Hair, there and everywhere…

Kung percentage ang pag-uusapan, di hamak na mas madalas maikli ang buhok ko kaysa mahaba.

Kung hindi ako nagkakamali, 2 beses lang akong naging “long-hair” — nung grumadweyt ako sa high school (nakawala sa lungga kaya biglang sinubukang hindi magpa-gupit ng maikli) at nung naging regular ako sa una kong trabaho (lumakas na ang loob na hindi umayon sa “hair code” ng opisina).

Paminsan-minsan, kung tino-toyo, sinusubukan kong magpahaba ulit ng buhok… pero wala din.

Hindi na kasi ako kasing-patient gaya dati (sa paghihintay na humaba ang buhok). Mabilis na akong mainip… ma-asar sa “big hair” stage ng pagpapa-haba ng buhok.

Kaya medyo weird ang nagiging resulta tuloy:

  

       

Sabi nga nung paborito kong Henyo d’yan sa gilid-gilid… MAGULO! MAGULO!

🙂

Hair, there and everywhere…

Sure signs na nagmi-MIDLIFE CRISIS ka na :-(

Yan ang hirap sa mga posts na ganito… ia-out mo talaga sarili mo na nagmi-midlife crisis ka na nga. Otherwise, saan mo binase ang iyong mga claims, di ba? Haaays.

Pero anyway, duda ko talaga na andun na ako sa stage ng buhay na tinatawag na “Mid-life Crisis.”

Midlife crisis is a term coined in 1965 by Elliott Jaques stating a time where adults come to realize their own mortality and how much time is left in their life. A midlife crisis is experienced by many people during the midlife transition when they realize that life may be more than halfway over. (Wikipedia)

Bakit ko nasabi ‘to, ‘ka n’yo?

Consider The Signs:

  • Mas nadadagdagan (hindi nababawasan) ang aking pag-inom.
  • Mas madali na akong ma-bore sa mga bagay-bagay.
  • Nag-iisip na akong magpakabit ng Hikaw (sa kaliwang tenga)
  • Nanghihinayang na ako sa mga bagay na hindi ko nagawa nung medyo bata pa.
  • Nagiging nostalgic na ako palagi.
  • Madalas nang ma-depress.
  • Gustong kong bumili ng “Big Bike” (dahil lang hindi ko afford ang sports car)
  • Basta na lang nag-decide na hindi magpapa-gupit/mag-aahit sa loob ng isang taon.
  • Nabawasan ng matindi yung sense of humor ko (hindi na kasing-babaw ng dati)
  • At pagdating sa sex… Ah basta. Huhuhuhu…

😦

Sure signs na nagmi-MIDLIFE CRISIS ka na :-(

Ang pangarap kong Motorsiklo…

Matagal ko nang pina-plano na bumili ng sariling motorsiklo para gamitin sa pangaraw-araw na commute mula bahay hanggang opisina at pabalik. Ang kaso, may ilang mga realidad sa aking buhay na dapat kong i-konsidera bago ako tuluyang bumili:

  • Una, at pinaka-mahalaga marahil… ‘di ako marunong mag-motor. Hehehe (pero kaya namang gawan ng paraan ito. Sabi nga ng mga henyo d’yan sa gilid-gilid, kung marunong kang mag-bisikleta, kakayanin mong mag-motor.) Osyasya… sabi nyo ah?
  • Pangalawa, medyo may kalakihan ang kaha ko kaya di uubra sa akin ang mga mas murang scooter-type na motor. Pero may sagot din dito — bumili ng big bike. Mas magastos nga lang.
  • Pangatlo, mahilig akong umuwi ng naka-inom. OO. Inaamin ko. May problema ako sa pag-inom. Kaya medyo delikado para sa akin ang mag-motor (kahit matuto pa akong mag-motor at gumaling ng todo dito)…

…lalu na’t ang pangaraw-araw kong ruta ay COMMONWEALTH AVENUE!

Wag na ‘oy! Magdi-dyip na lang ako noh!

Pero ang sarap pa rin talagang mangarap.

Haaays…

Ang pangarap kong Motorsiklo…

Unang Pangako for 2012 — kukumpletuhin ko ‘tong koleksiyon ko!

ADIK talaga ako for all (hardbound) books related to J.R.R. Tolkien — yung mga librong siya mismo ang nagsulat; yung mga librong anak niyang si Christopher ang nagsulat o nag-edit; pati na yung mga libro na iba ang awtor basta lang may kinalaman sa buhay at gawa ni pareng J. R. R.

Dati, madali lang i-satisfy yung kaadikan ko — marami kasing librong available sa 2nd-hand bookstores. At kahit kadalasan ay mga paperback sila, may naliligaw paminsan-minsan na mga hardbound versions. Average price? Mga 200 Pesos.

Kaya lang, nung lumabas yung LOTR Film Trilogy ni Kuya Peter Jackson, biglang nawala ang mga linsyak na 2nd-hand Tolkien books! Hinoard yata ng mga ungas. At kung may sumulpot man ay either napaka-mahal na (compared sa dating presyo — shempre mas mahal pa din di-hamak yung brand new), or pangit yung quality dahil nabasa ng tubig-ulan, maraming mantsa, punit-punit…

Kaya minsan napipilitan tuloy akong bumili ng bago. Pinaka-mahal na Tolkien na nabili ko? Leather-bound na The Hobbit: 2,500 Pesos!

Powtek.

Pero OK lang. ADIK nga eh. Hehehehe. Saka wala pa akong mga anak nung panahong yun (otherwise kinalbo na ako ni Misis).

Pero kulang-kulang pa din talaga ang koleksyon ko. Halimbawa, sa LOTR Trilogy, ang meron lang ako ay yung Book 2: The Two Towers. Wala ako nung Book 1 at Book 3! Hnlabo, di ba?

Pero hindi bale. All good things come to those who wait, right? Siguro naman ngayong 2012, mabubuo ko na rin ang aking koleksyon! Muwahahahahahahaha!!!! 🙂

Kung may makita kayo timbrehan n’yo ako ha?

Unang Pangako for 2012 — kukumpletuhin ko ‘tong koleksiyon ko!

2011 in review (my blog, ayon sa wordpress.com)

The WordPress.com stats helper monkeys prepared a 2011 annual report for this blog.

Here’s an excerpt:

The concert hall at the Syndey Opera House holds 2,700 people. This blog was viewed about 15,000 times in 2011. If it were a concert at Sydney Opera House, it would take about 6 sold-out performances for that many people to see it.

Click here to see the complete report.

2011 in review (my blog, ayon sa wordpress.com)

Priority sa Liquidity…

Ayon sa mga Henyo diyan sa gilid-gilid… the Human Body daw is made up of almost 80% water (depende sa laki ng katawan… which means sa kaso ko, abot na abot ko yung maximum percentage!) Hehehe.

Pero ang tubig ng katawan ay dapat nire-replenish ng regular… otherwise, dehydration ang aabutin mo — nakamamatay yun, coya.

Kaya maiging i-keep-track ang intake mo ng fluids.

Heto ang sa akin (by order of regularity of intake):

  • Tubig: madalas mineral water, kasi may dispenser sa opisina. tancha ko mga 5 glasses a day. Mas marami kung mainit ang panahon.
  • Kape: tap water na ininit. Sa opisina, mahina na yung 4 mugs a day ng instant coffee. Bihira lang akong tumira ng brewed. Matapang kasi timpla sa opisina. Sa bahay, 2 mugs maximum.
  • Beer: sa tuwing may okasyon, mahina na yung 6 bottles of pale pilsen / red horse. Di ko type ang Light, masakit sa ulo kinabukasan. Ewan ko ba…
  • Softdrinks: bihira lang. Usually Coke o Sprite. Di ko feel Pepsi… masyadong matamis.
  • Brandy: kung may okasyon, kasama ang barkada o mga kaopisina, 1 litrong bote ang naitutumba namin.
  • At iba pa: negligible amounts na ‘to… sa malamig, fruit juices (lata at tetrapak), iba pang alak…

Yun lang.

At least Tubig pa rin ang primary rehydration drink ko, di ba?

Kayo? 🙂

Priority sa Liquidity…

The Art of Compromise…sa totoong buhay.

Powtek. Andami ko pang gustong gawin!

Dati akala ko, as i grow older and get to finally do those things i wanted to do when i was younger, mababawasan na yung “to do” list ko. MALI pala.

Kabaliktaran yung nangyari.

In fact, yung “to do list” ko, naging “to do album” na! Hehehe…huhuhu… haaaays 😦

Ang masama pa nito, di hamak na mas maraming “impediments” ngayon sa pag-fulfill ko ng lahat ng goals ko sa buhay… well, compared sa mga impediments na kinaharap ko nung bata pa ako.

[NOTE: walang negative meaning yung term na “impediments” dito. Baka may magalit pa. Hehehe. Saka normal lang naman yun, di ba? The older you get, the more “baggages” in life you accumulate. Teka… wala ring negative akong implied sa “baggages” ha? Demmit! Itigil ko na nga itong paggamit ng euphemisms na ganito.]

Mabalik ako sa sinasabi ko… andami ko pa ring gustong gawin! Sana magawa ko na lahat ito bagobago madagdagan ulit yung lista. 🙂

  • Gusto kong maisama sa byahe abroad ang Pamilya ko. Sina Dear Dawter (DD), BebehBoi (BB) at Nanay Ni Dear Dawter (NNDD). Ako lang kasi ang byahe ng byahe. Unfair, di ba?
  • Gusto kong magkaroon ng Big Bike. Kasi big ako at hindi sa’kin bagay ang scooter. Ang kaso, di ako marunong mag-motor. Pa’no kaya yun?
  • Gusto kong magkaroon ng Bahay na Bato. Yung tipong mga bahay sa Vigan. Pero modern amenities sa loob, shemps. Magkano kaya ang ganun?
  • Gusto kong magkaroon ng VW Kombi Van. Kasi, deep inside, Hippie talaga ako. Kaso, mag-motor nga hindi ako marunong, mag-drive pa?! Demmit.
  • Gusto kong buhayin ang Mountain Bike ko. Eto kaya kong patakbuhin. Hehehe…
  • Gusto kong magkaroon ng Shotgun (hindi AK-47 ha!). Ewan ko ba. Hindi na talaga ako secure sa lipunan natin ngayon. Kaya tuturuan ko din si NNDD kung paano gamitin yung Shotgun.
  • Gusto kong magpapayat (Honga pala… muntik ko nang makalimutan ‘to. Hehehe)
  • Gusto kong i-tour ang Burma. Pero solo muna, mahirap isama ang pamilya sa “iffy” na lugar.

etcetera… etcetera… etcetera… 🙂

The Art of Compromise…sa totoong buhay.