Burma “day trip” numbah one… t’yak masusundan!

Pinalad ako recently to finally set foot on Burmese soil. Nagkataon kasi na sa huling pagdalaw ko sa Mae Sot, Thailand (isang border town na katabi ng Burma), bukas na pala yung “Friendship Bridge” na nagdidikit dito sa katabing bayan ng Myawaddy sa Burma!

Ilog lang ang pagitan ng dalawa pero ilang taon din itong naging “no man’s land” gawa ng pagsara dito ng pamahalaan ng Burma. Naging “bridge to nowhere” tuloy siya — andun lang… pwedeng tingnan, pero di pwedeng tawirin. At kung gala kang tao tulad ko, alam mo kung gaano nakaka-inis ang ganung feeling. 🙂

Kaya nung nabalitaan ko na ligal na ulit ang tumawid sa tulay, di na ako nag-atubili pa! ‘Weno kung may bayad pala na 500 Baht yung stamp ng Burmese Immigration Office?! Gogogo!

At shemps, sa pagtawid, may order of priority na agad ako:

1. Ispatan ang Templo (SUCCESS! merong isa na malapit lang sa tulay. 5 minutes na lakad lang.)

2. Tikman ang Local Beer (SUCCESS! mabuhay Myanmar Beer! Probably the best beer in Burma — ayon na din sa tinderong nagbenta nito sakin. Hehehe…)

3. Tikman ang Local Food/Pulutan (SUCCESS! Kakaibang “dinuguan” ang na-enkwentro ko dun — may dugo talaga! Pati chopsticks ko namula.)

4. Bumili ng Souvenirs (SUCCESS! andami kong abubots na dala pabalik ng Pinas — bagong bandila ng Myanmar, local beer in cans, local currency: Kyats)

5. Libutin ang Talipapa (SABIT! naubusan ako ng oras. Bawal palang abutan ng dilim ang mga dayuhan sa Myawaddy. Pinapa-uwi ang lahat pagdating ng alas-6 ng gabi.)

Heniweys, alam ko na ang gagawin sa susunod. Unahin ang Talipapa Tour!

Until next time, Myawaddy! Hu’s yo Daddy?! 🙂

Burma “day trip” numbah one… t’yak masusundan!

Kelan ka huling nag-nganga? :-)

I admit hindi na masyadong common ang katanungang yan nowadays. Pwede siguro kung 1960s ang setting (kung kelan ayon sa Lolo ko dati ay uso pa ang nga-nga sa ilang komunidad sa Maynila), or kung dalawang taga-Cordi ang nag-uusap.

Kaso hindi eh. It’s Nov. 22, 2011… Wala na Lolo ko… and I’m in Quezon City.

So, what gives, you ask?

Heto. My wonderful Burmese friends at Mae Sot, Thailand, sent me an entire jar of pre-wrapped “Kun” (betelnut/nga-nga) for my enjoyment! [A short backgrounder: I quit smoking more than 3 years ago and now content myself with the occasional Swedish Snus — when I can get some. In Mae Sot, I saw many young Burmese students contentedly chewing on betelnut and obviously enjoying themselves. Me being me, I asked to try some and got hooked just like that.]

Asteeeg!

Kakaibang lasa… malupit ang tama sa ulo… mabilis ma-lanta pag mainit ang panahon.

Help! 🙂

Kelan ka huling nag-nganga? :-)

Isa sa mga inspirasyon ko sa buhay.

Hindi pwedeng ipakita ang kanilang mga mukha. Hindi rin pwedeng pangalanan ang mga batang ito. Kaya ipapakilala ko na lang sila sa inyo sa pamamagitan nito…

Litrato ng kanilang mga paa… mga paang pilit ipinagkakasya sa loob ng taling straw na ibinilog sa sahig (isa sa mga activity na kakabit ng Leadership Seminar).

‘Onga pala… hindi sila mga Pinoy. Sila’y mga Burmes. At isang beses kada buwan ay nakakapiling ko sila, kasama ang ilan sa mga ka-opisina ko, sa Thailand.

Sila’y mga political refugees. Pansamantala silang lumabas ng kanilang bansa para iwasan ang matinding represyon sa ilalim ng Military Junta na kasalukuyang naghahari sa Burma.

Lumabas sila at iniwan ang kanilang mga pamilya ‘di para talikuran ang kanilang laban kundi para magpalakas, magpahinga at mag-aral… upang sa kanilang pagbalik sa loob ay mas pursigido nilang maisusulong ang pakikibaka tungo sa paglaya ng Burma.

Idol ko silang lahat.

FREE BURMA!

Isa sa mga inspirasyon ko sa buhay.

Minsan ‘di ko talaga maiwasang manliit…

Mas matangkad ako kaysa sa average na Pinoy (‘average’ yung operative word, ha? Meaning hindi kasama sina Bonel Balingit, et al.)… at di hamak na mas malapad ako kaysa sa karaniwang tambay sa kanto (tandaan, hindi ‘karaniwan’ yung mga kasali sa Biggest Loser, okey?)

Pero may ilang pagkakataon talaga na hindi ko maiwasan ang manliit…

Gaya nito:

At ito:

Parang “average” kuto lang me 🙂

Minsan ‘di ko talaga maiwasang manliit…

Free Burma Now!

To visit Burma has been a dream of mine since decades back. Why? Because of one lady in particular — Daw Aung San Suu Kyi.

Her years of struggle to lead the freedom-loving Burmese people from military tyranny to democracy has been an inspiration to many people around the world, me included.

She is like Nelson Mandela in her ability to unite people…

She is like Mahatma Gandhi in her patient, non-violent approach…

She is like the Dalai Lama in the respect accorded her by her followers…

Daw Aung San Suu Kyi is Burma.

Let us use our freedom to fight for theirs!

FREE BURMA!

Free Burma Now!

Mga lugar na NEVER kong pupuntahan.

I admit na medyo mahirap talagang magsalita ng tapos… what may be true today may not necessarily still be true tomorrow. So i’ll qualify my title statement na lang.

Heto ang mga lugar na never kong pupuntahan SA NGAYON.

Of course, my admiration for our OFW Kababayans who still continue to go to these places para lang kumita ng pera para sa kanilang mga pamilya cannot be emphasized enough.

Pero, given the choice, I’ll do my best to avoid going (or being  deployed) to the following places at all cost: Magpatuloy magbasa “Mga lugar na NEVER kong pupuntahan.”

Mga lugar na NEVER kong pupuntahan.

Paulina Gaitan Rocks!

I saw this film on HBO the other day and was positively blown away!

The story-telling was riveting and the actors entirely believable. But it was one of the protagonists who was the absolute star — Paulina Gaitan, who played the role of Sayra, was not only very sympathetic, her way of acting was near flawless, without the usual “pagka-OA” we Pinoys have come to expect from young actresses like her.

Sin Nombre (Without Name) puts to film the tragic story of one Honduran family seeking to enter the United States illegally via Mexico. Their desperate voyage — beset by violent gangs (the Mara Salvatrucha), exploitation and by the indifference and, sometimes, utter contempt shown by the people they encounter along the way — forces the viewer to confront issues normally hidden from the public’s view.

I won’t ruin the experience for you by telling you how the film ended. Suffice it to say that it was with a bitter-sad-hopeful tone 🙂

Get your hands on a copy now! I did!

Sana man lang meron tayong aktres na kasing galing ni Paulina.

Paulina Gaitan Rocks!

About that Korea thing…

‘Di ko alam kung naging isyu din sa inyo yung recent na pagkikick-out ng South Korea sa ilang aktibistang Pinoy na pumunta sa kanilang bansa upang makiisa sa mga gagawing aktibidad kontra sa papalapit na G-20 Summit.

Sa’kin oo. Malaking isyu.

Nakakagalit. Nakaka-insulto. Nakakaasar.

Meron na pala silang “list of undersirables” eh bakit binigyan pa ng visa yung  mga Pinoy ng kanilang embassy dito? Anlaking gastos para sa wala lang? At the very least eh i-reimburse nila yung pamasahe nung mga tao!

‘Saka dapat bang i-manhandle ng airport security yung isang mang-aawit para lang maisakay sa eroplanong magre-repatriate sa kaniya pabalik sa Pilipinas? Hindi, di ba?

Gusto ba nilang gawin din natin yun sa mga kababayan nila dito?

  • Sa mga Koryanong nagwawala sa bar kapag lasing na?
  • Sa mga Koryanong akala mo ay hinahabol ni Kim Il Sung sa bilis mag-drive sa kalsada?

Shempre hindi rin. At hindi talaga natin yun gagawin kasi hindi tayo ganung klaseng tao.

Pero bad trip pa din talaga.

Marami pa namang mga tao at bagay na Korean (o may kinalaman sa Korea) na kinatutuwaan ko…

  • jjampong instant noodles
  • wondergirls
  • sandara park
  • k-pop
  • jason bang
  • yung “pag-diskubre” nila kay charice pempengco
  • soju
  • kimchi, bulgogi and bibimbap
  • taekwondo
  • korean cars (hyundai, daewoo, kia)
  • samsung cellphones, laptops and audio-visual electronics

Tsk.

About that Korea thing…