Forever “Third World” na lang ba tayo talaga?!

At hindi lang ekonomiya ng Pilipinas ang tinutukoy ko. Mas pa yung mga pananaw at ugali natin bilang “Pinoy.”

Ilang dekada na kasi tayong nasanay sa ganitong mga pag-uugali, sa ganitong mga gawi. Hayan tuloy, parang “normal” na sila sa atin. In fact, we sometimes even celebrate them, rationalizing (read: make excuses for) them to bring out the so-called “positive aspects” of the trait.

Haaays. Tama ba yun? Alam nating mali ipipilit pa rin… for the sake of “identity?”Β It’s as if nababawasan ang pagka-Pilipino natin kung hindi natin ugaling maging ganito:

  • Mahilig sumingit sa pila o mag-lagay sa fixer para mapadali ang buhay. “Diskarte” daw kasi ito
  • Mahilig mag counter-flow sa kalsada kapag na-trapik.
  • Wagas kung bumusina. Akala mo bibilis yun paglipat ng ilaw mula red to green.
  • Tapon dito, tapon doon (na hindi naman ginagawa kapag nasa ibang bansa )
  • Pinupuna ang lahat, pwera ang sarili
  • Pag imported, laging mas mainam kaysa gawang lokal
  • Ihi ng ihi kung saan-saan
  • Galit sa kapwa — naba-badtrip kapag may nagka-counterflow, pero gawain din naman nya.
  • Laging iniisip kung anong magiging balik (ganansya, ika nga) bago gawin ang isang bagay

At kahit hindi pa masasaabing “ilang dekada na nating nakasanayan”… malamang dun din mauuwi itong ugali ng maraming Pinoy na matapang bumanat online pero tameme naman pag harapan na ang komprontasyon.

Haaaays!

😦

Forever “Third World” na lang ba tayo talaga?!

Mga paniniwalang nagbabago — hindi na bago?

May magandang kasabihan akong naalala nung isang araw.

Sabi kasi ng isang Henyo dyan sa gilid-gilid, mahahalata mo daw ang edad ng isang tao sa klase ng mga kasabihang pinaniniwalaan niya.

Siyangano? Agree ako.

Kahit adik yung Henyong yun… kahit gahaman siya sa alak… kahit dakilang mangne-nenok ng lighter yun, agree ako sa kanya πŸ™‚

Kasi nga naman, habang nagbabago ang lipunan natin, nagbabago din ang mga elemento nito — sining, wika, uso, awit, atbp. At kabilang na nga sa mga madalas magbago ay ang mga kasabihan, pamahiin at mga paniniwala.

Gaya halimbawa nito:

Kapag naka-laglag ka ng tinidor, may darating kang bisitang lalaki. Kung kutsara naman ang nalaglag, ang bisita mo ay babae.

Yan yung original. Uso na nung bata pa ako.

Recently ko lang nalaman na nag-evolve na pala siya.

Sabi nga ng isang kaopisina ko — na itago na lang natin sa pangalang “Alyas Ruffles” (hehehe) — kapag yung kutsara o tinidor na nalaglag ay nakataob, pangit daw yung bisita, at maganda naman kapag naka-tihaya πŸ™‚

Sabi din ng isa pang kaopisina — si “Alyas Boy Cannister” — pag naka-laglag ka ng spork, tiyak bading yung parating. At ibang usapin pa kung plastic ba yung spork o bakal!

Why not?! πŸ™‚

Mga paniniwalang nagbabago — hindi na bago?