VOTE WISELY, mga kapatids! :-)

Wisely” hindi lang pagdating sa mga pipiliing kandidato kundi pati na rin sa personal preparations for going to the polling precincts tomorrow. Ako, may checklist na ihinanda para mas mapadali ang pagboto ko bukas:

  • IDs
  • Name of Polling Center
  • Precinct Number
  • Payong
  • Tubig
  • Cellphone with Camera (huwag lang pipiktyuran ang Balota at bawal yun!)
  • Food (just in case)
  • Mahabang pasensiya 🙂

Bumoto din kayo ha?

VOTE WISELY, mga kapatids! :-)

Finally, makaka-boto na rin ako!

Medyo delayed yung excitement na nararamdaman ko. Pero di bale na… excited pa rin talaga ako. Kasi, sa darating na May 13 Elections, first time akong makaka-boto gamit ang Automated Election System!

OO, alam ko na 2010 pa ito unang ginamit, pero dahil sa trabaho ko noon ay laging wala ako sa lugar namin sa pag-patak ng araw ng botohan. In fact, since 2007, hindi pa ako nakaka-boto ni minsan! Akalain n’yo yun? Buti na lang at pursigido akong magpa-renew ng Voter Registration ko.

Nagbunga din ang pag-tiyaga kong pumila sa local COMELEC… kasi nasa Manila pala ako sa darating na May 13.

Makaka-boto na rin ako sa wakas!

Woohooo!! See you soon, PCOS! Don’t let me down! Kaya mo yaaan!

Dedma na sa mga haters mo. Di hamak naman na mas nagtitiwala ako sa’yo kaysa sa dating Manual System.

pcos-machine

Ilang tulog na lang… 🙂

Finally, makaka-boto na rin ako!

“Kung Meron sa Lotto, Bakit Wala sa Boto?!”

Yan ang tanong ng ilang mga kababayan natin sa gilid-gilid.

Bakit nga ba walang resibo yung gagawin nating “automated system” na pagboto? Bakit walang acknowledgment receipt, ika nga?

Hindi ba lahat ng klase ng transaksiyon ay meron nito?

  • Kapag nag-withdraw ka sa ATM, hindi ba’t may inilalabas ang makina na resibo ng balanse ng akawnt mo?
  • Kapag nagbayad ka ng inyong upa sa bahay, ‘di ba’t may iniaabot na resibo ang inyong kahera?
  • Kapag nagbayad ka sa counter sa grocery, ‘di ba’t tiyak may resibong kasama ang sukli mo?
  • At kapag tumaya ka sa Lotto, ‘di ba’t may iuuwi kang resibo na nagpapatunay na iyon nga ang tinayaan mong kombinasyon?!

Tama lang ang ganun, di ba?

Dahil gusto nating makatiyak na hindi tayo naloko… hindi tayo naisahan… na kapag nagkaroon ng aberya ay meron tayong hawak na ebidensya.

Pero ito bang pagboto natin sa darating na May 10 ay may ganito ring klase ng mga patunay?

WALA! Nada. Zilch. Wit Acheng!

Ano lang ang meron? Maglalabas ng mensahe ang PCOS sa display screen nito na nakalagay…

“Congratulations! Your Vote has been Registered!”

Aba’y %$@#&… Tama ba yun?!

Eh di parang ganito pala ang gustong mangyari ng COMELEC:

  • Kapag nagbayad ka ng upa sa bahay, ang sasabihin sa’yo ng kahera mo ay, “Wow, kongrats pare! Nagbayad ka ng upa niyo! Ambait mo talaga! Next month uli ha?
  • Kapag nagbayad ka sa groseri, ang hirit ng cashier ay, “Asteeg, tol! Binayaran mo yung mga binili mo! Galing mo! Come again ha?
  • Kapag tumaya ka sa Lotto, ang sasabihin nung tumanggap ng taya mo e, “Naaaks! Tumaya siya ng lotto! Ampowgi mo, brad! NEXT!

Again, itatanong ko sa inyo — TAMA BA YUN?!!!

Naalala ko tuloy yung sinabi ni Makoy Sr. dati… “Pinaboto na nga kayo, gusto niyo pang bilangin?! Demmit! Ver! Paki-salvage nga ‘tong mga kumag na ‘to!

😦

“Kung Meron sa Lotto, Bakit Wala sa Boto?!”

Di ba kapag FRAGILE, maingat dapat?

Kung hindi ako nagkakamali, ang mga electronic na gamit ay medyo sensitive — sensitive sa init, sa tubig, sa sobrang pagkaka-alog.

Kung hindi rin ako nagkakamali, ang tinaguriang PCOS (Precinct Count Optical Scanner) na siyang gagamitin sa May 10, 2010 Elections ay electronic equipment — ibig sabihin, may circuit board, may memory module at de-kuryente.

Ang tanong ko lang sa COMELEC (at sa kung sino man ang maku-kontrata nilang maghatid ng higit 80,000 PCOS machines sa lahat ng voting clusters/precincts sa buong Pilipinas)…

Mauulit ba ang mga eksenang ito na kuha noong idineliver yung mga voting machines na ginamit noong huling ARMM Elections?

Your Honors (kasama ka dito, kapatid)… What say you?!

Will everything turn out alright in the end?

Or are we looking at the prelude to a “Failed Elections” scenario?

😦

Di ba kapag FRAGILE, maingat dapat?