Nganga… Mo-Ma… Ikmo… Apog… Buyo… Betelnut… Khun… Ah basta, yung dudura ka ng madalas!

Halos 5 taon na rin akong humintong mag-yosi. As in “cold turkey” talaga.

Yung tipong, isang araw, parang feel kong kaya ko na talaga… that I could already make the plunge… kaya nag-quit agad ako.

So far it has worked.

But I’ve had a little help din naman. May “alternate” nicotine sources ako — No. Not nicotine patches… but Swedish Snus and Burmese Betelnut (Khun).

Sa totoo lang kasi… ayaw ko naman sanang mag-quit mag-yosi. Hindi na lang kasi talaga kaya ng lungs ko yung pag-hitit ng usok (may asthma ako — OO. Smoker na asthmatic ako noon. Stoopid, I Know. Pero kaya nga ‘addiction’ ang smoking eh. It can make you di stoopid things.)

So hanap-hanap din ng substitute sa yosi ‘pag may time.

I even tried that eCigarette thing dati, pero dahil may usok din siya eh ‘di pa din umubra.

Which brings me to the Snus and the Khun options… na OK naman sana except for one tiny-teeny thing… walang regular source ng mga ito sa Pinas! Yung Snus, pag naka-tiyempo ka naman, 300 Pesos ang isang lata!

Powtek.

Kaya I’ve resolved to “Go Traditional” na lang — it’sĀ Pinoy Nganga for me, beybeh!

Heto yung nabili ko sa Isabela. Mura lang. At matindi rin ang tama… depende sa timpla mo ng ingredients.

DSCF0034

At pag naubos na ito, ang balita ko ay makaka-bili din ng Nganga sa mga Manang na nagtitinda ng “pampa-regla” sa paligid ng Quiapo Church. šŸ™‚

Nganga… Mo-Ma… Ikmo… Apog… Buyo… Betelnut… Khun… Ah basta, yung dudura ka ng madalas!

About our friends, the Thais…

… sa ilang beses kong pagpabalik-balik sa Thailand nitong nakaraang tatlong taon, may ilang generalizations (at observations) akong nabuo. Ewan na lang kung totoo nga ang mga ito… kasi, baka nga, it’s just me.

thai flag

Pero napansin ko lang na…

  • parang kilalang-kilala ng mga lalaking Thai si Bong Revilla… lagi mo kasi silang naririnig na nagsasabi ng “Kap! Kap!
  • nasa kanilang mga kamay ang “da moves” ng mga Thai dancers, babae man o lalaki
  • kakaiba ang nakahiligang bango ng mga Thais at mahahalata mo ito agad paglapag na paglapag mo. Pero makakasanayan mo din naman agad
  • magsing-laki lang ang mga Pinoy at Thai pero di hamak na mas malalaki ang kanilang mga FX Taxi, Bus at bote ng Beer!
  • they are a “very well trained” people… as in madalas silang nagko-commute via trains (BTS Skytrain, halimbawa)
  • pareho tayong umi-idolo sa mga mestiso’t mestisa
  • tawang-tawa sila sa numerong “555,” ang basa kasi nila dito ay “Ha Ha Ha
  • pinapa-tugtog nila ang kanilang National Anthem sa public places (sa Bus Station, halimbawa) at tumatayo talaga ang lahat ng Thai hanggat ito’y matapos

at pinaka-mahalaga sa lahat…

  • ang Bangkok ay parang Maynila lang din. Hindi ko nga lang maintindihan ang Tagalog nila šŸ™‚
About our friends, the Thais…

Burma “day trip” numbah one… t’yak masusundan!

Pinalad ako recently to finally set foot on Burmese soil. Nagkataon kasi na sa huling pagdalaw ko sa Mae Sot, Thailand (isang border town na katabi ng Burma), bukas na pala yung “Friendship Bridge” na nagdidikit dito sa katabing bayan ng Myawaddy sa Burma!

Ilog lang ang pagitan ng dalawa pero ilang taon din itong naging “no man’s land” gawa ng pagsara dito ng pamahalaan ng Burma. Naging “bridge to nowhere” tuloy siya — andun lang… pwedeng tingnan, pero di pwedeng tawirin. At kung gala kang tao tulad ko, alam mo kung gaano nakaka-inis ang ganung feeling. šŸ™‚

Kaya nung nabalitaan ko na ligal na ulit ang tumawid sa tulay, di na ako nag-atubili pa! ‘Weno kung may bayad pala na 500 Baht yung stamp ng Burmese Immigration Office?! Gogogo!

At shemps, sa pagtawid, may order of priority na agad ako:

1. Ispatan ang Templo (SUCCESS! merong isa na malapit lang sa tulay. 5 minutes na lakad lang.)

2. Tikman ang Local Beer (SUCCESS! mabuhay Myanmar Beer! Probably the best beer in Burma — ayon na din sa tinderong nagbenta nito sakin. Hehehe…)

3. Tikman ang Local Food/Pulutan (SUCCESS! Kakaibang “dinuguan” ang na-enkwentro ko dun — may dugo talaga! Pati chopsticks ko namula.)

4. Bumili ng Souvenirs (SUCCESS! andami kong abubots na dala pabalik ng Pinas — bagong bandila ng Myanmar, local beer in cans, local currency: Kyats)

5. Libutin ang Talipapa (SABIT! naubusan ako ng oras. Bawal palang abutan ng dilim ang mga dayuhan sa Myawaddy. Pinapa-uwi ang lahat pagdating ng alas-6 ng gabi.)

Heniweys, alam ko na ang gagawin sa susunod. Unahin ang Talipapa Tour!

Until next time, Myawaddy! Hu’s yo Daddy?! šŸ™‚

Burma “day trip” numbah one… t’yak masusundan!

Isa sa mga inspirasyon ko sa buhay.

Hindi pwedeng ipakita ang kanilang mga mukha. Hindi rin pwedeng pangalanan ang mga batang ito. Kaya ipapakilala ko na lang sila sa inyo sa pamamagitan nito…

Litrato ng kanilang mga paa… mga paang pilit ipinagkakasya sa loob ng taling straw na ibinilog sa sahig (isa sa mga activity na kakabit ng Leadership Seminar).

‘Onga pala… hindi sila mga Pinoy. Sila’y mga Burmes. At isang beses kada buwan ay nakakapiling ko sila, kasama ang ilan sa mga ka-opisina ko, sa Thailand.

Sila’y mga political refugees. Pansamantala silang lumabas ng kanilang bansa para iwasan ang matinding represyon sa ilalim ng Military Junta na kasalukuyang naghahari sa Burma.

Lumabas sila at iniwan ang kanilang mga pamilya ‘di para talikuran ang kanilang laban kundi para magpalakas, magpahinga at mag-aral… upang sa kanilang pagbalik sa loob ay mas pursigido nilang maisusulong ang pakikibaka tungo sa paglaya ng Burma.

Idol ko silang lahat.

FREE BURMA!

Isa sa mga inspirasyon ko sa buhay.

Minsan ‘di ko talaga maiwasang manliit…

Mas matangkad ako kaysa sa average na Pinoy (‘average’ yung operative word, ha? Meaning hindi kasama sina Bonel Balingit, et al.)… at di hamak na mas malapad ako kaysa sa karaniwang tambay sa kanto (tandaan, hindi ‘karaniwan’ yung mga kasali sa Biggest Loser, okey?)

Pero may ilang pagkakataon talaga na hindi ko maiwasan ang manliit…

Gaya nito:

At ito:

Parang “average” kuto lang me šŸ™‚

Minsan ‘di ko talaga maiwasang manliit…