Wagyu? Wagpowzz!

Naiintindihan ko naman kung bakit yung ibang pagkain ay medyo may kamahalan. Baka nga naman mahirap hagilapin… baka rin mahirap alagaan… o mahirap kunin… o mahirap ipunin.

Kaya OKs lang sa akin na mahal ang Truffles, o ang Bird’s Nest Soup, o ang Abalone, o ang Saffron.

Pero ibang usapin na ang Wagyu Beef.

Baka lang yun, ‘di ba? Andami-daming Baka kaya sa mundo. Anong espesyal sa Wagyu Beef?

OK. Sabihin na natin na alagang-alaga sila. May cow-massage pa nga sila eh. And I’m sure espesyal ang kanilang pagkain.

wagyu cow massage

Pero does that justify a US $500 per kilo pricetag?! Aba’y pakshet, mahigit PhP 20,000 per kilo na yun ah! Dalawang-libo ang isang guhit!

Kobe beef is displayed in a restaurant in Ornago near Milan

Tama ba ‘yun?!

Kahit pa rare yung mga pureblood Wagyu Cows, eh di paramihin! Mahirap ba ‘yun?

Kaya ang tancha ko dito ay beyond taste na ang usapan. Kahit napaka-sarap, napaka-lambot, at napaka-malinamnam pa niya, hindi makatarungan na ganito ang presyuhan.

No. Definitely hindi lasa ang basehan ng presyo ng Wagyu.

Ano ang basehan? YABANG.

Pure and simple Yabang. Yung tipong iniisip mo na “kaya ko ‘tong bilhin at kayo hindi. Mamatay kayo d’yan sa inggit.”

The same is true with food na may edible gold sprinkled on top… cellphones na encrusted ng mga dyamante…

Basically lahat ng paboritong bilhin at kainin ng mga Napoles.

Bwiset! 😦

Wagyu? Wagpowzz!

May Milagro nga! Pero hindi yung milagrong gusto natin…

Kahapon lang (see two posts below) ay nag-post ako ng image sourced from rappler.com showing that although Filipinos were overwhelmingly SAD because of Sec. Jesse Robredo’s accident, they were still quite ANGRY with Sen. Tito Sotto’s plagiarizing his anti-RH Bill speech.

The image yesterday was this (note the title of the only red circle in the bunch: “MVP, Sotto and Plagiarism” :

Pero miracle of miracles! Masdan ang image now (after less than 1 day) — anlaki na nung green circle niya! Overwhelmingly INSPIRED  na daw ang mga Pinoy sa ginawang plagiarism ni Tito Sotto!

Haleluya! Miracles do happen talaga!

Nakaka-inspire ano?

😦

May Milagro nga! Pero hindi yung milagrong gusto natin…

Sino ba naman ang hindi mababaliw?!

Ang Norwegian painter na si Edvard Munch (1863-1944) ang may likha ng sikat na expressionist painting na The Scream. Maraming versions ang expressionist painting na ito — oil, pastel, lithograph, tempera on cardboard — ngunit ang pinaka-kilala ay yaong nasa baba. Ayon sa isinulat ng artist sa kanyang diary (ang kanyang inspirasyon upang ipinta itong obra ay)…

I was walking along a path with two friends – the sun was setting – suddenly the sky turned blood red – I paused, feeling exhausted, and leaned on the fence – there was blood and tongues of fire above the blue-black fjord and the city – my friends walked on, and I stood there trembling with anxiety – and I sensed an infinite scream passing through nature.

Ayon sa ibang art critics, ang inilalarawang background ng painting ay halintulad sa nararamdaman ng isang indibidwal na may depersonalization disorder, na parang feeling of distortion of the environment and one’s self. Ganito kaya ang karamdaman ni Munch?

Ewan ko lang ha, pero parang ganun na ganun mismo ang naramdaman ni Atty. Vitaliano Aguirre nang sinasabon (na naman) ni Sen. Miriam Santiago ang prosecution team.

Sino ba naman ang hindi mababaliw?!