Kinabahan naman ako bigla sa ad na ‘to :-)

Di ko kasi sure kung ano exactly yung message na gustong ipaabot nung advertisement na nakadikit sa nasakyan kong tricycle sa mga makaka-basa dito:

  • na mura lang ang masahe sa kanila
  • na malapit lang ang spa nila
  • na feeling sexy ka pagkatapos magpa-masahe sa kanila
  • o na taga-Addams Family ang masahista nila

DSC_1186

'THE ADDAMS FAMILY' FESTER ADDAMS THEBLACKBOXCLUB.COM

 🙂

Advertisements
Kinabahan naman ako bigla sa ad na ‘to :-)

My ongoing “2/3rds-Life Crisis”

midlife-crisis2

Yes. Two-thirds. As in 1/3 na lang ang natitira sa total.

Mahirap kasing sabihin na “Mid-Life” yung Crisis kasi that would imply na sa tingin ko ay my life is half-way over at this stage. Kaso, if we go by Mathematics and an objective assessment of my current health, mahirap isipin na aabot ako ng 90 years hehehe.

So, mas realistic to say na, kung aabot ako ng 70 years, then my life is 2/3rds over na now… thus my undergoing a “2/3rds Life Crisis” at the moment.

Ok, now that that’s all cleared up… balik ako sa crisis na nararamdaman ko. Andami kasing sintomas… mostly psychological, I know, pero may ilan din na physical yung manifestation.

Heto na po ang litanya ng sintomas ko.  Haays 😦

  • Nahihilig nang maging “loner.” Tinatamad nang uminom, gumimik, o mamasyal.
  • Madalas nang nag-iisip ng mga “what ifs” — what if iba ang trabaho ko? iba ang pamilya ko? nag-abroad ako?
  • Andami nang sumasakit sa katawan — joints, ulo, mata, bangs, bulsa.
  • Madali nang ma-depress kapag may nakikita o nababalitaang nakakalungkot na bagay — halimbawa, yung pagsu-suicide ni Robin Williams at yung sunod-sunod na pagkatalo ng Gilas Pilipinas
  • Mabilis nang uminit ang ulo. Hindi na kasing haba gaya ng dati ang aking pisi.
  • Nauubusan na yata ng creativity — wala nang “mojo” for daily blogging
  • Masyado nang nagiging sensitive kapag binibiro ng pabalagbag
  • Mas inclined nang bumili ng “Big Bike” o Truck, na mga hindi masyadong family-oriented na sasakyan.
  • Mas madalas nang malito sa tamang gamit ng “Nang” at “Ng”

🙂

 

 

 

My ongoing “2/3rds-Life Crisis”

The Psychology of “Pila”

Pinoy ako. Pinoy ka din, ‘di ba? If yes, then I’m sure sanay ka nang pumila. Queuing is a way of life in the Philippines. Wala na sigurong magde-debate dun.

Ano ang madalas nating pilahan? Ewan sa inyo, pero ako, andami. As in.

Ano ang mga napilahan, pinipilahan at pipilahan ko sa buhay? Aber, isa-isahin ko nga:

  • Sakayan sa Dyip / Bus / Tricycle
  • Bayaran ng Tuition sa Eskwela
  • Bayaran ng Kuryente / Tubig / Credit Card / Cable
  • Takilya ng Sinehan
  • Cashier ng Grocery
  • Check-in sa Airport
  • Check-up sa Clinic / Ospital
  • Entrance ng Mall
  • Voting Station

Etcetera… etcetera… etcetera…

Pero ang nakakatuwa sa mga pagpi-pilang ito, andami mong matututunan tungkol sa ugali at personalidad ng mga kasama mo sa pilahan…basta marunong kang makinig, magmasid at makiramdam.

DSC_1166

Gaya nitong latest na pag-pila na ginawa ko kanina lang. Bayaran ng water bill. As usual, well-represented ulit ang lahat ng “usual personalities” sa nakikita sa mga pilahan. Mga taong:

  1. Reklamador
  2. Nagmamadali
  3. Matiisin at walang-imik
  4. Chikadora kahit sa mga hindi kakilala
  5. Asar sa “Seniors” at PWD na may sariling pila (na mas maikli)
  6. Palatanong
  7. Mahilig sumingit
  8. Umiispat ng Maganda/Pogi/Sexy sa pilahan
  9. Tawag ng tawag / Text ng text
  10. Nakikinig sa chumi-chika
  11. Dinidedma ang chumi-chika

Kayo, na-encounter na din ba ninyo ang mga ganitong tao sa pilahan?

At anong klaseng “mamimila” ka?

Ako? Siguro #3, #8 at #10 combined! 🙂

 

 

 

The Psychology of “Pila”

Not everything is “Made in China”

Siguro hindi ako nag-iisa sa feeling na sobrang dine-dehado na ng bansang Tsina ang Pilipinas.

Chinese-bullying-Filipino-cartoon

Una: parang ginagawa tayong pabrika ng mga iligal na droga ng mga Tsino. Andaming “safe houses” ang kanilang nire-rentahan at kino-convert para maging laboratoryo ng Shabu. At ang malala pa dito, kapag nahuli sila, biglang “nakaka-takas” naman.

Pangalawa: sinasakop nila ang mga isla natin sa Spratlys at Scarborough. Pilit nilang inaangkin ang mga ito at itinataboy ang mga maliliit nating mangingisda. Hina-harass. Binu-bugahan ng water hose.

Pangatlo: patuloy nilang nili-limas ang mga yamang-dagat/lupa sa teritoryo natin. Mga Pawikan. Taklobo. Seahorse. Corals. Mameng. Black Sand.

Pang-apat: bina-baha nila tayo ng mga mumurahin pero delikadong produkto — gatas na may Melamine, laruang may toxic content, mga piyesang mahina kaya’t suma-sanhi ng aksidente — at dinu-durog ang mga maliliit nating negosyante

Panlima: ginagawa tayong tapunan ng mga smuggled agricultural products — sibuyas, manok, bawang, carrots, atbp. — kaya nalulugi ang mga magsasaka natin.

Pang-anim: nakikipag-kuntsabahan sila sa mga korap at abusado nating pulitiko (pati ang dating Presidente) upang ma-protektahan lang ang interes ng kanilang mga negosyo dito sa atin.

Etc. Etc. Etc. Ad Nauseam.

At ang nakaka-inis pa lalo, sila pa ang may ganang magalit sa atin! Kesyo pinag-kakaisahan daw sila. Sinasadya daw sila. Nagpa-pasaway lang daw ang Pilipinas!

Anaknghinayupaknabullynasingkitnamanoo!!!

Pwes, mula ngayon, I swear… sa abot ng aking makakaya… ibo-BOYCOTT ko ang lahat ng produktong “Made in China!”

boycott-products-made-in-china

Mahirap itong gawin, OO alam ko. Sabi nga nila, “God made the World, but everything else is Made in China.”

Pero, I believe na if I really try, and as long as it is clear to me why I need to boycott China’s products, kaya naman siguro. After all, every little bit counts.

Kaya sinimulan ko na, in my own small way.

Para sa backyard gardening work ko, bumili ako ng asarol (garden hoe), garden trowel at pandilig ng halaman. Usually, sandamakmak na ganitong tools ang “Made in China.” Pero nag-pursigi akong humanap ng mga alternatives.

At tagumpay naman! Heto ang mga nabili ko:

Asarol na “Made in the UK” ang ulo (at Pinoy ang kahoy na katawan), Garden Trowel na “Made in Brazil“, at Pandilig ng Halaman na “Proudly Made in the Philippines!” Woohooo!

DSC_0975

DSC_1024

 Mabuhay ang Pilipinas! 🙂

Not everything is “Made in China”

Snuskuday!

Buong akala ko talaga na sa Sweden lang ginagawa ang Snus. Pero, apparently, kumakalat na ito sa mundo. For example, I got this new stash from a friend who recently visited from Los Angeles. May Snus din pala sa America! At “Marlboro” brand pa, ha!

DSC_0792

Pero heto ang mas weird… after more searching online, nalaman ko na may Snus na din pala sa Pilipinas! To be exact, ginagawa na ito sa Carcar, Cebu! Imagine, may “Pinoy Snus” na!

Pinoy Snus

Saan kaya ang outlet nito sa Manila? At magkano naman kaya ang isang can? 🙂

 

Snuskuday!

“Holy Week” ba ‘kamo?

senakulo

Medyo mahirap para sa akin to describe what “Holy Week” means to me now as opposed to what it mean’t to me when I was still young. Andami na kasing mga factors na naghalo-halo para maapektuhan ang appreciation ko dito. Pero if I trace back my life and note-down the relevant events that could have affected how I viewed “Holy Week,” parang ganito ang lumalabas:

Nung bata pa ako (Elementary School age and below):

  • Kabilang sa isang pamilya na “Sarado Katoliko”
  • Nag-aral sa Catholic Schools (una sa Legaspi, then sa Naga, then sa Paranaque)
  • Seryoso lagi ang ‘Holy Week’ — walang palabas sa TV, bawal ang maglaro, bawal ang karne, pinagagalitan kapag maharot o masaya

Nung binata na ako (High School):

  • Napasali sa ilang gawaing pam-Parokya dahil lang sa ‘peer pressure’
  • Napipilitang mag-Nobena’t mag-Rosaryo tuwing Biyernes kasama ang mga istriktong Tiya
  • May ilang mga ka-klase sa Catholic School na medyo pasaway
  • Nagsisimba na lang para makita ang barkada tuwing Linggo

Nung nagpupumilit nang maging mas-independent (College hanggang early working days):

  • Pumasa at pumasok sa UP sa kabila ng babala ng mga Tiya kong takot sa “Komunista”
  • Feeling “baboy na nakawala sa kural” bigla
  • Napalapit sa mga isyung pulitikal at nabarkada sa mga aktibista
  • Nabawasan ang pag-simba hanggang sa tuluyang huminto

Nung may sariling pamilya na (nang ikinasal at nagkaroon ng unang anak):

  • Busy na sa paghahanap-buhay
  • Andami nang tanong tungkol sa Relihiyon at sa mga namumuno dito

Ngayong dalawa na ang anak (at baka madagdagan pa):

  • Mas busy na lalo sa paghahanap-buhay
  • Tunay na naniniwala sa kahalagahan ng Reproductive Health Law
  • Mas lalung dumami ang tanong tungkol sa Relihiyon at sa mga itinuturo nito

So, ano para sa akin ang “Holy Week?”

Ang hirap namang sagutin yung tanong na ‘yun 😐

“Holy Week” ba ‘kamo?