“Holy Week” ba ‘kamo?

senakulo

Medyo mahirap para sa akin to describe what “Holy Week” means to me now as opposed to what it mean’t to me when I was still young. Andami na kasing mga factors na naghalo-halo para maapektuhan ang appreciation ko dito. Pero if I trace back my life and note-down the relevant events that could have affected how I viewed “Holy Week,” parang ganito ang lumalabas:

Nung bata pa ako (Elementary School age and below):

  • Kabilang sa isang pamilya na “Sarado Katoliko”
  • Nag-aral sa Catholic Schools (una sa Legaspi, then sa Naga, then sa Paranaque)
  • Seryoso lagi ang ‘Holy Week’ — walang palabas sa TV, bawal ang maglaro, bawal ang karne, pinagagalitan kapag maharot o masaya

Nung binata na ako (High School):

  • Napasali sa ilang gawaing pam-Parokya dahil lang sa ‘peer pressure’
  • Napipilitang mag-Nobena’t mag-Rosaryo tuwing Biyernes kasama ang mga istriktong Tiya
  • May ilang mga ka-klase sa Catholic School na medyo pasaway
  • Nagsisimba na lang para makita ang barkada tuwing Linggo

Nung nagpupumilit nang maging mas-independent (College hanggang early working days):

  • Pumasa at pumasok sa UP sa kabila ng babala ng mga Tiya kong takot sa “Komunista”
  • Feeling “baboy na nakawala sa kural” bigla
  • Napalapit sa mga isyung pulitikal at nabarkada sa mga aktibista
  • Nabawasan ang pag-simba hanggang sa tuluyang huminto

Nung may sariling pamilya na (nang ikinasal at nagkaroon ng unang anak):

  • Busy na sa paghahanap-buhay
  • Andami nang tanong tungkol sa Relihiyon at sa mga namumuno dito

Ngayong dalawa na ang anak (at baka madagdagan pa):

  • Mas busy na lalo sa paghahanap-buhay
  • Tunay na naniniwala sa kahalagahan ng Reproductive Health Law
  • Mas lalung dumami ang tanong tungkol sa Relihiyon at sa mga itinuturo nito

So, ano para sa akin ang “Holy Week?”

Ang hirap namang sagutin yung tanong na ‘yun 😐

“Holy Week” ba ‘kamo?

Milagrosong Mangga sa aming bakuran?

Pamilyar naman siguro kayo dun sa mga nakikitang banal na imahe sa pang araw-araw na mga bagay ano? Halimbawa, yung mga silhouettes ni Jesus o ni Mother Mary o ni Santo Nino na misteryosong sumusulpot sa talulot ng rosas, sa mga clouds, sa pader, sa puno…

Tulad halimbawa ng mga ito.

Wala akong comment sa mga litratong ito. If people believe them, it’s their right to do so. The same is true for people who don’t believe in such things. Live and let live, ika nga ng mga henyo d’yan sa gilid-gilid.

Pero baka nga totoo rin, ano? Lalu’t kung may personal experience ka on the matter.

Gaya halimbawa nung nakita ko sa isang bunga ng punong-mangga sa bakuran namin nang kinunan ko ng litrato yung isang bungkos. Nang nire-review ko na yung shot, napansin kong may imaheng naka-kubli sa isang mangga!

Kayo na po ang humusga.

Di ba kamukha niya si Majin Boo?

🙂

Milagrosong Mangga sa aming bakuran?

Still in-between religions…

religious_symbols.jpg

I’ve never thought of myself as being an inordinately religious person. Neither am I very spiritual in any sense of the word… unless one considers the intense joy I feel whenever I get to eat a perfectly-prepared corned beef dish as being a “spiritual experience”. 🙂

Never had an epiphany…

Never had a vision…

Never spoke in tongues…

Never broke down during a spiritual retreat…

Magpatuloy magbasa “Still in-between religions…”

Still in-between religions…