The Fallen 44

Sobrang dami na ang nagsalita, nag-akusa, nagpalusot, naghugas-kamay, nagturuan, nag-bintangan, um-epal, at gumamit sa napaka-lungkot na pangyayaring ito.

Konting tahimik naman d’yan. Konting respeto na din.

fallen44

Sa ganitong situwasyon, ang pag-tuklas sa katotohanan ang siyang tanging daan tungo sa katarungan.

The Fallen 44

Kinabahan naman ako bigla sa ad na ‘to :-)

Di ko kasi sure kung ano exactly yung message na gustong ipaabot nung advertisement na nakadikit sa nasakyan kong tricycle sa mga makaka-basa dito:

  • na mura lang ang masahe sa kanila
  • na malapit lang ang spa nila
  • na feeling sexy ka pagkatapos magpa-masahe sa kanila
  • o na taga-Addams Family ang masahista nila

DSC_1186

'THE ADDAMS FAMILY' FESTER ADDAMS THEBLACKBOXCLUB.COM

 🙂

Kinabahan naman ako bigla sa ad na ‘to :-)

Nice try, Marcoses… but NO.

Napansin ko lang kasi na tila bagang dumadalas yung mga online posts — sa Facebook, Twitter, Plurk — na pinupuri ang mga Marcos… na kesyo mas maayos ang buhay nung panahon ng Martial Law… na mas disiplinado ang tao… kaunti ang krimen… mura ang bilihin… etc. etc. etc.

Pero ang mas nakaba-bahala ay parang andami yatang mga batang netizens ang tila sumasang-ayon sa mga posts na ganito. Even to the point na nananawagan (nangangampanya?) na sila na para maging susunod na presidente ng Pilipinas si Marcos, Jr.

What’s wrong with this?!

Actually, andaming mali. Marami talaga… pero foremost na marahil yung lantarang pag-deny ng mga taong ito sa mga malagim na kaganapan nung panahon na ‘yun.

Buti na lang marami pa ding mga hindi nakakalimot sa katotohanan.

Never Again2

Martial Law and the Marcoses? NEVER AGAIN!

 

Nice try, Marcoses… but NO.

My ongoing “2/3rds-Life Crisis”

midlife-crisis2

Yes. Two-thirds. As in 1/3 na lang ang natitira sa total.

Mahirap kasing sabihin na “Mid-Life” yung Crisis kasi that would imply na sa tingin ko ay my life is half-way over at this stage. Kaso, if we go by Mathematics and an objective assessment of my current health, mahirap isipin na aabot ako ng 90 years hehehe.

So, mas realistic to say na, kung aabot ako ng 70 years, then my life is 2/3rds over na now… thus my undergoing a “2/3rds Life Crisis” at the moment.

Ok, now that that’s all cleared up… balik ako sa crisis na nararamdaman ko. Andami kasing sintomas… mostly psychological, I know, pero may ilan din na physical yung manifestation.

Heto na po ang litanya ng sintomas ko.  Haays 😦

  • Nahihilig nang maging “loner.” Tinatamad nang uminom, gumimik, o mamasyal.
  • Madalas nang nag-iisip ng mga “what ifs” — what if iba ang trabaho ko? iba ang pamilya ko? nag-abroad ako?
  • Andami nang sumasakit sa katawan — joints, ulo, mata, bangs, bulsa.
  • Madali nang ma-depress kapag may nakikita o nababalitaang nakakalungkot na bagay — halimbawa, yung pagsu-suicide ni Robin Williams at yung sunod-sunod na pagkatalo ng Gilas Pilipinas
  • Mabilis nang uminit ang ulo. Hindi na kasing haba gaya ng dati ang aking pisi.
  • Nauubusan na yata ng creativity — wala nang “mojo” for daily blogging
  • Masyado nang nagiging sensitive kapag binibiro ng pabalagbag
  • Mas inclined nang bumili ng “Big Bike” o Truck, na mga hindi masyadong family-oriented na sasakyan.
  • Mas madalas nang malito sa tamang gamit ng “Nang” at “Ng”

🙂

 

 

 

My ongoing “2/3rds-Life Crisis”

The Psychology of “Pila”

Pinoy ako. Pinoy ka din, ‘di ba? If yes, then I’m sure sanay ka nang pumila. Queuing is a way of life in the Philippines. Wala na sigurong magde-debate dun.

Ano ang madalas nating pilahan? Ewan sa inyo, pero ako, andami. As in.

Ano ang mga napilahan, pinipilahan at pipilahan ko sa buhay? Aber, isa-isahin ko nga:

  • Sakayan sa Dyip / Bus / Tricycle
  • Bayaran ng Tuition sa Eskwela
  • Bayaran ng Kuryente / Tubig / Credit Card / Cable
  • Takilya ng Sinehan
  • Cashier ng Grocery
  • Check-in sa Airport
  • Check-up sa Clinic / Ospital
  • Entrance ng Mall
  • Voting Station

Etcetera… etcetera… etcetera…

Pero ang nakakatuwa sa mga pagpi-pilang ito, andami mong matututunan tungkol sa ugali at personalidad ng mga kasama mo sa pilahan…basta marunong kang makinig, magmasid at makiramdam.

DSC_1166

Gaya nitong latest na pag-pila na ginawa ko kanina lang. Bayaran ng water bill. As usual, well-represented ulit ang lahat ng “usual personalities” sa nakikita sa mga pilahan. Mga taong:

  1. Reklamador
  2. Nagmamadali
  3. Matiisin at walang-imik
  4. Chikadora kahit sa mga hindi kakilala
  5. Asar sa “Seniors” at PWD na may sariling pila (na mas maikli)
  6. Palatanong
  7. Mahilig sumingit
  8. Umiispat ng Maganda/Pogi/Sexy sa pilahan
  9. Tawag ng tawag / Text ng text
  10. Nakikinig sa chumi-chika
  11. Dinidedma ang chumi-chika

Kayo, na-encounter na din ba ninyo ang mga ganitong tao sa pilahan?

At anong klaseng “mamimila” ka?

Ako? Siguro #3, #8 at #10 combined! 🙂

 

 

 

The Psychology of “Pila”

Glenda, bakit mo pinatay si Cheska?!

Este… si Chesa pala. As in yung puno namin ng Chesa.

100_0523

Malupit talaga itong si Bagyong Glenda, mahina nga ang ulan pero matindi naman ang hagupit ng hangin. Nung madaling-araw ng Miyerkules, July 16, nang tumama na sa Maynila si Glenda, hindi talaga ako nakatulog. Parang pinupunit kasi ng hangin yung bubong namin.

At hindi pa nakatulong yung pagka-wala ng kuryente nung mga oras na iyon. Praning moment talaga!

Salamat sa Diyos at nag-survive naman yung yero namin. Pero ang paborito kong puno ng Chesa, gumewang na. As in sumasandal na siya sa mga kable ng kuryente ng aming bahay. At sa lakas ng hangin, halos nabunot na yung mga ugat niya. Kitang-kita naming mag-anak na gumagalaw yung lupa sa paligid nung puno. Tipong binubungkal yung mga ugat. Parang ilang ihip na lang, buwal na siya.

Kung nangyari yun, goodbye kuryente… goodbye cable… and hello Gastos!

Kaya tuloy napilitan akong tagpasin ang mga sanga nito sa kasagsagan mismo nung bagyo. At mukhang kailangan na siyang tuluyan kasi hindi na kaya ng lupa na suportahan yung bigat nito.

Masakit pero kailangang gawin.

DSC_1163

IMG_20140716_143354

Pasensiya na, Chesa… trabaho lang. 😦

 

Glenda, bakit mo pinatay si Cheska?!

Not everything is “Made in China”

Siguro hindi ako nag-iisa sa feeling na sobrang dine-dehado na ng bansang Tsina ang Pilipinas.

Chinese-bullying-Filipino-cartoon

Una: parang ginagawa tayong pabrika ng mga iligal na droga ng mga Tsino. Andaming “safe houses” ang kanilang nire-rentahan at kino-convert para maging laboratoryo ng Shabu. At ang malala pa dito, kapag nahuli sila, biglang “nakaka-takas” naman.

Pangalawa: sinasakop nila ang mga isla natin sa Spratlys at Scarborough. Pilit nilang inaangkin ang mga ito at itinataboy ang mga maliliit nating mangingisda. Hina-harass. Binu-bugahan ng water hose.

Pangatlo: patuloy nilang nili-limas ang mga yamang-dagat/lupa sa teritoryo natin. Mga Pawikan. Taklobo. Seahorse. Corals. Mameng. Black Sand.

Pang-apat: bina-baha nila tayo ng mga mumurahin pero delikadong produkto — gatas na may Melamine, laruang may toxic content, mga piyesang mahina kaya’t suma-sanhi ng aksidente — at dinu-durog ang mga maliliit nating negosyante

Panlima: ginagawa tayong tapunan ng mga smuggled agricultural products — sibuyas, manok, bawang, carrots, atbp. — kaya nalulugi ang mga magsasaka natin.

Pang-anim: nakikipag-kuntsabahan sila sa mga korap at abusado nating pulitiko (pati ang dating Presidente) upang ma-protektahan lang ang interes ng kanilang mga negosyo dito sa atin.

Etc. Etc. Etc. Ad Nauseam.

At ang nakaka-inis pa lalo, sila pa ang may ganang magalit sa atin! Kesyo pinag-kakaisahan daw sila. Sinasadya daw sila. Nagpa-pasaway lang daw ang Pilipinas!

Anaknghinayupaknabullynasingkitnamanoo!!!

Pwes, mula ngayon, I swear… sa abot ng aking makakaya… ibo-BOYCOTT ko ang lahat ng produktong “Made in China!”

boycott-products-made-in-china

Mahirap itong gawin, OO alam ko. Sabi nga nila, “God made the World, but everything else is Made in China.”

Pero, I believe na if I really try, and as long as it is clear to me why I need to boycott China’s products, kaya naman siguro. After all, every little bit counts.

Kaya sinimulan ko na, in my own small way.

Para sa backyard gardening work ko, bumili ako ng asarol (garden hoe), garden trowel at pandilig ng halaman. Usually, sandamakmak na ganitong tools ang “Made in China.” Pero nag-pursigi akong humanap ng mga alternatives.

At tagumpay naman! Heto ang mga nabili ko:

Asarol na “Made in the UK” ang ulo (at Pinoy ang kahoy na katawan), Garden Trowel na “Made in Brazil“, at Pandilig ng Halaman na “Proudly Made in the Philippines!” Woohooo!

DSC_0975

DSC_1024

 Mabuhay ang Pilipinas! 🙂

Not everything is “Made in China”

Of Maps, Measurements and (intentional) Mistakes.

Dear China (aka “The Big Bully“),

You claim that your “9-dash line” map is historically accurate since it is based on ancient maps that you currently possess. Because of this, you maintain that your sovereignty over the Spratlys and Scarborough Shoal is undisputed.

Here’s one of your so-called “historical maps,” dated 1947, with 11 dashes, not just 9. Kaya pala pati Taiwan saklaw pa.

11-dash line map (China 1947)

But if you really put great stock on “historical maps”… the older the better, sabi nga ninyo… then what do you say about this even older map (1735) that was given by German Chancellor Angela Merkel to Chinese President Xi Jinping which shows China to NOT INCLUDE Xinjiang, Manchuria, Tibet, Mongolia, Taiwan, Hainan nor the Paracels, Spratlys and Scarborough Shoal?!

Markel's map of China

So, ano? Palumaan na lang tayo ng mapa?!

P.S. I know that you’re gonna claim to possess even older maps than the one given by Merkel. Fine… kaso may problema. Malamang yung mga mapang ‘yun ay “Made in China.” 🙂

Of Maps, Measurements and (intentional) Mistakes.

Kung ako ang Presidente…

… gagawin ko ang lahat na pwede kong gawin bilang Presidente. Pero dahil demokrasya na tayo, magka-iba na ang ibig sabihin ng “Presidente” at “Diktador” ngayon. So dapat, idaan sa ligal ang lahat, tama?

Pero hindi naman masama na gamitin ang ibang paraan na mayroon ang isang Presidente para “mangumbinsi” ng opisyal, di ba? 🙂

presidential seal

So, kung ako ang Presidente, “kukumbinsihin” ko ang mga Kongresista at Senador na suportahan at ipatupad ang mga sumusunod na priority legislation/policies ko:

  • Government support for all Pinoy Inventors
  • Oil and Gas Exploration sa Benham Rise area
  • Striktong “Truth in Advertising” Law
  • Lalung pagpapa-lakas sa patrol/defensive capabilities ng Air Force at Navy
  • Pagbuo sa isang unified at epektibong Disaster Preparedness and Response Agency
  • More government support for Science Scholars
  • Taxation of all Religious organizations
  • Palakasin ang Cyber-warfare capability ng pamahalaan
  • Pag-demonetize ng 5 at 10-centavo coins
  • Pag-revive sa dating government-operated Buses
  • Pagtayo ng government-operated Passenger/Cargo Ferry Company
  • Pag-unify sa 3 international Airport Terminals into one Airport na lang
  • Pag-construct ng MRT line papasok sa Airport
  • Kumpletuhin ang linya ng PNR mula Matnog, Sorsogon, hanggang Laoag at Tuguegarao at magbuo ng katulad na linya ng tren na iikot sa Mindanao
  • Ibalik ang Death Penalty para sa lahat ng Heinous Crimes, kasama na ang pag-manufacture ng Shabu, Kidnap for Ransom, Plunder, Political Assassination, Statutory Rape, Big-time Scams, Murder, Arson, Big-time Tax Evasion at iba pang mga kahalintulad na krimen.

Andami pa sanang pwedeng gawin ang isang Presidente para umayos ang kalagayan ng bansa natin pero 6 years lang ang termino niya. Hindi na rin siya pwedeng tumakbo ulit kaya, para matiyak na malaki ang tsansa na ma-sustain ang mga repormang ginawa niya, may isa pa akong gagawin — Ayusin ang sistema ng pulitika sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga sumusunod na reporma:

  • Ayusin ang Party-list system
  • Ayusin ang Party system
  • Gawing Parliamentary ang sistema ng gubyerno natin kapag malakas na ang Party System.

YUN LANG NAMAN PO. Hehehehe

Kayo? Ano gagawin niyo kung nagkataong kayo ang Presidente ng Pilipinas? 🙂

 

 

 

 

 

Kung ako ang Presidente…

Fiberglass bancas for Yolanda fishers!

Parang mahirap isipin kung paano maibabalik yung tinatayang higit 140,000 na mga banka na sinira ni Yolanda. Pero mahirap mang isipin, hindi pa rin nito napipigilan ang mga grupo at tao na pilit umaambag ng mga donasyong banka upang magkaroon muli ng kabuhayan ang mga kababayan nating mangingisda sa Visayas.

Halimbawa itong grupong ito, na itatago natin sa pangalang “Bituin ng Samar,” na walang-sawang kumakalap ng donasyon para makapag-pagawa ng mga fiberglass na banka na kanilang ido-donate sa mga mangingisda ng Eastern Samar.

Asteeg!

Saludo ako sa inyo, mga kapatid! Sana mas dumami pa ang inyong hanay! 🙂

IMG_0697

[fiberglass bancas drying in the sun]

IMG_0722

[mala-selfie ni Taroogs, katabi ang isa sa mga ginagawang fiberglass na banka]

Fiberglass bancas for Yolanda fishers!