Call it Burma, call it Myanmar, call it whatever you like…

100_5942

100_5959

IMG_20140629_180213

… the country effin’ Rocks!

I’ve been dreaming of going to Burma (now officially called “Myanmar,” since 1989) ever since I first met my Burmese friends and heard their stories of struggle under the Military Junta. That was more than 5 years ago. Isip-isip ko nun, “malaki nga ang problema ng Pilipinas, pero di hamak na mas malaki ang problema nila.”

Mas malupit ang naging diktador nila recently kumpara kay Marcos sa kapanahunan nito. Daang-libo ang namatay sa kanila noong Cyclone Nargis (2008); walang karapatang magmay-ari ng lupa ang kanilang mga magsasaka (all land is owned by the State and only “right of use” is granted); sobrang lupit ng kanilang Militar sa pag-lipol sa mga ethnic groups (Rape is being used as a weapon of war, especially sa Kachin State); naglipana ang mga plantasyon ng Poppy Plant na syang pinagmumulan ng Opium; etcetera… etcetera…

Pero marami rin tayong pagkaka-pareho:

  • Mahilig sila sa mga inuulit na pangalan (Noe Noe, Zaw Zaw, Tin Tin, Ni Ni, Ko Ko… at tayo naman may Ging Ging, Let Let, Bong Bong, Bing Bing, Jun Jun…)
  • Napaka-pamilyar ng lasa ng kanilang mga pagkain (di gaya sa Thai, halimbawa, na madalas kakaiba ang dating at presentation)
  • Meron silang babae na “Icon of Democracy” — si Daw Aung San Suu Kyi, habang meron naman tayong “Tita Cory”
  • Relihiyoso rin sila, Buddhist nga lang. So mahilig silang dumalaw sa mga templo at mag-alay sa kanilang mga altar.
  • Mahilig din silang kumanta. Andami ding mga Magaganda (at Pogi, shempre) sa Bansa nila, gaya sa atin. Hehehe…
  • Marami rin silang mga NGOs (both tunay at peke, just like the Philippines)
  • Nagbabasaan din sila tuwing piyesta — sa kanila tuwing New Year, sa atin tuwing Pista ni San Juan
  • At pinapanood din nila ang Dyesebel at Mara Clara! Pero dubbed in Burmese, shempre. 🙂

 

Advertisements
Call it Burma, call it Myanmar, call it whatever you like…

About our friends, the Thais…

… sa ilang beses kong pagpabalik-balik sa Thailand nitong nakaraang tatlong taon, may ilang generalizations (at observations) akong nabuo. Ewan na lang kung totoo nga ang mga ito… kasi, baka nga, it’s just me.

thai flag

Pero napansin ko lang na…

  • parang kilalang-kilala ng mga lalaking Thai si Bong Revilla… lagi mo kasi silang naririnig na nagsasabi ng “Kap! Kap!
  • nasa kanilang mga kamay ang “da moves” ng mga Thai dancers, babae man o lalaki
  • kakaiba ang nakahiligang bango ng mga Thais at mahahalata mo ito agad paglapag na paglapag mo. Pero makakasanayan mo din naman agad
  • magsing-laki lang ang mga Pinoy at Thai pero di hamak na mas malalaki ang kanilang mga FX Taxi, Bus at bote ng Beer!
  • they are a “very well trained” people… as in madalas silang nagko-commute via trains (BTS Skytrain, halimbawa)
  • pareho tayong umi-idolo sa mga mestiso’t mestisa
  • tawang-tawa sila sa numerong “555,” ang basa kasi nila dito ay “Ha Ha Ha
  • pinapa-tugtog nila ang kanilang National Anthem sa public places (sa Bus Station, halimbawa) at tumatayo talaga ang lahat ng Thai hanggat ito’y matapos

at pinaka-mahalaga sa lahat…

  • ang Bangkok ay parang Maynila lang din. Hindi ko nga lang maintindihan ang Tagalog nila 🙂
About our friends, the Thais…

Burma “day trip” numbah one… t’yak masusundan!

Pinalad ako recently to finally set foot on Burmese soil. Nagkataon kasi na sa huling pagdalaw ko sa Mae Sot, Thailand (isang border town na katabi ng Burma), bukas na pala yung “Friendship Bridge” na nagdidikit dito sa katabing bayan ng Myawaddy sa Burma!

Ilog lang ang pagitan ng dalawa pero ilang taon din itong naging “no man’s land” gawa ng pagsara dito ng pamahalaan ng Burma. Naging “bridge to nowhere” tuloy siya — andun lang… pwedeng tingnan, pero di pwedeng tawirin. At kung gala kang tao tulad ko, alam mo kung gaano nakaka-inis ang ganung feeling. 🙂

Kaya nung nabalitaan ko na ligal na ulit ang tumawid sa tulay, di na ako nag-atubili pa! ‘Weno kung may bayad pala na 500 Baht yung stamp ng Burmese Immigration Office?! Gogogo!

At shemps, sa pagtawid, may order of priority na agad ako:

1. Ispatan ang Templo (SUCCESS! merong isa na malapit lang sa tulay. 5 minutes na lakad lang.)

2. Tikman ang Local Beer (SUCCESS! mabuhay Myanmar Beer! Probably the best beer in Burma — ayon na din sa tinderong nagbenta nito sakin. Hehehe…)

3. Tikman ang Local Food/Pulutan (SUCCESS! Kakaibang “dinuguan” ang na-enkwentro ko dun — may dugo talaga! Pati chopsticks ko namula.)

4. Bumili ng Souvenirs (SUCCESS! andami kong abubots na dala pabalik ng Pinas — bagong bandila ng Myanmar, local beer in cans, local currency: Kyats)

5. Libutin ang Talipapa (SABIT! naubusan ako ng oras. Bawal palang abutan ng dilim ang mga dayuhan sa Myawaddy. Pinapa-uwi ang lahat pagdating ng alas-6 ng gabi.)

Heniweys, alam ko na ang gagawin sa susunod. Unahin ang Talipapa Tour!

Until next time, Myawaddy! Hu’s yo Daddy?! 🙂

Burma “day trip” numbah one… t’yak masusundan!

Kala ko marami na akong napuntahan sa Pinas… di pala.

My Lakbayan grade is C! Buti pa si Pinoy Jedi B+ ang grade.

Ito yung lumabas sa mapa ko when I answered the questions posted at the Lakbayan Website (Created by Eugene Villar).Kayo, how much of the Philippines have you visited? Find out at Lakbayan!

Mahaba yung questionnaire pero masaya siyang sagutin. Plus, you get a graphical representation of where exactly in the Philippines you’ve already traveled to.Parang gusto ko tuloy bumiyahe uli! 🙂

Kala ko marami na akong napuntahan sa Pinas… di pala.