Ang maliit kong kontribusyon sa Pinoy blogging eksena…

Unahan ko na kayo ha? Hindi ito pagbubuhat ng sariling bangko. Alam ko na wala akong nagawang “ground-breaking” na bagay sa blogosphere. Actually, I consider myself as just one of the millions (millions na tayo, di ba?) of Pinoys who are lucky enough to have time to maintain a blog (or two).

Pero believer talaga ako sa kasabihang, The More, The Merrier! (Sa Tagalog, ang taong paulit-ulit kung magpakasal, malamang mahilig sa mumurahing sigarilyo.)

🙂 sige na, payagan n’yo na yung joke… kwentuhan lang naman ‘to eh. Hehehe

So anyway, natutuwa talaga ako at tila parami na talaga ng parami ang mga Pinoy na nagba-blog. Shempre meron ding mga humihinto after a while — either kinatatamaran na yung pag-post, or hindi na na-iinspire na mag-kwento ng kung anu-ano — pero sa sampung umaayaw, meron at least isa (o dalawa) na nag-pupursigi at talagang gumagaling sa blogging.

OK lang naman ang ganito. After all, hindi naman required na mag-blog ang isang tao para maging ganap na… well, tao. Hehehehe…

In fact… at heto na yung punto ng post kong ito… feeling ko (feeling lang naman) na naka-contribute ako ng bahagya (bahagya lang naman) sa pagdami ng bilang ng mga committed Pinoy bloggers.

Paano, ‘ka ‘nyo?

Nakumbinsi ko ang dalawang tao (na sa umpisa ay ayaw talagang mag-blog) na gumawa ng blog… na ngayo’y umaarangkada na pareho.

In fact, mahigit 40K na ang kanilang mga views at mataas pareho ang kanilang daily average visits.

Kaya kung feel nyo, bisitahin nyo rin ang mga “anak” kong bloggers.

Mahilig ka bang mangisda? O mahilig ka sa mga gamit sa pangingisda? O mahilig ka lang sa isda? Kung OO, silipin niyo ang Blog ni Kumpareng Hibiki!

Mahilig ba kayong magbasa ng kung anik-anik at mga bagay na wala lang? Dalawin n’yo ang blog ni Kasamang Monleg!

MY FEARLESS FORECAST: Sa tingin ko ay malalampasan ako sa blog views ng dalawang mokong na ‘to within the year.

Powtek. 😦

Ang maliit kong kontribusyon sa Pinoy blogging eksena…

so many things to say… so little time.

Medyo na-overwhelm lang ako sa feeling na andaming nangyayari sa paligid na pwedeng komentan pero di ko talaga mai-singit sa trabaho ko these past few days. Napapadalas kasi ang biyahe ko at yung mga napupuntahan kong lugar ay, minsan, di maayos ang Internet access (excuses… excuses, I know).

Or baka pagod lang talaga ako.

Kung hindi sana, ansarap mag-share ng opinyon tungkol sa mga sumusunod:

Anti-Cybercrime Law (na sa tingin ko ay maraming Pros, pero maraming Cons din. Kaya hindi basta pag-junk lang ang isasagot);

Political Dynasties (na stronger than ever, based on the list of local and national candidates who have registered to run in 2013);

Blood Ivory and the Catholic Church (and why the fetish for Ivory santos really fuels the mass killings of elephants);

The Japan-China-Taiwan dispute over the Senkaku/Diaoyu/Tiaoyutai Islands (and how this is instructive for our own territorial claims in the Spratlys and in Scarborough Shoal);

Why OPM (Original Pinoy Movies) are being left behind by OPM (Original Pinoy Music);

Why some Anti-Epal organizations/people are already being Epal in their advocacy;

Why Pinoys, while claiming to be intelligent people, continue to vote in a patently un-intelligent manner;

Why our stand-up comedians differ greatly from those of other countries, western ones in particular;

Why Pinoys can be very racist yet, at the same time, be very accepting of people from other countries;

Why we seem to be more friendly towards the Japanese than the Koreans, despite World War 2;

Like I said… so many things to talk about; so little time 😦

so many things to say… so little time.