Old Skool reminiscing…

Paminsan-minsan, nami-miss ko rin yung mga nagdaang panahon… nung panahong medyo bata pa ako… nung nasa eskwela pa (high school days, hindi college)… nung wala pa akong sobrang problema’t responsibilidad sa buhay.

In short, I miss the simpler days.

Days when:

  • I didn’t need to worry about money too much. Tanggap lang ng tanggap ng allowance (kahit bitin) mula sa mga magulang.
  • Not doing one’s assignment didn’t affect anyone else but yourself, thus not eliciting too much drama from classmates. Minsan nga, astig ka pa sa mata ng mga kaklase kapag pumasok ka ng walang dalang assignment.
  • It was way easier to say “NO” to added tasks… to additional work… unless you really wanted to get them.
  • Having your heart broken was a very big thing, something that can’t easily be drunk away (kasi going to class with a hangover will get you expelled), nor explained away (kasi no explanation ever sufficed to ease the hurt).

And finally,

  • It was quite easy to believe older people (read: parents, titos and titas, teachers, sisters and counselors) when they tell you that “you’re going far in life.”

This is me (indicated by the arrow), together with my classmates and Class Supervisor, sometime in 1985, wholly believing we were, indeed, going to go far.

🙂

Old Skool reminiscing…

Life without the Internet… posible pa ba talaga?

Aaminin ko… inabot ko yung panahon na nang nag-trabaho ako ay wala pang Internet. Well, technically, meron na pala… pero ibang-iba ang hitsura sa Internet natin ngayon. Medyo esoteric ang dating nung unang internet — iilang Pinoy lang talaga yung may alam kung paano siya gamitin. BBS (bulletin board services) pa lang yung messaging system at napaka-maproseso sobra.

Sa opisina namin dati, kahit may computers na (hindi naman ako ganon katanda), ang messaging ay mainly via faxes pa din at tawag sa landline (wala pa cellphones). Ang presentations naman, normally ay acetate at projector ang gamit, at kung medyo artistic ka (at may panahon), hand-painted visuals ang gagawin.

Kaya naman, ‘pag may mensahe ka sa ka-opisina mo sa kabilang kwarto, sasadyain mo siya… ku-kuwelyuhan, kakausapin. Ganun din ang siste sa pag follow-up. Harapan. Personalan.

Ngayon, iba na. Andaling magpadala ng message via text, facebook, email, chat. Ganun din sa follow-up. Minsan nga, kung kailangan (read: tinatamad ang mga utaws lumakad), sa ganung paraan na din ginagawa ang meetings.

Ang convenient! Ang bilis! Ang problema… pag may aberya sa Internet connection, nagha-hang din ang diskarte natin. Hindi na natural sa atin ang mag-fax ng dokumento (kung may fax machine nga yung padadalhan mo).

Kaya sa opisina ko ngayon, kapag biglang naputol ang Internet, isa-isang naglalabasan ng kani-kaniyang mga kwarto ang mga tao… nagtatagpo muli sa common area… nagku-kwentuhan… nagpapakilanlan na naman… parang mga antagal nang hindi nagkikita. hehehe.

Life without the Internet… posible pa ba talaga?