Why can’t we all just get along?

Ang init ng panahon, Powtek! At mas lalung umiinit siya kapag sinasabayan ng away… ng gulo… ng stress… ng sumbat… ng sisi…

Pero may pag-asa pa naman na umayos ang mundo, di ba? Ako umaasa na OO, magiging mapayapa din ang mundo balang-araw.

  • Magiging kalma din ang mga tao…
  • Tatahimik din ang pulitika sa Pilipinas…
  • Magbabati din ang mga Noranians at Vilmanians…
  • Magko-cooperate din ang Tsina at Pilipinas sa pag-maximize sa natural resources ng Spratlys…
  • Magpipirmahan din ng TOR ang US at Iran para sa peaceful nuclear energy development…
  • Magbubuklod din ang Israel at Palestine at magbubuo ng bagong homeland for both Jews and Muslims…
  • Magiging magkaibigan din ang dati’y palaging nagpapatayan 

🙂

‘Di naman bawal mangarap, ‘di ba?

Advertisements
Why can’t we all just get along?

Milagrosong Mangga sa aming bakuran?

Pamilyar naman siguro kayo dun sa mga nakikitang banal na imahe sa pang araw-araw na mga bagay ano? Halimbawa, yung mga silhouettes ni Jesus o ni Mother Mary o ni Santo Nino na misteryosong sumusulpot sa talulot ng rosas, sa mga clouds, sa pader, sa puno…

Tulad halimbawa ng mga ito.

Wala akong comment sa mga litratong ito. If people believe them, it’s their right to do so. The same is true for people who don’t believe in such things. Live and let live, ika nga ng mga henyo d’yan sa gilid-gilid.

Pero baka nga totoo rin, ano? Lalu’t kung may personal experience ka on the matter.

Gaya halimbawa nung nakita ko sa isang bunga ng punong-mangga sa bakuran namin nang kinunan ko ng litrato yung isang bungkos. Nang nire-review ko na yung shot, napansin kong may imaheng naka-kubli sa isang mangga!

Kayo na po ang humusga.

Di ba kamukha niya si Majin Boo?

🙂

Milagrosong Mangga sa aming bakuran?

Para maiba lang…

Mahirap ang buhay… andaming mas mahalagang gastusin na dapat paglaanan ng budget.

Pero mahalaga din naman ang Parol, di ba? Kaya 2 years ago ay bumili ako ng kauna-unahang Capiz Parol ng aming pamilya. Ansaya-saya ng Dear Dawter ko nung unang binuksan yung kumikuti-kutitap niyang mga ilaw.

Pero ngayon, after 2 years, tila bored na si Dear Dawter sa aming parol. Di rin yata impressed ang aming bagong Bebehboi. Bakit daw walang ibang kulay?

Kaya hayun… dahil matalino ang kanilang Ina (at matipid din, obviously. hehehe), PULA na ang parol namin!

Yehey! Mabuhay ang cellophane! 🙂

Para maiba lang…