Why X-mas ain’t that “merry” to me.

OO. Alam ko. Title pa lang, emong-emo na ang dating.

Ewan ko ba… tuwing magpa-Pasko kasi ay magkahalong saya’t lungkot palagi ang nadarama ko.

Masaya kasi natutuwa ang mga anak ko, lalu na yung panganay, sa Pasko. Palibhasa walang pasok… maraming nahaharbat na regalo galing sa mga Ninang at Titas at sa aming mga magulang nila… maraming magagandang palabas sa TV… madalas ang pasyal… mas masarap ang pagkain sa bahay… may parol sa labas… mas malamig ang panahon.

Pero malungkot din kasi naaalala ko naman yung kabataan ko… na halos kabaliktaran ng mga Paskong alam ng mga anak ko.

Haaays. ūüė¶

Totoo ngang ang Pasko ay para sa mga bata.

Why X-mas ain’t that “merry” to me.

The Invisibles.

Opo. Tama ang basa ninyo sa title. Hindi “Incredibles”… Invisibles.

Invisible, as in hindi makita, hindi kayang makita, hindi kasama sa mga mahahalagang estadistika ng lipunan.

May isa pang depenisyon ang Invisible — mga¬†ayaw makita.¬†At ito yung malungkot na sitwasyon na pinupunto ko.

Napakaraming mga “invisible” na tao sa ating lipunan. Mga taong¬†nasa paligid natin pero kadalasa’y dinidedma lang… mga taong tina-trato na parang wala lang… mga taong ipinanalangin na sana’y maglaho na lang na parang bula.

Bakit?

Mas madali ba silang talikuran kaysa tulungan?

Mas simple bang sila’y dedmahin kaysa pakinggan?

Is it less painful to look through them than at them?

Sino nga ba ang mga taong madalas nabibilang sa “The Invisibles?”¬†

  • Mga baliw na gumagala sa kalsada
  • Mga pulubi (matatandang¬†nakaabang sa stop light, mga “batang envelope” na umaakyat sa jeep, mga tropang “tambol-sayaw”, mga paslit na “kalabit-penge” atbp.)
  • Mga “rugby boys”
  • Mga street evangelists at¬†nagse-sermon sa bus na humihingi ng limos
  • Mga pamilyang natutulog sa bangketa
  • Mga batang nanghahalukay ng makakain sa basurahan
  • Mga may matitinding kapansanan

Kayo? Sino ang mga “The Invisibles” na naka-enkwentro na ninyo?

The Invisibles.

Taragis talagang buhay ‘to…

Birthday ng Misis ko nung isang araw. Hindi kami nakapag-handa. Hindi ako naka-bili ng cake. Hindi ako nakabili ng regalo. Pareho kaming wala sa bahay nun. Kasi nasa ospital kami. Na-confine yung panganay namin. Nung una akala Dengue. Nung hindi pala, akala naman Typhoid. Nung hindi pa rin, akala naman Gastroenteritis. Dun tumama sila. Pero hindi rin pala. Kulang. Maliban sa Gastroenteritis, may Tonsilitis din. At ang delikado talaga… Dehydration. Daming Blood Samples na kinuha. Daming iyak. Daming luha.¬†Wawa. Kung pwede lang sana ako na lang ang sinuwero. Ako na lang sumuka. Ako na lang naratay sa kama ng tatlong araw. Ng dalawang gabi.¬†Buti na lang gumaling ka na, anak. Sakto pa sa birthday ng Nanay mo yung pag-uwi natin sa bahay.¬†Parang regalo na din pala, ano? Na-miss mo ba kapatid mo? Kahit ganun yun na-miss ka din nun. Mahal na mahal ka namin ng Nanay mo, anak.¬†Pareho ng pagmamahal namin sa kapatid mo. Walang labis, walang kulang. Huwag na nating ulitin ‘to ha? Pramis? Good. Happy Birthday, Dear!

Taragis talagang buhay ‘to…