“Holy Week” ba ‘kamo?

senakulo

Medyo mahirap para sa akin to describe what “Holy Week” means to me now as opposed to what it mean’t to me when I was still young. Andami na kasing mga factors na naghalo-halo para maapektuhan ang appreciation ko dito. Pero if I trace back my life and note-down the relevant events that could have affected how I viewed “Holy Week,” parang ganito ang lumalabas:

Nung bata pa ako (Elementary School age and below):

  • Kabilang sa isang pamilya na “Sarado Katoliko”
  • Nag-aral sa Catholic Schools (una sa Legaspi, then sa Naga, then sa Paranaque)
  • Seryoso lagi ang ‘Holy Week’ — walang palabas sa TV, bawal ang maglaro, bawal ang karne, pinagagalitan kapag maharot o masaya

Nung binata na ako (High School):

  • Napasali sa ilang gawaing pam-Parokya dahil lang sa ‘peer pressure’
  • Napipilitang mag-Nobena’t mag-Rosaryo tuwing Biyernes kasama ang mga istriktong Tiya
  • May ilang mga ka-klase sa Catholic School na medyo pasaway
  • Nagsisimba na lang para makita ang barkada tuwing Linggo

Nung nagpupumilit nang maging mas-independent (College hanggang early working days):

  • Pumasa at pumasok sa UP sa kabila ng babala ng mga Tiya kong takot sa “Komunista”
  • Feeling “baboy na nakawala sa kural” bigla
  • Napalapit sa mga isyung pulitikal at nabarkada sa mga aktibista
  • Nabawasan ang pag-simba hanggang sa tuluyang huminto

Nung may sariling pamilya na (nang ikinasal at nagkaroon ng unang anak):

  • Busy na sa paghahanap-buhay
  • Andami nang tanong tungkol sa Relihiyon at sa mga namumuno dito

Ngayong dalawa na ang anak (at baka madagdagan pa):

  • Mas busy na lalo sa paghahanap-buhay
  • Tunay na naniniwala sa kahalagahan ng Reproductive Health Law
  • Mas lalung dumami ang tanong tungkol sa Relihiyon at sa mga itinuturo nito

So, ano para sa akin ang “Holy Week?”

Ang hirap namang sagutin yung tanong na ‘yun 😐

Advertisements
“Holy Week” ba ‘kamo?

Mga tanong na hindi pa din masagot ng maayos.

Wala lang. Naisip ko lang bigla yung mga dati ko nang itinatanong sa sarili at sa mga kakilala ko (kaibigan, ka-opisina, kamag-anak) pero hindi pa din talaga masagot-sagot ng maayos.

Siguro may ganito rin kayong mga “unanswered questions” sa buhay. Mga bagay na lagi mo na lang itinatanong kung “bakit?”

So, bakit nga ba? Bakit…

  • Ang “No Smoking” policy sa PUJs ay hindi nag-aaply sa Drayber o sa mga taong naka-upo sa harap?
  • Nagsusuot ng revealing outfits ang ilang babae tapos nagagalit kapag nakatingin ka?
  • Kung saan bawal (tumawid, magtapon ng basura, umehi…) dun talaga gagawin?
  • Patuloy pa ring ibinoboto ang mga kamoteng trapo kung talagang matatalino tayong mga Pinoy?
  • Kapag pauwi ka na (o pababa na ng sasakyan), saka bubuhos ang malakas na ulan?
  • Kung ano’ng masama sa katawan, siya pa ang masarap kainin (o inumin)?
  • Kailangang magkakaiba ang korte ng mga plug ng kuryente?
  • Ambilis magbago ng modelo ng cellphones pero ambagal umayos ang serbisyo ng mga Telcos?
  • Lahat ng banyagang sikat (artista, singer, athlete, pulitiko, atbp.) ay pilit hinahanapan ng konek sa Pilipinas?
  • Palaging “magandang umaga po” ang bati ng reporter kahit nagkandaletse-letse na ang buhay ng kausap niya?
  • Kung sino pa yung mahirap at walang pampa-kain at pampa-aral sa anak, siya pa ang dose-dosena ang anak?
  • Andaming yumayaman sa pag-sisilbi sa mahirap?
  • Hindi natin ina-apply sa sarili ang standards natin para sa ibang tao?
  • Patuloy mong binabasa ‘tong listang ‘to?

Good night po. 🙂

Mga tanong na hindi pa din masagot ng maayos.