“‘Tay, utay-utay… aayusin mo ang bahay.”

Yan palagi ang dialogue ko sa sarili kapag nade-depress ako gawa ng hindi maka-ipon ng sapat na pera para mapa-ayos ang lahat ng mga dapat ayusin sa aming bahay.

Medyo luma na kasi yung bahay namin (circa 70s pa) at hindi na kayang itago ng pintura at ng mga halaman ang mga “signs of old age” nito.

100_6491

Pangarap namin ni Misis na mapa-ayos siya at mapalakihan para maging mas livable para sa mga anak namin.

Ano ang mga dapat ayusin? Heto ang nasa lista ko (ewan lang kung pareho kami ng lista ni Misis):

  • bagong kisame
  • bagong bubong
  • bagong mga tubo
  • bagong wiring
  • bagong gate
  • bagong aso
  • bagong mga pintuan
  • bagong window grills
  • isa pang kwarto
  • bagong kusina
  • isa pang CR
  • bagong linya ng telepono
  • bagong landscaping sa harap
  • bagong vegetable garden sa likod
  • bagong kapitbahay sa kaliwa namin
  • bagong appliances
  • bagong supplier ng tubig
  • bagong garahe
  • bagong pintura…

(hinga ng malalim…Powtek! Konti na lang pala, BAGONG BAHAY  na ang mangyayari. 🙂

“‘Tay, utay-utay… aayusin mo ang bahay.”

Bakit ngayon lang ako nag-Bucket?

As in Bucket List.

Matagal na itong ginagawa ng mga tao, sikat man o ordinaryo. Yung iba nga, dahil sa ka-asteegan ng mga gustong gawin sa lista nila, pumapatok yung listahan online, lalu pa’t nagawa na pala nila yung mga naka-listang plano.

Pero hindi lang pala ito simpleng pag-lista ng mga gusto mong magawa bago mo lisanin ang mundong ito — “before you kick the bucket,” ika nga nung lumang English Idiom, which is a euphemism for dying.

Ayon sa grupo ng mga Finnish (yun o! related pa din sa katapusan. hehehe) na nagpasimula ng bucketlist.net, mahalaga din na tulungan mo ang ibang tao na matupad ang kanilang Bucket List habang nagpupursigi ka na matupad ang sarili mong listahan.

Bayanihan pa din, ano po? At huwag daw kalimutang pasalamatan ang mga taong tumulong sa’yo upang matupad ang iyong mga pangarap.

bucket-list

Matagal ko nang naiisip na gumawa ng sarili kong Bucket List pero laging napapaliban. Pero nang nabasa ko kahapon yung lista ni kapatid na Tetrara, na-inspire akong gawin na finally yung lista ko.

Kaya, heto na ang aking Bucket List (in no particular order):

  • Maging certified Scuba Diver.
  • Learn enough masonry skills to do simple house renovations.
  • Teach my 2 kids at least one very important life-skill each.
  • Learn Burmese.
  • Tour Burma.
  • Visit Jamaica.
  • Visit Vietnam.
  • Organize a week-long beach vacation for the entire family.
  • Invest in a farm.
  • Learn how to fish, mangingisda-style.
  • Set-up a saltwater aquarium.
  • Join a bike marathon.
  • Learn to ride a motorcycle (then buy one).
  • Complete my collection of Tolkien and Asimov books.
  • Go on an ocean cruise with my Wife.
  • Study Buddhism.
  • Become a Vegetarian.
  • Get my left ear pierced.
  • Full-sleeve tattoos.
  • Laser vision correction surgery (LASIK).
  • Help my Wife and 2 Kids with their own bucket lists!

Grabe. Nakaka-adik pala neto! Ansarap kasing gumawa ng lista. 🙂

Bakit ngayon lang ako nag-Bucket?

Bakit ayaw kong tumira sa Pinas (part 1 of 2)

Mawalang-galang na po sa mga tao na naniniwala sa prinsipyong “right or wrong, my country,” na kung ita-translate loosely to Tagalog ay “nasa tama man o mali, sa bansa ko pa rin ako hahanay!”

Patriotic talaga kung pakikinggan, at marami ring pagkakataon na applicable siya. Pero hindi sa lahat… Hindi sa lahat.

Minsan, dahil nga sa mahal mo talaga ang iyong bayan, kailangan mo itong punahin… pagalitan… paluin (kung pupwede lang talaga)… o di kaya’y parusahan.

Ang hirap kasing palaging kinukunsinti ang kamalian.

Parang magulang at anak lang yan.

Kaya, mahal kong Pilipinas…

ANYAAAARE?!

Natagurian kang isang “demokrasya,” puro naman vote-buying kaliwa’t-kanan!
Bidang-bida ang “hospitality” mo sa mga dayuhan, napaka-inhospitable mo naman sa ilang sektor ng iyong sariling mga mamamayan!
Tampok ang disiplina ng mga Pinoy kapag nasa ibang bansa, dito naman sa atin, daig pa nila ang mga baboy na nakawala sa kural!
Bastyon ka ng relihiyon (katolisismo, kristiyanismo at islam), pero parang pinamumugaran ka ng mga demonyo!
Andaming mong mga matatalinong tao, puro naman sa kalokohan ginagamit ang talino!
Biniyayaan ka ng sandamukal na likas-yaman, unti-unti mo naman itong binabasura’t dinudurog!
Andaming reklamador…
Andaming bastos…
Andaming mayayabang…
Andaming utak-pulbura…
Andaming kawatan…
Andaming adik…
Andaming baliw…
Andaming trapo…
Andaming manyak…
Aray ko ampusokoh.

Unhappy face

Bakit ayaw kong tumira sa Pinas (part 1 of 2)

Dumating din, sa wakas!

Natupad din after 6 months yung pangarap ko!

Grabe talaga! Antagal kong hinihintay na dumating yung order kong bag from abroad. Akala ko hindi na darating… baka kako nawala in-transit… nahulog sa barko (or eroplano)… na-pitik ng kargador (o delivery boy/girl)… kinain ng aso…

Sensya na at likas lang talaga akong praning at pala-duda. Bunga na rin siguro ng past experiences ko sa buhay vis-a-vis deliveries and such.

Ilang beses na rin kasi akong nawalan ng package o gamit. The latest one was when I lost a flashlight from my bag after I checked it in sa airport… but that’s another story.

Ang mahalaga ay, this time, nakalusot yung package ko without any major aberya. Well, at least sa delivery side walang aberya. Nadale kasi ako sa tax sa Post Office (pero that, too, is another story).

Got my “Doomsday Prepper” bag na!

Photo0694

Next order in the list: “Anti-Zombie” palakol naman 🙂

Dumating din, sa wakas!

Mana sa Tatay moment #75

May kakaibang kinang yung mga mata ni Dear Dawter nang makita niya na may bagong deskfan na uwi si Nanay. Akala ko pa naman na natuwa siya at may sariling electric fan na siya… mali pala ang akala ko.

Yung karton pala nung electric fan ang puntirya niya!

Konting gupit… kulay… sinulid… pandikit… tiklop… props… at sandamakmak na imahinasyon — naging expanding dollhouse bigla yung karton!

100_3704

100_3714

Hanep, anak! Gandang display ng creativity (panalo yung folding volleyball court) at perseverance (natiis mo ang pangungulit ni bebehboi).

Manang-mana ka talaga kay Tatay! Hehehehe.

So, Architecture o Engineering na ba ang pag-iipunan naming pan-tuition mo ni Nanay? 🙂

Mana sa Tatay moment #75

Chesa. Tieza. Cheza. Ah basta yung mapakla!

Parang mali yung timing ng pag-trim namin sa Puno ng Chesa sa aming bakuran. Summer kasi… baka mahirapan yung puno na maka-recover.

Pero walang choice — sumasayad na yung mga sanga niya sa mga kawad ng kuryente… tapos huma-hampas siya lagi sa bubong namin… at pinaka-mahirap sa lahat… nadudumihan lagi yung bakuran ng kapit-bahay. Hehehehe.

So tabas ang inabot niya.

100_3579

Actually, na-inspire kami sa pagtabas kaya nadamay din yung aming Mangga (pero that’s another story). Buti na lang kamo at likas na survivor ang puno ng Chesa… mabilis magpakawala ng mga bagong sanga (ilang araw lang ang pagitan ng 2 fotos na ito).

100_3616

So, kampante akong hindi siya mati-tigok. Yun lang, matagal ulit bago siya mamunga. Sayang… ang ganda pa namang tingnan ang mga hinog na Chesa.

100_3581

Oh well. Ganyan talaga ang buhey 🙂

Chesa. Tieza. Cheza. Ah basta yung mapakla!

Taroogs’ “Hierarchy of Needs”

Ayon kay Kumpareng Maslow, ang buhay ng isang tao daw ay governed ng isang “Hierarchy of Needs” o yung iba’t-ibang mga pangangailangan ng isang tao para siya’y mabuhay ng masaya, kuntento at mapayapa. Nagre-range ito mula simple survival hanggang self-actualization o yung pagiging isang ganap na tao (however we define that).

Maslow

OK naman sana ito pero inamin din ni Maslow na ang naging basehan ng kanyang research ay ang “healthiest 1% of the college student population” ng America nung 1940s.

Hmmm… parang maraming posibleng kaibahan ang kanyang test population sa atin ano? Hehehe. Pero hindi bale. As a guide ay mahalaga pa rin naman ang theory niyang ito.

Pero napapaisip tuloy ako. Ako ba… ano ang “hierarchy of needs” ko?

Maliban sa the need to survive (which is paramount, otherwise walang Taroogs dine sa mundong ibabaw), ang ibang needs ko (from the top of my head and in no particular order) ay:

  • family
  • friends
  • love
  • beer
  • knowledge
  • successful career
  • health
  • rest and recreation
  • spirituality
  • sex
  • money
  • security
  • house and lot
  • mountain bike
  • excercise
  • pets
  • respect
  • self-confidence
  • extra rice
  • humor

OO. Alam ko na ang iba dito ay “wants” at hindi “needs” pero bakit ba? Post ko ‘to eh. 🙂

Kayo? Ano “Hierarchy of Needs” ninyo?

Taroogs’ “Hierarchy of Needs”