Ang kakaibang aritmetik ng mga barker at TODA.

Hindi ko kasi alam kung sino ang dapat magtalaga kung ilan nga ba talaga ang dapat lamang pasahero ng isang dyip, fx, o tricycle — ang tsuper ba, ang barker, ang LTFRB, ang MMDA, si Meyor, o si Lord?

Bad trip kasi minsan yung siksikan na kayo sa dyip tapos nagpipilit pa yung barker na “tatlo pa! tatlo pa! konting ayos lang ng upo! sampuan yan!

siksikan

Huwaaat?! Sampuan?! Sampung ano — sampung bata? O baka naman sampung sanggol? Masikip na kuya! Nangingimay na puwet ko sa kaka-siksik!  Utang na loob, larga na tayo!

Haay nako. Kung ako lang ang presidente, sosolusyunan ko agad ang ganito. Paano ‘kamo? Simple! Sa pamamagitan ng mga sumusunod na batas:

  • Bawal na ang mga lowered o racing tricycles na mamasada. May itatalagang “official tricycle design” ang LTFRB na dapat sundin bago makakuha ng linya o prankisa.
  • LTFRB ang magsasabi kung ilanan ang sakay ng isang dyip (at naka-pintura ang bilang na ito sa magkabilang-bahagi ng dyip in BIG, BOLD numbers).
  • Bawal nang mamasada ang kakarag-karag na dyip at bus. Lalu na yung nakatagilid na kung umandar, punit-punit ang upuan, o sobrang dilim ang loob.
  • Bawal ang smoke-belcher (sasakyan man, drayber, o pasahero).
  • Bawal ang sobrang lakas na busina sa bus. Ang pasaway na drayber, 10 beses bubusinahan ng sariling bus habang nakadikit ang tenga sa bandang harap ng bus.
  • Bawal ang mga adik o ‘gangsta’ na barker.
  • Lahat ng TODA terminals ay dapat may katabing post ng Bgy. Tanod.
  • Bawal ang trip-cutting sa dyip (pwera lang kung ma-flat, ma-aksidente, o atakehin sa puso ang drayber).
  • May “secret marshals” dapat sa lahat ng bus at fx.
  • Isisiwalat sa national media ang lahat ng padrino ng Kolorum.
  • Magkakaroon ulit ng mga bus na gubyerno ang magpapatakbo.

Siya nawa. 🙂

Advertisements
Ang kakaibang aritmetik ng mga barker at TODA.

Taroogs’ Ultimate Tips: Commuting via Jeepney

First, a disclaimer. “Ultimate” ito not for the sheer usefulness of the tips presented; rather, wala na talaga akong maisip na ida-dagdag pa (pigang-piga na ang utak ko).

OK. Klaro yun kaya heto na… in random order… my “ultimate” tips for commuting via jeepney:

  • Magdala lagi ng barya (if not the exact fare). Bad trip sa drayber (at sa ibang pasahero) yung nagbabayad ng 500 or 1000 Pesos for an 8 Peso trip.
  • Huwag maging magarbo. Itago muna ang alahas, relos, celphones, ipads, etc habang bumibyahe. Bahala ka…
  • Gamitin mo headset/earphones mo. Hindi lahat ng pasahero ay gustong marinig ang paborito mong kanta o TV show.
  • Pumili ng jeepney na sasakyan. Iwasan ang mga sumusunod: masyadong madilim ang loob, naka-tagilid ang katawan, mukhang kaskasero/lasing/adik ang drayber, sobrang lakas ang sounds…
  • Pag-isipan kung saan uupo sa loob ng jeep: mga delikadong puwesto ay harapan at dulong labasan. Sit opposite sa incoming traffic. Ibig sabihin, sa two way street, sa bandang kanan ng jeep ka umupo.
  • Mag-abot ng pamasahe ng nakiki-suyo. Bigayan lang yan. Bad trip to the max ang mga nande-dedma ng paabot.
  • Huwag matulog sa biyahe. Jeepney yan, hindi sinehan. Kung hindi maiiwasan, yakapin ng todo ang bag. At pag lumampas sa babaan, huwag mag-drama. Natulog ka eh.
  • Ingatang huwag mang-apak ng paa. Pero kung nakahambalang talaga sa daanan mo kahit nag-iskyusmi ka na, ikaw na tumantsa… mas malaki ba sa’yo? Mas maraming tato?
  • Pagbigyan ang mga matatanda, buntis, may dalang sanggol o may kapansanan. Umusod ka na. Huwag mo nang papuntahin pa sa duluhang upuan.
  • Huwag pumara sa maling babaan/sakayan. Huwag ding bababa/sasakay sa umaandar pang jeep.
  • Maging magalang para galangin ka din. Hindi naman mahirap banggitin ang “Po” di ba?
  • Sa pagsakay, tingin lagi sa likod. Baka may rumaragasang sasakyan na paparating, maipit ka pa.
  • Kung malaki ang pamilya mo, tapos marami pa kayong bitbitin, at may extra namang pera, mag-taxi na lang kayo. Maniwala ka… andaming aberya sa jeep ang maiiwasan kung gagawin mo ‘to.
  • Planuhin ang oras ng pag-sakay. Kung flexi-time ka naman, iwasang makipag-sabayan sa mga pumapasok/umuuwi na estudyante. Outnumbered ka nila kahit anong gawin mo.
  • Kahit nakaka-awa sila, iwasang magbigay-limos sa mga batang pulubi na umaakyat ng jeep. Delikado ang ginagawa nila.
  • Huwag masyadong reklamador. OO nga’t siksikan, mainit/maulan, maingay, mabaho, ambilis, ambagal ng biyahe… isipin mo na lang… “at least hindi ako naglalakad mula Philcoa hanggang Fairview!“:-)

Taroogs’ Ultimate Tips: Commuting via Jeepney