Green Patches in a brown bakuran :-)

Tuwang-tuwa talaga ako sa tuwing nagpapalit ng dahon ‘tong punong ito na nasa bakuran namin. Kakaiba kasi yung pagka-berde niya… halos neon-green kapag sakto yung sikat ng araw.

Pero bitin pa din ako. Kumpara kasi sa harap ng bahay namin, medyo desolate yung aming likuran… konti ang berdebilang na bilang ang puno… dominante ang kulay Brown.

Ang solusyon? Paramihin ang berde sa buhay!

Konting putol… konting babad… konting hukay… BUHAY!

Tara! Let’s plant a tree today! πŸ™‚

Green Patches in a brown bakuran :-)

Yet another butingting moment…

Malakas ang ulan… tulog na ang mga bata… tulog na si misis… di pa ako inaantok… walang magandang palabas sa TV… Kaya hayun — butingting moment na naman me!

The project? Linisin ang (virus-infested) hard drive ng laptop sa bahay! Ano’ng ginawa ko?

1. Binuksan ang nasabing laptop

2. Hinugot ang akusadong hard drive

3. Ikinabit sa case ng una nang yumaong hard drive…

4. Dinala sa opisina para i-format at kargahan ng bagong programs (nandito ako sa stage na ito as I write this post)

5. Ikakabit muli sa laptop

6. Hope for the best πŸ™‚

Yet another butingting moment…

‘Pagkat ako’y isa (ring) Mabuting Pilipino!

There seems to be a certain “movement” gaining ground in the Philippines today — the Mabuting Pilipino Movement, which, I believe, was inspired by Noel Cabangon‘s song of the same name.

Naisip ko tuloy, how do I measure up to the standards of being a “Mabuting Pilipino” put forth by Noel?

Aber, tingnan ko nga… Magpatuloy magbasa “‘Pagkat ako’y isa (ring) Mabuting Pilipino!”

‘Pagkat ako’y isa (ring) Mabuting Pilipino!

Dapat nang mag-seryoso… tumatanda na (daw) ako :-|

Alam ko namang dina-dramahan lang ako ni Dear Dawter nung isang araw nang, out of the blue, humirit sya ng Daddy, tigilan mo na ang pag-inom. Bad yan. Matanda ka na.

Yun o! Parang planted lang ah… ganyan din kasi ang mantra ni Misis πŸ™‚

Pero, seriously. Tama nga naman sila. One can’t live the college-activist-drifter-emo life forever. One has (to some extent) to act one’s age. Or at least act commensurate to one’s current reality.

In my case, reality means married with kids.

So, YES, anak. Tatalima na ako sa atas ninyong Mag-iina (isama na rin natin sa BebehBoi sa bilang kasi, kahit sanggol pa yun, tiyak agree naman siya sa inyong dalawa ni Mama).

Mula sa araw na ito, I promise to rein-in my binge-drinking tendencies. Dapat lang maka-develop ako ng isang realistic strategy para dito.

… hindi kasi umuubra yung “cold turkey” approach (done that, been drunk)

… hindi rin umubra yung “no Red Horse” policy (masharaap kasi eh. hik!)

… at lalong palpak yung “Red Wine only” tactic (mahal na, pangit pa lasa).

Hmmm… Pa’no kaya ‘to?

Any suggestions, mga kapatid?

Dapat nang mag-seryoso… tumatanda na (daw) ako :-|

“Safe Commuting for Idiots”

Lampas 3 years pa lang naman akong “Full-time Commuter” pero sa tingin ko eh sapat na yung panahong ‘yon para makabuo ng ilang crucial “learnings” on how to keep safe sa tuwing bumibyahe… jeep man ito, o bus, o tricycle, o taxi.

Tawagin na lang natin itong “Safe Commuting for Idiots.” πŸ™‚

Safe Commuting Rules:

Trust Your Instincts! Di bale nang tawagin kang “praning“… kung sa tingin mo ay may sabit yung jeep/bus/trike/taxi na sasakyan mo (kahit na-para mo na, at kahit masama na ang tingin sa iyo ng mga pasaherong naabala mo), huwag kang sumakay. It could be the Universe telling you something. Magpatuloy magbasa ““Safe Commuting for Idiots””

“Safe Commuting for Idiots”

Ang Asteeg kong flashlight. Bow.

Talking about Survival Kits, isang mahalagang bahagi nito ay ang pagkakaroon ng source ng emergency lighting. Ilaw. Iba-ibang posibilidad ang pwede nating tingnan. Pero, tandaan lang natin na walang perpekto sa buhay… every option has its attendant shortcomings.

Tingnan natin isa-isa:

  • Kandila – requires posporo (na pwedeng mabasa), nakaka-sanhi ng sunog, namamatay kung malakas ang hangin, di pwede kung maulan, nauubos
  • Rechargeable emergency lights/lamps – kailangang i-recharge sa outlet (paano kung matagal na walang kuryente?), hindi pwedeng mabasa
  • Flashlight na de-baterya – requires batteries (mahal, lalu yung rechargeable), mauubusan ka eventually lalu kung walang mabilhan ng pampalit
  • Solar-powered na ilaw – mahal i-set up, fragile ang solar panels

So, ano ang da best para sa akin? Magpatuloy magbasa “Ang Asteeg kong flashlight. Bow.”

Ang Asteeg kong flashlight. Bow.

We butingting everything part 2

With the success of my recent “pagbuhay sa bangkay ng sirang electric fan” still fresh in my mind, naisipan ko biglang butingtingin ang sirang laptop sa bahay.

Pinahiram kasi yun ng Tita ng aking Dear Dawter para merong pag-praktisan ng kanyang computer lessons sa bahay ang huli. Kaso, after a few weeks of heavy paintbrush and plants vs. zombies use (hehehe), bumigay ang pobreng laptop. So, tengga siya ng matagal.

Until last Saturday, that is, nungΒ napag-tripan ko itong ayusin.

Why not, di ba? Naniniwala naman ako sa mga prinsipyong Self-relianceRe-use-Recycle-ReduceIndependencePagtitipid… at sa Motto na “have swiss knife, fix anything.”

So inipon ko ang mga required tools

Binuksang unti-unti ang case ng laptop…

Kinalas isa-isa ang mga lamang-loob nito…

Inispatan ang mga kritikal na parts

Sinurvey ang damage… at muling inassemble.

Ang resulta?

Wala pa din.

DEMMIT!Β Pero, at least, malinis na ang loob niya. πŸ™‚

We butingting everything part 2