Mga paniniwalang nagbabago — hindi na bago?

May magandang kasabihan akong naalala nung isang araw.

Sabi kasi ng isang Henyo dyan sa gilid-gilid, mahahalata mo daw ang edad ng isang tao sa klase ng mga kasabihang pinaniniwalaan niya.

Siyangano? Agree ako.

Kahit adik yung Henyong yun… kahit gahaman siya sa alak… kahit dakilang mangne-nenok ng lighter yun, agree ako sa kanya 🙂

Kasi nga naman, habang nagbabago ang lipunan natin, nagbabago din ang mga elemento nito — sining, wika, uso, awit, atbp. At kabilang na nga sa mga madalas magbago ay ang mga kasabihan, pamahiin at mga paniniwala.

Gaya halimbawa nito:

Kapag naka-laglag ka ng tinidor, may darating kang bisitang lalaki. Kung kutsara naman ang nalaglag, ang bisita mo ay babae.

Yan yung original. Uso na nung bata pa ako.

Recently ko lang nalaman na nag-evolve na pala siya.

Sabi nga ng isang kaopisina ko — na itago na lang natin sa pangalang “Alyas Ruffles” (hehehe) — kapag yung kutsara o tinidor na nalaglag ay nakataob, pangit daw yung bisita, at maganda naman kapag naka-tihaya 🙂

Sabi din ng isa pang kaopisina — si “Alyas Boy Cannister” — pag naka-laglag ka ng spork, tiyak bading yung parating. At ibang usapin pa kung plastic ba yung spork o bakal!

Why not?! 🙂

Mga paniniwalang nagbabago — hindi na bago?