kapag nawawala ang “blogging mojo” mo…

… don’t panic.

Normal lang yan.

Kung yung mga batikang manunulat nga ay dumadaan sa tinatawag na “writer’s block,” tayo pa kayang mga hamak na (non-professional) bloggers pa?

Kaya relax lang… take a break… (at kung meron kayo) have a kitkat 🙂

Gawin lang ang mga sumusunod at tiyak — babalik din ang “blogging mojo” ninyo:

  1. Alalahanin nung una kayong nagsimulang mag-blog. Sariwain yung excitement at tuwa nang ma-publish ninyo ang inyong post.
  2. Try to remember what you felt when you got your very first comment.
  3. List down in your mind your favorite bloggers… yung mga nag-inspire sa’yo na mag-blog din.
  4. Remember past incidences of “blogger’s block” and what you did to get past them.
  5. Isipin ang mga Pros and Cons ng iyong pagba-blog. Alin ang mas matimbang? Why not blog about that muna? Malay n’yo, ito ang mag jump-start ng inyong blogging mojo?
  6. Isipin ang mga kaibigang nagba-blog din. Payag ka bang mapag-iwanan? 🙂
  7. Set a realistic target (emphasis on ‘realistic’) — pwedeng number of blogs per week, o number of views per day, o ang malampasan ang total views ng blog ng kakilala mo… bahala ka. Basta yung challenging for you — at piliting maabot ito.
  8. Kung bored ka na sa look ng blog mo, palitan mo ang design. Daming templates d’yan (both for wordpress and blogspot).
  9. Ang when all else fails at hindi ka pa rin ma-inspire na mag-post ulit… dedma muna sa posting! Mangulit ka na lang muna sa blog ng may blog!

Ayos? Ayos!  🙂

Advertisements
kapag nawawala ang “blogging mojo” mo…

Isa sa mga inspirasyon ko sa buhay.

Hindi pwedeng ipakita ang kanilang mga mukha. Hindi rin pwedeng pangalanan ang mga batang ito. Kaya ipapakilala ko na lang sila sa inyo sa pamamagitan nito…

Litrato ng kanilang mga paa… mga paang pilit ipinagkakasya sa loob ng taling straw na ibinilog sa sahig (isa sa mga activity na kakabit ng Leadership Seminar).

‘Onga pala… hindi sila mga Pinoy. Sila’y mga Burmes. At isang beses kada buwan ay nakakapiling ko sila, kasama ang ilan sa mga ka-opisina ko, sa Thailand.

Sila’y mga political refugees. Pansamantala silang lumabas ng kanilang bansa para iwasan ang matinding represyon sa ilalim ng Military Junta na kasalukuyang naghahari sa Burma.

Lumabas sila at iniwan ang kanilang mga pamilya ‘di para talikuran ang kanilang laban kundi para magpalakas, magpahinga at mag-aral… upang sa kanilang pagbalik sa loob ay mas pursigido nilang maisusulong ang pakikibaka tungo sa paglaya ng Burma.

Idol ko silang lahat.

FREE BURMA!

Isa sa mga inspirasyon ko sa buhay.