Nice try, Marcoses… but NO.

Napansin ko lang kasi na tila bagang dumadalas yung mga online posts — sa Facebook, Twitter, Plurk — na pinupuri ang mga Marcos… na kesyo mas maayos ang buhay nung panahon ng Martial Law… na mas disiplinado ang tao… kaunti ang krimen… mura ang bilihin… etc. etc. etc.

Pero ang mas nakaba-bahala ay parang andami yatang mga batang netizens ang tila sumasang-ayon sa mga posts na ganito. Even to the point na nananawagan (nangangampanya?) na sila na para maging susunod na presidente ng Pilipinas si Marcos, Jr.

What’s wrong with this?!

Actually, andaming mali. Marami talaga… pero foremost na marahil yung lantarang pag-deny ng mga taong ito sa mga malagim na kaganapan nung panahon na ‘yun.

Buti na lang marami pa ding mga hindi nakakalimot sa katotohanan.

Never Again2

Martial Law and the Marcoses? NEVER AGAIN!

 

Advertisements
Nice try, Marcoses… but NO.

Bakit parang nag-iba na ang kwento ng EDSA?

25 years ago na pala ang EDSA Revolution. Hanep. Has it really been that long?

Naka-ilang EDSA Commemorations na rin tayo. Naka-ilang re-telling na rin ba ng “The True Story of EDSA 1?” Para kasing sa bawa’t pagsalaysay sa kwento nito ay merong nadadagdag… nababawas… nababago… nababaluktot.

May nalo-lost in translation, ika nga.

Kaya tuloy parang nag-iba na ang kwento ng EDSA.

Iba na ang mga bayani

Iba na ang mga nagpasimuno

Iba na ang mga kontrabida

Iba na ang mga bida.

At tila marami na rin sa mga kaganapang may kinalaman sa EDSA — kung bakit nga ba ito nangyari in the first place — ang nakalimutan na nating mga Pinoy.

Otherwise, paano ninyo ipapaliwanag ito?

😦

Bakit parang nag-iba na ang kwento ng EDSA?