Sure Signs na PEKE ang isang Party-list!

Parami ng parami ang bilang ng mga Party-lists na medyo kaduda-duda ang dating.

Paano ba naman, dahil ginawang napakadali ng COMELEC para sa isang grupo na magpa-accredit bilang isang party-list, nag-uunahan tuloy ang mga peke, fly-by-night at pakawalang party-lists na makapasok sa Kongreso.

Pero don’t panic! May paraan naman para hindi tayo malusutan ng mga ganitong klaseng party-list.

We just need to know the indicators.

Kaya para makatulong, heto ang ilang SURE SIGNS na magpapatunay na, malamang sa hindi, PEKE nga ang isang party-list:

  • Nakikipag-agawan sa mga pangalang may numerong “1” o may maraming letrang “A” sa unahan — para mauna sa listahan (at sa balota, shempre). Halimbawa, 1-Ulam o AAA-Powtek
  • Sa tuwing elections lang nagkakaroon ng Office Address / Telepono / Fax / Email / empleyado. Kapag walang eleksyon, bahay ng nominee ang opisina.
  • Malayong-malayo sa sektor na kinakatawan ang mga nominees na pinipili — Halimbawa, Hipag ng Presidente ang naging kinatawan ng mga magbabalut!
  • Tumatabo ng pagkarami-raming boto sa mga di-inaasahang lugarHalimbawa, noong 2004, isang “Farmers Party” sa Visayas ang naging top-notcher sa Basilan! Hanep!
  • Naspecial-mention ito sa “Garci Tapes” na kasama sa mga party-list na “…inaayos para manalo.”
  • Pumipili ito ng pangalan na sounds-like (o halos kapareho na) sa pangalan ng kilalang party-list. Halimbawa, Kabayad, Anak Bayot, Akbwisit.
  • Gaya-gaya sa design ng campaign materials (kulay, fonts, size ng texts…)
  • Sapilitan palagi ang paglabas sa kanilang official Nominees List. Palibhasa ikinahihiya nila ang mga nakabili sa kanilang nominasyon.

Hindi ibig sabihin na kapag taglay ng party-list mo ang isang katangian sa listang ito ay PEKE na ito. Pero kung tatlong katangian na ang totoo… ay nako. tigilan nyo na yan ay BISTADO na kayo noh!

😦

Sure Signs na PEKE ang isang Party-list!

Re-elect AKBAYAN to Congress!

Dahil hindi fly-by-night na party-list ang AKBAYAN.

Dahil hindi pakawalang party-list ni GMA ang AKBAYAN.

Dahil hindi bumibili ng boto ang AKBAYAN.

Dahil hindi pabago-bago ang posisyon ng AKBAYAN sa mga mahahalagang isyu.

Dahil hindi nasusuhulan ang AKBAYAN.

Dahil hindi umaatras sa anumang laban ang AKBAYAN.

Dahil tunay na demokratiko ang AKBAYAN.

Re-elect AKBAYAN to Congress!

Has the Philippine party-list system become yet another arena of traditional, elite politics?

 

If there’s one thing that the recently concluded party-list elections has shown us it’s that the Philippine party-list system has definitely, and undoubtedly, been usurped by traditional politics.

 

The fact that the party-list system was intended to provide under-represented groups and sectors in society with a window, albeit a very small one, for their voices to be heard in the House of Representatives did not deter traditional politicians from imposing control over the party-list system.

 

The recent “sprouting” of party-list organizations, many of questionable origin and integrity, and the seeming eagerness of the Commission on Election (COMELEC) to accredit every single one of them does nothing to assuage the suspicion that, indeed, the party-list arena has already been targeted for domination by the Arroyo administration.


Magpatuloy magbasa “Has the Philippine party-list system become yet another arena of traditional, elite politics?”

Has the Philippine party-list system become yet another arena of traditional, elite politics?