Salamat po, Mr. President, pero…

Rudy-Duterte-Cartoon

I think this is the phrase that’s going around many peoples’ minds nowadays: “Salamat po, Mr. President, pero…

Bakit “Salamat?”

Kasi, sa totoo lang, andaming mga bagong kaganapan na siya lang ang nakagawa, o dahil sa kanya ay ngayon lang nangyari (at least not in recent memory):

  • Mga Mayor na napipilitang harapin ang mga akusasyon laban sa kanila. Dati kasi, dedma lang sila palagi.
  • Mga opisyales ng Pulis at Militar na pinagagalitan on live TV. Maramihan pa!
  • Nalinis ang Baclaran at Divisoria. Pwede nang daanan ang kalsada.
  • Natameme ang liderato ng Simbahan sa debate tungkol sa RH Law
  • Nabawasan ang mga nag-iinoom sa kalsada
  • Mas kumonti din naman ang mga nagbi-bidyoke ng malakas ng dis-oras ng gabi.

Bakit “Po?”

Shempre, respeto lang. Kung hindi sa tao, then sa position na hawak niya.

Bakit “Mr. President?”

Kasi, kahit hindi siya ang ibinoto ng lahat, nakuha pa rin niya ang pinaka-maraming boto. Therefore, siya ang panalo. Entonces, Presidente natin siya. Anerstang?!

Bakit “Pero…?”

Kasi, parang sobra naman ang kapalit nung mga positibong pagbabago na nilista ko sa itaas. Lugi tayo, kumbaga. Misdeal, ika nga.

As of this post, lampas 800 na ang napapatay sa “Drug War.” At malaki ang posibilidad na hindi lahat sa mga napatay ay guilty. Yung iba ay napagkamalan lang. Yung iba, collateral damage — in the wrong place at the wrong time.

Ewan ko lang sa iba ha, pero sa akin… medyo mahirap tanggapin ang ganito. 😐

Advertisements
Salamat po, Mr. President, pero…

Paalam, Tado. Salamat sa lahat.

Talk about “sudden death“… never in my wildest dreams did I ever think that Arvin “Tado” Jimenez would die today, one of many unfortunates when a bus fell off a ravine in Bontoc, Mt. Province.

Tado

Rest in Peace, Idol.

Thanks for making us laugh and for making us realize why laughing should be the last resort for a people long abused and neglected.

Sa uulitin. 😦

Paalam, Tado. Salamat sa lahat.

Tama na muna ang Pulitika! Bayanihan ang kailangan ngayon!

Minsan talaga mahirap isipin kung bakit tila sunod-sunod ang parusang inaabot ng bayang Pilipinas:

  • Gulo sa Pulitika…
  • Mga gahamang tao at pulitiko…
  • Pang-aapi sa mga kababayan natin sa ibang bansa…
  • Tapos yung mga sunod-sunod na bagyo, lindol, pag-baha at mga katulad nitong sakuna. Pati yung tinaguriang “World’s Strongest Storm” ay sa Pilipinas pa talaga unang humampas!

Haiyan from Space

yolandatacloban3

yolandatacloban2

Kawawang Pilipinas.

Naturingan pa naman tayong isang “Kristiyanong Bansa,” isang “Maka-Diyos na Bansa“… pero bakit parang palagi na lang tayong pinaparusahan ng Diyos? 😦

Tama na muna ang Pulitika! Bayanihan ang kailangan ngayon!

Sa Burol ko…

Emo moment muna ako.

Recently, I had a feeling of just how mortal I am… of how precarious my hold was on this life that I took for granted for so long (andrama noh? hehehe).

But seriously, it got me thinking (ahead)… ano nga ba ang asteeg na burol na babagay sa akin?

Sad to say, marami na akong nadaluhang burol… ng kamag-anak, ng kaibigan, ng kakilala, ng idol… at lagi kong naiisip, “bagay kaya sa akin ang ganitong ‘style’?”

May say ba dapat yung binuburol dun sa paraan ng pagburol sa kanya? Sa motif? Sa colors? Sa sounds?

Of course may say din dapat yung pamilya mo about these things… after all, sila yung ta-trabaho to prepare everything (habang pahiga-higa ka na lang sa tabi). It’s only fair. Pero if there’s one aspect ng burol ko na gusto kong ako ang may say, ito yung sounds na ipapatugtog while I am lying in state.

funeral

Heto ang gusto kong soundtrack ng burol ko:

  • At My Funeral” by the Crash Test Dummies
  • Sa Burol Ko Huwag Kang Lumuha” by ARMAS
  • Goodbye My Lover” by James Blunt
  • Knockin’ on Heaven’s Door” by Guns N’ Roses
  • My Way” by Frank Sinatra
  • Wish You Were Here” by Pink Floyd
  • I’ll Never Cry” by Alice Cooper
  • Imagine” by John Lennon
  • Paglisan” by Color it Red
  • On the Road Again” by Willie Nelson
  • Stairway to Heaven” by Led Zeppelin
  • Hindi Ako Iiyak” by The Flippers
  • Somewhere over the Rainbow” by Israel Kamakawiwo’le
  • I Will Remember You” by Sarah McLachlan
  • Kanlungan” by Noel Cabangon
  • Hallelujah” by Rufus Wainwright
  • Biyaheng Langit” by Tropical Depression
  • Bubblegum” by Mister Loco
  • Larawang Kupas” by Jerome Abalos
  • Gintong Araw” by Bing Rodrigo

I-loop lang ng i-loop yung pag-play sa mga kantang ito hanggang matapos ang seremonya 🙂

Sa Burol ko…

Mahirap talagang magkamali… nakamamatay minsan.

Gaya ng pagtawid sa Commonwealth Avenue dahil akala mo hindi ka aabutan ng mga parating na sasakyan… ng pag-inom ng batang paslit ng akala nito’y tubig pero chlorox pala… ng pagpunta ng isang Pinay abroad sa akala niya’y maayos na trabaho pero sa sindikato pala ang bagsak niya…

Maling akala = Kamatayan.

Kaya naman ingat na ingat ako sa tuwing tumitira ng Swedish Snus. Mahirap nang magkamali ng dampot. Magkamukha pa naman ang mga lalagyan 🙂

 

Ang sagwa siguro ng lasa ng shoe polish 🙂

Mahirap talagang magkamali… nakamamatay minsan.

Living under the gun… it ain’t fun.

The recent ambush-slay of a Philcoa executive is just the latest in a long list of murders involving “unknown gun-wielding assailants.” Prior to this attack there was the killing of a doctor in Quezon; the assasination of the PUP Vice-President; the killing of DSWD Makati Assistant Chief, Mila Dumaguit (the murder being recorded on CCTV cameras)…

The yet unsolved murder of Ramgen Revilla only underscores the seriousness of the situation. Doubtless, this won’t be the last incident.

Bakit nagkaganito tayo? We were quite peaceful once, right? I remember my Lolo’s stories about how safe it was, during the 50s and 60s, to walk the streets of Manila; more so the provinces.

An’yare?! Exactly when did we become this gun-crazy, shoot-em-up-just-like-that nation?!

Was it because of World War 2? Was it Marcos’ fault? Is the grinding poverty a key factor, or the people’s chronic distrust of government’s capacity to protect them from criminals?

Or have we been conditioned to “shoot first and ask questions later” from watching too many cowboy and indian movies? FPJ movies? Lapid movies?

Ewan.

Basta ang alam ko, I don’t want my kids to grow up in this kind of society. If we can’t change it, we’ll just have to leave it behind. For their sake. 😦

Nga pala, today, yet another “unknown assailant” shot basketball star, Ali Peek, in the neck.

’nuff said.

Living under the gun… it ain’t fun.