa pagkain… sa gimik… sa music.

May adik sa pagpapa-ganda… sa trabaho… sa pera… sa kapangyarihan… sa sex… sa porn… sa pagpapa-tattoo… sa facelift… sa sports… sa cellphone… sa heartbreak.

Sa singalong… sa junk food… sa kape… sa pagpapa-puti ng balat… sa cartoons… sa kotse… sa sapatos… sa sugal… sa facebook… sa TV… sa pagtulog.

Pati nga sa blogging may naa-adik na din.

In short, andami talagang pwedeng pagkaadikan sa mundo. Kaya huwag munang magre-react kapag tinawag kang “Adik!” Sa halip ay matutong tanggapin ang katotohanan — na lahat tayo ay mga “Adik” talaga.

Kaya ako, bilang isang mabuting Adik, tanggap ko at masaya ako na ang Asawa ko ay Adik… ang mga Anak ko ay Adik… mga Adik lahat ng kaibigan ko… pati ang mga ka-opisina ko ay pulos mga Adik din.

In fact, nagpapasalamat ako na lahat ng mga kapitbahay namin ay Adik at andaming nagkalat na Adik sa aming baranggay.

🙂

Advertisements
What? Me, Adik?! Baka ikaw din.

Snuskuday!

Buong akala ko talaga na sa Sweden lang ginagawa ang Snus. Pero, apparently, kumakalat na ito sa mundo. For example, I got this new stash from a friend who recently visited from Los Angeles. May Snus din pala sa America! At “Marlboro” brand pa, ha!

DSC_0792

Pero heto ang mas weird… after more searching online, nalaman ko na may Snus na din pala sa Pilipinas! To be exact, ginagawa na ito sa Carcar, Cebu! Imagine, may “Pinoy Snus” na!

Pinoy Snus

Saan kaya ang outlet nito sa Manila? At magkano naman kaya ang isang can? 🙂

 

Snuskuday!

To all the Snus I’ve snused before…

who traveled in and out my… mouth. I’m glad they came along, I dedicate this song… to all the Snus I’ve snused before. 🙂

100_3930

Almost 6 years na rin akong nagsu-Snus bilang alternative sa pagyo-yosi. It was introduced to me by a Swedish friend who offered me one bag after noticing that I was looking at him funny (medyo naka-umbok kasi yung labi niya sa dami ng Snus bags na naka-siksik sa ngala-ngala niya).

As expected, nahilo ako ng todo-todo. Ganun daw talaga kasi ang epekto kapag first time mong matikman ang Snus.

Shempre, na-hook agad ako. Hehehe.

Nasubukan ko din ang E-cigarette pati na ang Nga-Nga (Burmese and Pinoy versions)… pero Snus pa din ang patok for me.

So, after several years and 14 Snus brands later (kung actual number of Snus cans ang pag-uusapan, siguro lampas 1,000 na rin ang na-ubos ko)… hindi pa rin ako nagyo-yosi.

EPEKTIB! 🙂

To all the Snus I’ve snused before…

Nganga… Mo-Ma… Ikmo… Apog… Buyo… Betelnut… Khun… Ah basta, yung dudura ka ng madalas!

Halos 5 taon na rin akong humintong mag-yosi. As in “cold turkey” talaga.

Yung tipong, isang araw, parang feel kong kaya ko na talaga… that I could already make the plunge… kaya nag-quit agad ako.

So far it has worked.

But I’ve had a little help din naman. May “alternate” nicotine sources ako — No. Not nicotine patches… but Swedish Snus and Burmese Betelnut (Khun).

Sa totoo lang kasi… ayaw ko naman sanang mag-quit mag-yosi. Hindi na lang kasi talaga kaya ng lungs ko yung pag-hitit ng usok (may asthma ako — OO. Smoker na asthmatic ako noon. Stoopid, I Know. Pero kaya nga ‘addiction’ ang smoking eh. It can make you di stoopid things.)

So hanap-hanap din ng substitute sa yosi ‘pag may time.

I even tried that eCigarette thing dati, pero dahil may usok din siya eh ‘di pa din umubra.

Which brings me to the Snus and the Khun options… na OK naman sana except for one tiny-teeny thing… walang regular source ng mga ito sa Pinas! Yung Snus, pag naka-tiyempo ka naman, 300 Pesos ang isang lata!

Powtek.

Kaya I’ve resolved to “Go Traditional” na lang — it’s Pinoy Nganga for me, beybeh!

Heto yung nabili ko sa Isabela. Mura lang. At matindi rin ang tama… depende sa timpla mo ng ingredients.

DSCF0034

At pag naubos na ito, ang balita ko ay makaka-bili din ng Nganga sa mga Manang na nagtitinda ng “pampa-regla” sa paligid ng Quiapo Church. 🙂

Nganga… Mo-Ma… Ikmo… Apog… Buyo… Betelnut… Khun… Ah basta, yung dudura ka ng madalas!

Mabuhay ang 2nd-hand!

Sa wakas! Makalipas ang ilang taon, I was finally able to upgrade my digicam!

My very first camera (na ako talaga ang bumili, hindi lang basta regalo ng ibang tao), was a film SLR that I bought, 2nd-hand, from my kumpare, who is a professional photographer. It was a Nikon na may kasamang battery grip. Ang presyo? 5K lang. Buhay pa siya hanggang ngayon… at may naka-salang pa ngang rolyo ng film sa loob.

My second camera, a Kodak, which was my first-ever digicam, was  also bought 2nd-hand from the same kumpare (OO. Mahilig po siyang mag-upgrade ng gamit.) Magkano? 9K lang. It has served me well for several years and will now be passed on to my wife (OO. Mahilig po siyang manghiram ng camera ng may camera. hehehe)

Now, meet my new digi-baby —  a Fuji (OO. 2nd-hand ulit at OO kay kumpare ko ulit nabili). Ang presyo? 10K lang. Mukha siyang DSLR pero hindi. Point-and-shoot pa din siya (hindi replaceable ang lente). Pero I don’t care! Full HD ang video… may vari-angle LCD… may hot shoe for an external flash… at ang haba ng digital zoom! As in zoomaryosep sa haba! 🙂

Hala! Piktyur-piktyur na!

Mabuhay ang 2nd-hand!

Unang Pangako for 2012 — kukumpletuhin ko ‘tong koleksiyon ko!

ADIK talaga ako for all (hardbound) books related to J.R.R. Tolkien — yung mga librong siya mismo ang nagsulat; yung mga librong anak niyang si Christopher ang nagsulat o nag-edit; pati na yung mga libro na iba ang awtor basta lang may kinalaman sa buhay at gawa ni pareng J. R. R.

Dati, madali lang i-satisfy yung kaadikan ko — marami kasing librong available sa 2nd-hand bookstores. At kahit kadalasan ay mga paperback sila, may naliligaw paminsan-minsan na mga hardbound versions. Average price? Mga 200 Pesos.

Kaya lang, nung lumabas yung LOTR Film Trilogy ni Kuya Peter Jackson, biglang nawala ang mga linsyak na 2nd-hand Tolkien books! Hinoard yata ng mga ungas. At kung may sumulpot man ay either napaka-mahal na (compared sa dating presyo — shempre mas mahal pa din di-hamak yung brand new), or pangit yung quality dahil nabasa ng tubig-ulan, maraming mantsa, punit-punit…

Kaya minsan napipilitan tuloy akong bumili ng bago. Pinaka-mahal na Tolkien na nabili ko? Leather-bound na The Hobbit: 2,500 Pesos!

Powtek.

Pero OK lang. ADIK nga eh. Hehehehe. Saka wala pa akong mga anak nung panahong yun (otherwise kinalbo na ako ni Misis).

Pero kulang-kulang pa din talaga ang koleksyon ko. Halimbawa, sa LOTR Trilogy, ang meron lang ako ay yung Book 2: The Two Towers. Wala ako nung Book 1 at Book 3! Hnlabo, di ba?

Pero hindi bale. All good things come to those who wait, right? Siguro naman ngayong 2012, mabubuo ko na rin ang aking koleksyon! Muwahahahahahahaha!!!! 🙂

Kung may makita kayo timbrehan n’yo ako ha?

Unang Pangako for 2012 — kukumpletuhin ko ‘tong koleksiyon ko!

Mahirap talagang magkamali… nakamamatay minsan.

Gaya ng pagtawid sa Commonwealth Avenue dahil akala mo hindi ka aabutan ng mga parating na sasakyan… ng pag-inom ng batang paslit ng akala nito’y tubig pero chlorox pala… ng pagpunta ng isang Pinay abroad sa akala niya’y maayos na trabaho pero sa sindikato pala ang bagsak niya…

Maling akala = Kamatayan.

Kaya naman ingat na ingat ako sa tuwing tumitira ng Swedish Snus. Mahirap nang magkamali ng dampot. Magkamukha pa naman ang mga lalagyan 🙂

 

Ang sagwa siguro ng lasa ng shoe polish 🙂

Mahirap talagang magkamali… nakamamatay minsan.