Salamat po, Mr. President, pero…

Rudy-Duterte-Cartoon

I think this is the phrase that’s going around many peoples’ minds nowadays: “Salamat po, Mr. President, pero…

Bakit “Salamat?”

Kasi, sa totoo lang, andaming mga bagong kaganapan na siya lang ang nakagawa, o dahil sa kanya ay ngayon lang nangyari (at least not in recent memory):

  • Mga Mayor na napipilitang harapin ang mga akusasyon laban sa kanila. Dati kasi, dedma lang sila palagi.
  • Mga opisyales ng Pulis at Militar na pinagagalitan on live TV. Maramihan pa!
  • Nalinis ang Baclaran at Divisoria. Pwede nang daanan ang kalsada.
  • Natameme ang liderato ng Simbahan sa debate tungkol sa RH Law
  • Nabawasan ang mga nag-iinoom sa kalsada
  • Mas kumonti din naman ang mga nagbi-bidyoke ng malakas ng dis-oras ng gabi.

Bakit “Po?”

Shempre, respeto lang. Kung hindi sa tao, then sa position na hawak niya.

Bakit “Mr. President?”

Kasi, kahit hindi siya ang ibinoto ng lahat, nakuha pa rin niya ang pinaka-maraming boto. Therefore, siya ang panalo. Entonces, Presidente natin siya. Anerstang?!

Bakit “Pero…?”

Kasi, parang sobra naman ang kapalit nung mga positibong pagbabago na nilista ko sa itaas. Lugi tayo, kumbaga. Misdeal, ika nga.

As of this post, lampas 800 na ang napapatay sa “Drug War.” At malaki ang posibilidad na hindi lahat sa mga napatay ay guilty. Yung iba ay napagkamalan lang. Yung iba, collateral damage — in the wrong place at the wrong time.

Ewan ko lang sa iba ha, pero sa akin… medyo mahirap tanggapin ang ganito. 😐

Advertisements
Salamat po, Mr. President, pero…

What’s wrong with me? What’s wrong with you?!

Pero ang tamang tanong siguro ay, “meron ba talaga tayong diperensiya?” O baka naman masyado lang tayong nagpapa-apekto sa sinasabi ng iba tungkol sa atin?

Dami kasing pumupuna lately sa ating mga Pinoy. Mababasa mo sa mga online posts ng kung sinu-sinong Herodes na nagkaroon lang ng facebook account ay akala mo kung sinong sikat na international online komentarista bigla.

At puro panlalait ng ibang tao pa ang napiling genre ng mga powtek!

Of course, dinamay na naman tayong mga Pinoy ng mga haters na ito.

anti pinoy

Halimbawa, nabalitaan niyo din ba yung mga banat na kesyo ang mga Pinoy daw ay:

  • Lahing alipin.
  • Di mapapagkatiwalaan.
  • Lahing kawatan.
  • Mandaraya.
  • Mayabang.
  • Basagulero.
  • Lasenggo.
  • Mabaho.
  • Adik.
  • etcetera… etcetera… etcetera…

Kaka-asar ano?! Akala mo kung sinong mga perpektong nilalang itong mga mokong na haters na ‘to.

Mga bwiset. May araw din kayo. 😦

What’s wrong with me? What’s wrong with you?!

Pati ba naman sa Komiks?!

Nanghihinayang lang naman ako… sayang kasi yung momentum ng bansa natin. Well image-wise, at least.

Lately kasi, the Philippines has been able to address much of the “bad press” that it got world-wide. Yung mga negative news tungkol sa atin — Maguindanao Massacre, Luneta Hostage Debacle, Drug Mule Executions, Killings of Journalists, etc… Lahat ito ay unti-unting napapalitan ng mga magagandang balita naman — Manny Pacquiao (yes. including his last fight), Jessica Sanchez, the “more fun in the Philippines” campaign, Lea Salonga, Azkals, etc…

Ang kaso, meron pa ding (ewan na lang kung innocent o sinasadya talaga tayo) mga pilit idinidikit ang bansa natin sa masama. Kahit walang balitang nangyayari, mag-iisip pa din sila ng paraan para tayo’y masiraan!

Buti sana kung may paliwanag man lang… kahit footnote baga. Kaso wala eh.

Para bang sinasabi ng author na “Ah basta, ganyan ang Pilipinas! Maniwala kayo sa akin. Alam ko sinasabi ko!

Pweh. Racist Writer!

Sayang, idol pa naman kita 😦

Pati ba naman sa Komiks?!

Mga lugar na NEVER kong pupuntahan.

I admit na medyo mahirap talagang magsalita ng tapos… what may be true today may not necessarily still be true tomorrow. So i’ll qualify my title statement na lang.

Heto ang mga lugar na never kong pupuntahan SA NGAYON.

Of course, my admiration for our OFW Kababayans who still continue to go to these places para lang kumita ng pera para sa kanilang mga pamilya cannot be emphasized enough.

Pero, given the choice, I’ll do my best to avoid going (or being  deployed) to the following places at all cost: Continue reading “Mga lugar na NEVER kong pupuntahan.”

Mga lugar na NEVER kong pupuntahan.

Mabuhay ang mga HATERS! :-)

Sapagkat lahat ng tao sa mundo ay may papel na ginagampanan

Kaya kahit umaapaw at bumubulwak ang inyong arrogance, bigotry, pagkakitid ng utak, ka-epalan, kayabangan, pagka self-righteous at general hatred for people na hindi ninyo katulad mag-isip, GO LANG NG GO!

Presenting…

The HATERS during Pride Marches!!

With “Judges” like these, who needs courts? 🙂

Mabuhay ang mga HATERS! :-)

Akalain mo nga naman ano?

Wala talagang garantiya ano po, that what you totally abhor today, you won’t ever become tomorrow.

No. Hindi ito belated self-realization from the apparently-not-yet-concluded “Malu Fernandez Scandal”… rather, it’s about this quite disturbing news from Israel: “Israelis charged with ‘neo-Nazi’ assault

Huwaaat?! Nazis in Israel — the most anti-Nazi nation in the world today? Anlabo! Ang hirap isipin! Di ko ma-gets! Di makayanan ng powers koh! (O-A na ba? Hehehehe)

Parang katapat na rin nito ang balitang “India declares National Beef-eating Holiday” o “Brahma Kumaris gets official sponsorship from McDonald’s” o di kaya’y “COMELEC commissioners resign en banc!”… Parang imposibleng mangyari talaga.

Pero heto na nga po ang ebidensiya:

Hmmm… teka. Ibig bang sabihin nito ay hindi na rin ganun ka-imposible na mag-resign nga ang mga COMELEC “komisyunerssa susunod na mga araw? 🙂

Akalain mo nga naman ano?