Mabuhay ang 2nd-hand!

Sa wakas! Makalipas ang ilang taon, I was finally able to upgrade my digicam!

My very first camera (na ako talaga ang bumili, hindi lang basta regalo ng ibang tao), was a film SLR that I bought, 2nd-hand, from my kumpare, who is a professional photographer. It was a Nikon na may kasamang battery grip. Ang presyo? 5K lang. Buhay pa siya hanggang ngayon… at may naka-salang pa ngang rolyo ng film sa loob.

My second camera, a Kodak, which was my first-ever digicam, was  also bought 2nd-hand from the same kumpare (OO. Mahilig po siyang mag-upgrade ng gamit.) Magkano? 9K lang. It has served me well for several years and will now be passed on to my wife (OO. Mahilig po siyang manghiram ng camera ng may camera. hehehe)

Now, meet my new digi-baby —  a Fuji (OO. 2nd-hand ulit at OO kay kumpare ko ulit nabili). Ang presyo? 10K lang. Mukha siyang DSLR pero hindi. Point-and-shoot pa din siya (hindi replaceable ang lente). Pero I don’t care! Full HD ang video… may vari-angle LCD… may hot shoe for an external flash… at ang haba ng digital zoom! As in zoomaryosep sa haba! 🙂

Hala! Piktyur-piktyur na!

Mabuhay ang 2nd-hand!

Para maiba lang…

Mahirap ang buhay… andaming mas mahalagang gastusin na dapat paglaanan ng budget.

Pero mahalaga din naman ang Parol, di ba? Kaya 2 years ago ay bumili ako ng kauna-unahang Capiz Parol ng aming pamilya. Ansaya-saya ng Dear Dawter ko nung unang binuksan yung kumikuti-kutitap niyang mga ilaw.

Pero ngayon, after 2 years, tila bored na si Dear Dawter sa aming parol. Di rin yata impressed ang aming bagong Bebehboi. Bakit daw walang ibang kulay?

Kaya hayun… dahil matalino ang kanilang Ina (at matipid din, obviously. hehehe), PULA na ang parol namin!

Yehey! Mabuhay ang cellophane! 🙂

Para maiba lang…

Yet another butingting moment…

Malakas ang ulan… tulog na ang mga bata… tulog na si misis… di pa ako inaantok… walang magandang palabas sa TV… Kaya hayun — butingting moment na naman me!

The project? Linisin ang (virus-infested) hard drive ng laptop sa bahay! Ano’ng ginawa ko?

1. Binuksan ang nasabing laptop

2. Hinugot ang akusadong hard drive

3. Ikinabit sa case ng una nang yumaong hard drive…

4. Dinala sa opisina para i-format at kargahan ng bagong programs (nandito ako sa stage na ito as I write this post)

5. Ikakabit muli sa laptop

6. Hope for the best 🙂

Yet another butingting moment…

Mabuhay, Recycling!

Sa hirap ng buhay ngayon, pwersado na ang maraming pamilya na rumenda sa gastos at luho. Andyan ang nagtitipid sa kuryente… nagbabawas sa grocery… lumilipat sa Generics… nagti-tiyaga sa patingi-tingi… gumagamit ng panggatong, imbes LPG…

Kami, pinangangatawanan namin ang prinsipyo ng 3Rs — Re-use, Reduce and Recycle.

Kaya, anak, pasensiya ka na muna diyan sa kulungan ng manok ha? Babawi na lang kami ni Nanay pag tumama kami sa Lotto 🙂

Mabuhay, Recycling!

We butingting everything part 2

With the success of my recent “pagbuhay sa bangkay ng sirang electric fan” still fresh in my mind, naisipan ko biglang butingtingin ang sirang laptop sa bahay.

Pinahiram kasi yun ng Tita ng aking Dear Dawter para merong pag-praktisan ng kanyang computer lessons sa bahay ang huli. Kaso, after a few weeks of heavy paintbrush and plants vs. zombies use (hehehe), bumigay ang pobreng laptop. So, tengga siya ng matagal.

Until last Saturday, that is, nung napag-tripan ko itong ayusin.

Why not, di ba? Naniniwala naman ako sa mga prinsipyong Self-relianceRe-use-Recycle-ReduceIndependencePagtitipid… at sa Motto na “have swiss knife, fix anything.”

So inipon ko ang mga required tools

Binuksang unti-unti ang case ng laptop…

Kinalas isa-isa ang mga lamang-loob nito…

Inispatan ang mga kritikal na parts

Sinurvey ang damage… at muling inassemble.

Ang resulta?

Wala pa din.

DEMMIT! Pero, at least, malinis na ang loob niya. 🙂

We butingting everything part 2

Para lang baga consistent.

Ang buhay daw ng tao ay “governed by rules,” ika nga ng isang henyo d’yan sa tabi-tabi.

May mga bagay na naturally meant for each other. Bagay na partner kumbaga.

Bagong shoes need bagong medyas

Bagong pantalon requires bagong shirt

Bagong taon equals bagong buhay…

But the opposite is also true, di ba?

Lumang damit, pares sa lumang sapatos

Lumang classroom, lumang desks

Lumang bisyo, lumang palusot 🙂

OK. OK. Inaamin ko na medyo pilit yung hirit ko dito.

Wala kasi akong maisip na magandang intro for this:

Odevah? Durog na earphones para sa basag na Ipod 🙂

Naniniwala ako sa Re-use, Reduce and Recycle…

Pero nunca sa Retire.

Hangga’t kaya pa… pakinabangan!

Para lang baga consistent.

Ika nga ni Bossing — We butingting everything!

Got a disturbing text message from the missus last night — “beh, gamit namin yung electric fan mo, nag-spark yung kurdon nung samin. Silipin mo na lang pagbalik mo ha?”

Powtek. Mainit pa naman sa bahay… and yes, delikado ang mga appliances na basta-basta na lang nag-iispark.

On the commute home, I was playing over several scenarios in my head. Bakit nga kaya nag-spark ang fan nila?

Nasunog na ba yung motor dahil sa kalumaan?

Natapunan ba ng juice ni Dear Dawter?

Natabig ba ng Nanay Ni Dear Dawter?

Nginatngat ba ng daga yung kurdon?

Haaays… delikado. May phobia pa naman ako sa sunog 😦

Pero buti na lang at pagdating sa mga ganitong bagay ay medyo kampante akong magbutingting.

Basta kumpleto ang tools

Konting gupit… konting kabit

at testing na kalabit

Walang sabit!

At pinakamahalaga… walang gastos. 🙂

Ika nga ni Bossing — We butingting everything!