Handa na ako sa Zombie Apocalypse!

Sabi na’t magbubunga din ng maganda ang kakapanood ko ng magkakasunod na episodes ng “Doomsday Preppers“… at ng iba’t-ibang Zombie movies gaya ng “28 Days Later,” “28 Weeks Later,” “Dawn of the Dead,” the “Resident Evil” series (pati na yung anime version), “Army of Darkness” (kahit comedy pa siya), “Night of the Living Dead,” “Dead Girl,” “Evil Dead,” “Zombieland” na comedy ulit, “Zombie Apocalypse,” and, last but not the least, 3 seasons worth of “The Walking Dead,” and counting.

After all of this… sa wakas, HANDA NA AKO!

Handa na ako sa napipintong pag-salakay ng mga Zombies! Muwahahahahahaaaa!

Alam ko na ang mga dapat kong gawin… gaya ng:

  • Planuhin kung saang lugar tatakbo para magtago, o magkulong, para hindi abutan ng Zombies — preferred site ko ay isang gusali na madaling bantayan at i-reinforce ang mga entrances/exits sa first floor (basta huwag lang marunong lumipad ang Zombies), at may maraming imbakan ng tubig (tangke, swimming pools, etc.)
  • Mag-imbak ng tubig, pagkain at gamot para tumagal ang buhay at ipagpatuloy ang pag-lipol sa mga salot na ‘to. Piliin ang mga hindi agad nabubulok — delata, tuyo, bigas, mais, munggo… 
  • Mag-imbak ng armas at aralin kung paano ito gamitin ng maayos upang protektahan ang sarili, pamilya, grupo, at upang mapatay ang mga Zombies na nagkalat sa labas. Best choices ay baseball bat, 9MM pistol, shotgun, M4-type carbine. Basta yung mga madaling hagilapin ang tipo ng bala.
  • I-organisa ang mga kapareho kong mag-isip (mga kapwa “preppers,” ika nga) upang maging isang community of survivors at maging isang epektibong Zombie-Killing Team!
  • Piliting makabuo at depensahan ng isang Zombie-Free zone where the human race can begin rebuilding civilization. Maigi kung isang isla na walang Zombies, may tubig at pwedeng magtanim ng gulay, prutas, bigas, atbp., at mag-alaga ng mga hayop (basta huwag lang marunong lumangoy ang Zombies)
  • Pag-aralan ng malaliman ang mga Zombies. Know the enemy, ika nga. Saan sila nanggaling? Paano sila dumadami? Paano sila patayin? May amo ba sila? Posible bang makipag-communicate?

And finally… SURVIVE. Do whatever it takes just to survive. 😐

Adik ba? Hehehehehe…

🙂

Handa na ako sa Zombie Apocalypse!

Why can’t we all just get along?

Ang init ng panahon, Powtek! At mas lalung umiinit siya kapag sinasabayan ng away… ng gulo… ng stress… ng sumbat… ng sisi…

Pero may pag-asa pa naman na umayos ang mundo, di ba? Ako umaasa na OO, magiging mapayapa din ang mundo balang-araw.

  • Magiging kalma din ang mga tao…
  • Tatahimik din ang pulitika sa Pilipinas…
  • Magbabati din ang mga Noranians at Vilmanians…
  • Magko-cooperate din ang Tsina at Pilipinas sa pag-maximize sa natural resources ng Spratlys…
  • Magpipirmahan din ng TOR ang US at Iran para sa peaceful nuclear energy development…
  • Magbubuklod din ang Israel at Palestine at magbubuo ng bagong homeland for both Jews and Muslims…
  • Magiging magkaibigan din ang dati’y palaging nagpapatayan 

🙂

‘Di naman bawal mangarap, ‘di ba?

Why can’t we all just get along?

Kung magbubuo ako ng Survival Kit…

This is something that all pragmatic people should do — prepare a “Survival Kit” just in case…

Alam n’yo na. Hindi naman sa gusto nating magkaroon ng trahedya… pero, the way things are going, it seems a sure thing already. Naka-tadhana na, ika nga ng mga henyo diyan sa gilid-gilid. Araw at oras na lang ang pinag-tatalunan.

So we need to be ready when (di na “if”) the “Big One” happens… and preparing a survival kit is one concrete thing to do.

Maraming mga suggestions na lumalabas — sa TV, sa Radyo, sa Dyaryo, sa Internet — on what exactly a “good” survival kit should contain.

Ito naman ay suggestion ko lang. 3-Day Personal Survival Kit ala Taroogs: Magpatuloy magbasa “Kung magbubuo ako ng Survival Kit…”

Kung magbubuo ako ng Survival Kit…