Zoom… Doom?

Natutuwa ako sa zoom capacity ng bago kong 2nd-hand digicam. Kakagulat minsan yung mga nakukunan nito — NO. Hindi yun ang ibig kong sabihin (you ha!). Hindi ko ginagamit sa kasamaan ang kanyang kapangyarihan. Hehehe.

Paborito kong gawin sa zoom feature ng aking camera ay (1) kumuha ng litrato ng isang eksena at (2) mag zoom-in sa mga kakaibang elemento ng eksenang nakunan. Unang try… Bahay sa gilid ng bundok sa Antipolo (general shot ng bundok, then zoom in sa bahay).

Ayus, di ba? Lumutang yung details nung bahay na sa naunang foto ay parang mantsa lang sa tabi nung bundok. Pero wala ito sa sumunod kong zooming practice… Building na itinatayo sa may Morato area (general shot ng gusali, then zoom-in shots ng mga bising-busy na mga construction workers dito)

closer…

closer…

POWTEK! Nasa tuktok ng building lumalambitin (almost 20 floors up!)… walang safety harness man lang?! Walang Helmet?! Kahit tali sa baywang na nakakabit sa poste?!!

Heto pa’ng ilang shots ng mga death-defying construction workers… pansinin ninyo’t wala ni-isa sa kanila ang may safety harness!

ANUBAYAAAAN!!! Wala ba kayong nilalabag na batas, mga kapatid?!!

Zoom… Doom?

The Beauty of Ugly.

Oftentimes, we only see the most obvious… what is apparent.

When regarding beauty, for example, we normally (stress on the “normally”) stop at appreciating what is in front of us without considering the hows, the whys and the what ifs connected to it.

In short, our view of things — of people, of events, and even of opinions — is usually (again, stress on the “usually”) one-dimensional and incomplete.

Halimbawa, beautiful things often hide an ugly side; a side that, nevertheless, is integral to the beauty of the thing being considered. Meaning, were it possible to remove that ugly element, the beauty of the thing will be diminished, maybe irreversibly.

So we may just need to accept both beauty and ugliness at the same time.

Consider this scene (a recent photograph I took of the Manila skyline from atop Antipolo). The diffused light and blended shades of orange, red, grey, black and white only happens because of the air pollution that permanently blankets the metropolis. Sweep away that haze of toxic and noxious fumes and you are left with a harsh vista, a palette of clashing colors, and a migraine-inducing view where severe contrasts is the order of the day.

Only views like these — where beauty and ugliness are blended into one indistinguishable mesh — can evoke love, song and art in the hearts of people.

I choose Beauty and Ugliness, both at the same time.

The Beauty of Ugly.

Milagrosong Mangga sa aming bakuran?

Pamilyar naman siguro kayo dun sa mga nakikitang banal na imahe sa pang araw-araw na mga bagay ano? Halimbawa, yung mga silhouettes ni Jesus o ni Mother Mary o ni Santo Nino na misteryosong sumusulpot sa talulot ng rosas, sa mga clouds, sa pader, sa puno…

Tulad halimbawa ng mga ito.

Wala akong comment sa mga litratong ito. If people believe them, it’s their right to do so. The same is true for people who don’t believe in such things. Live and let live, ika nga ng mga henyo d’yan sa gilid-gilid.

Pero baka nga totoo rin, ano? Lalu’t kung may personal experience ka on the matter.

Gaya halimbawa nung nakita ko sa isang bunga ng punong-mangga sa bakuran namin nang kinunan ko ng litrato yung isang bungkos. Nang nire-review ko na yung shot, napansin kong may imaheng naka-kubli sa isang mangga!

Kayo na po ang humusga.

Di ba kamukha niya si Majin Boo?

🙂

Milagrosong Mangga sa aming bakuran?

Mabuhay ang 2nd-hand!

Sa wakas! Makalipas ang ilang taon, I was finally able to upgrade my digicam!

My very first camera (na ako talaga ang bumili, hindi lang basta regalo ng ibang tao), was a film SLR that I bought, 2nd-hand, from my kumpare, who is a professional photographer. It was a Nikon na may kasamang battery grip. Ang presyo? 5K lang. Buhay pa siya hanggang ngayon… at may naka-salang pa ngang rolyo ng film sa loob.

My second camera, a Kodak, which was my first-ever digicam, was  also bought 2nd-hand from the same kumpare (OO. Mahilig po siyang mag-upgrade ng gamit.) Magkano? 9K lang. It has served me well for several years and will now be passed on to my wife (OO. Mahilig po siyang manghiram ng camera ng may camera. hehehe)

Now, meet my new digi-baby —  a Fuji (OO. 2nd-hand ulit at OO kay kumpare ko ulit nabili). Ang presyo? 10K lang. Mukha siyang DSLR pero hindi. Point-and-shoot pa din siya (hindi replaceable ang lente). Pero I don’t care! Full HD ang video… may vari-angle LCD… may hot shoe for an external flash… at ang haba ng digital zoom! As in zoomaryosep sa haba! 🙂

Hala! Piktyur-piktyur na!

Mabuhay ang 2nd-hand!

Yan ang hirap sa pagdala ng digicam sa byahe…

… madalas na wala ka sa kodak moments 😦

Kung porsyento ang pag-uusapan, nasa 1 of every 10 photos ka lang. Ganyan ang nangyari sa recent Sweden Study Visit namin. Out of around 850 shots (laging lobat pa digicam ko sa lagay na yan), wala pa yatang singkwenta yung kasama ako.

At kasama na dun itong tatlong to…

Mukha ba akong malungkot?

Hangober lang yan! Ansaya-saya ko dun eh. hehehe 🙂

Yan ang hirap sa pagdala ng digicam sa byahe…

Mga tanawin sa Teachers’ Camp, Baguio.

Mali pala ang akala ko dati…

…na ang Teachers’ Camp sa Baguio City ay walang panama sa ibang mga mas kilalang seminar areas…

…sa ibang parte ng Baguio, sa Tagaytay, sa Metro Manila.

Naisip ko yun nang hindi man lang pumapasok sa Teachers Camp… ni minsan.

Pero last week, napasok ko na din finally ang loob ng Teachers Camp.

Mali pala ang akala ko.

Maling-mali.

Teachers Camp ROCKS!

Ang Linis!

Ang daming Pine Trees!

Maganda ang Sports facilities!

Kakaiba din ang Ambiance dulot ng mga lumang structures!

‘Weno kung may mga multo daw?

Mabagal naman silang maglakad kasi naka-jacket.

🙂

Mga tanawin sa Teachers’ Camp, Baguio.

office downtime + webcam + surplus head accessories = SHOWTIME! :-)

Naglilipatan kasi kami ng tables sa opisina kaya nagkaroon ng onting downtime sa trabaho.

At habang hinihintay mong ilipat ng may-ari ng mesang na-assign sa’yo yung mga gamit niya… maghahanap ka talaga ng pagkakaabalahan muna.

Eh bigla kong napindot yung activate button nung webcam nitong laptop ko…

Kaya hayun… Hetong kinalabasan.

Sorry ha?

🙂

office downtime + webcam + surplus head accessories = SHOWTIME! :-)