Si “Potchie.” Housedog version 3

Version 3” kasi siya na ang 3rd house dog namin ngayong may mga anak na kami. I’ve had many house dogs before when I was younger and single; so, too, did my wife. Pero as a family, ikatlo pa lang si “Potchie” na naging house dog namin.

DSC_0546

Yung naunang dalawa, sina “Fita” at “Spike” ay wala na pareho. The former, ipinamigay namin sa iba kasi nagkaroon ng allergic reaction sa kanya si Dear Dawter. The latter, pumanaw na kasi nagkaroon ng allergic reaction sa tubig-kanal na ininom niya nung nakawala sa kalsada. 😦

Kaya Potchie, let’s do this! Suportahan ta ka hanggang lumaki ka ng ganap at grumadweyt from house dog to guard dog.

Woof? Woof! 🙂

Si “Potchie.” Housedog version 3

Sino ang mas asteeg — tutang tunay o tutang japeyks?

Gan’to kasi yun. Si Dear Dawter (DD) may dalawang tuta — si Doggirl, na isang stuffed toy (na hindi pa din bayad), at si Fita, na isang true-blue tuting (maliit na tuta).

Ang problema, parang maliit ang mundo namin para magsabay ang dalawang tutang ito. Well… maliit pala ang bahay namin.

So one of them has to go!

Walang magagawa, prinsipyo lang. Ganyan talaga ang buhey.

Pero sino sa dalawa ang idi-dispatsa ni Taroogs?!

Aber, ikumpara ko nga ang pros and cons ng bawat isa.

  • Si Doggirl, pag pinagti-tripan ni DD, cool lang. (keri lang niyang damitan, meykapan at kodakan)

  • Si Fita, pag pinagti-tripan ni Taroogs, pikon! (ginagantihan ang tsinelas ko ng powtek)

  • Si Doggirl, mahilig tumabi kay DD sa kama.

  • Si Fita, ayaw tumabi kay Taroogs (mas feel niya ang matulog ng solo).

  • Si Doggirl, we see eye to eye on many things.

  • Samantalang si Fita, madalas mandedma.

  • Finally, si Doggirl, maaasahang magbantay kay Bagong Bebe (BB).

  • Samantalang si Fita… ASA PA SIYANG PALALAPITIN KO SIYA kay BB!

Goodbye Fita.

Evicted ka na sa Bahay ni Taroogs.

Nawa’y maging masaya ka sa bago mong Amo.

😦

Wag ka nang magreklamo, Fita… sabit ka talaga e. Lakas mong mag-wiwi’t pupu kung saan-saan. Nagkakalat ka ng garapata. Nagka-allergy pa si DD sa kakayapos sa’yo.

(Pag nasa kat’wiran… ipaglaban!)

Sino ang mas asteeg — tutang tunay o tutang japeyks?