kapag nawawala ang “blogging mojo” mo…

… don’t panic.

Normal lang yan.

Kung yung mga batikang manunulat nga ay dumadaan sa tinatawag na “writer’s block,” tayo pa kayang mga hamak na (non-professional) bloggers pa?

Kaya relax lang… take a break… (at kung meron kayo) have a kitkat 🙂

Gawin lang ang mga sumusunod at tiyak — babalik din ang “blogging mojo” ninyo:

  1. Alalahanin nung una kayong nagsimulang mag-blog. Sariwain yung excitement at tuwa nang ma-publish ninyo ang inyong post.
  2. Try to remember what you felt when you got your very first comment.
  3. List down in your mind your favorite bloggers… yung mga nag-inspire sa’yo na mag-blog din.
  4. Remember past incidences of “blogger’s block” and what you did to get past them.
  5. Isipin ang mga Pros and Cons ng iyong pagba-blog. Alin ang mas matimbang? Why not blog about that muna? Malay n’yo, ito ang mag jump-start ng inyong blogging mojo?
  6. Isipin ang mga kaibigang nagba-blog din. Payag ka bang mapag-iwanan? 🙂
  7. Set a realistic target (emphasis on ‘realistic’) — pwedeng number of blogs per week, o number of views per day, o ang malampasan ang total views ng blog ng kakilala mo… bahala ka. Basta yung challenging for you — at piliting maabot ito.
  8. Kung bored ka na sa look ng blog mo, palitan mo ang design. Daming templates d’yan (both for wordpress and blogspot).
  9. Ang when all else fails at hindi ka pa rin ma-inspire na mag-post ulit… dedma muna sa posting! Mangulit ka na lang muna sa blog ng may blog!

Ayos? Ayos!  🙂

Advertisements
kapag nawawala ang “blogging mojo” mo…

Taroogs’ Ultimate Tips: Commuting via Jeepney

First, a disclaimer. “Ultimate” ito not for the sheer usefulness of the tips presented; rather, wala na talaga akong maisip na ida-dagdag pa (pigang-piga na ang utak ko).

OK. Klaro yun kaya heto na… in random order… my “ultimate” tips for commuting via jeepney:

  • Magdala lagi ng barya (if not the exact fare). Bad trip sa drayber (at sa ibang pasahero) yung nagbabayad ng 500 or 1000 Pesos for an 8 Peso trip.
  • Huwag maging magarbo. Itago muna ang alahas, relos, celphones, ipads, etc habang bumibyahe. Bahala ka…
  • Gamitin mo headset/earphones mo. Hindi lahat ng pasahero ay gustong marinig ang paborito mong kanta o TV show.
  • Pumili ng jeepney na sasakyan. Iwasan ang mga sumusunod: masyadong madilim ang loob, naka-tagilid ang katawan, mukhang kaskasero/lasing/adik ang drayber, sobrang lakas ang sounds…
  • Pag-isipan kung saan uupo sa loob ng jeep: mga delikadong puwesto ay harapan at dulong labasan. Sit opposite sa incoming traffic. Ibig sabihin, sa two way street, sa bandang kanan ng jeep ka umupo.
  • Mag-abot ng pamasahe ng nakiki-suyo. Bigayan lang yan. Bad trip to the max ang mga nande-dedma ng paabot.
  • Huwag matulog sa biyahe. Jeepney yan, hindi sinehan. Kung hindi maiiwasan, yakapin ng todo ang bag. At pag lumampas sa babaan, huwag mag-drama. Natulog ka eh.
  • Ingatang huwag mang-apak ng paa. Pero kung nakahambalang talaga sa daanan mo kahit nag-iskyusmi ka na, ikaw na tumantsa… mas malaki ba sa’yo? Mas maraming tato?
  • Pagbigyan ang mga matatanda, buntis, may dalang sanggol o may kapansanan. Umusod ka na. Huwag mo nang papuntahin pa sa duluhang upuan.
  • Huwag pumara sa maling babaan/sakayan. Huwag ding bababa/sasakay sa umaandar pang jeep.
  • Maging magalang para galangin ka din. Hindi naman mahirap banggitin ang “Po” di ba?
  • Sa pagsakay, tingin lagi sa likod. Baka may rumaragasang sasakyan na paparating, maipit ka pa.
  • Kung malaki ang pamilya mo, tapos marami pa kayong bitbitin, at may extra namang pera, mag-taxi na lang kayo. Maniwala ka… andaming aberya sa jeep ang maiiwasan kung gagawin mo ‘to.
  • Planuhin ang oras ng pag-sakay. Kung flexi-time ka naman, iwasang makipag-sabayan sa mga pumapasok/umuuwi na estudyante. Outnumbered ka nila kahit anong gawin mo.
  • Kahit nakaka-awa sila, iwasang magbigay-limos sa mga batang pulubi na umaakyat ng jeep. Delikado ang ginagawa nila.
  • Huwag masyadong reklamador. OO nga’t siksikan, mainit/maulan, maingay, mabaho, ambilis, ambagal ng biyahe… isipin mo na lang… “at least hindi ako naglalakad mula Philcoa hanggang Fairview!“:-)

Taroogs’ Ultimate Tips: Commuting via Jeepney