Mana sa Tatay moment #75

May kakaibang kinang yung mga mata ni Dear Dawter nang makita niya na may bagong deskfan na uwi si Nanay. Akala ko pa naman na natuwa siya at may sariling electric fan na siya… mali pala ang akala ko.

Yung karton pala nung electric fan ang puntirya niya!

Konting gupit… kulay… sinulid… pandikit… tiklop… props… at sandamakmak na imahinasyon — naging expanding dollhouse bigla yung karton!

100_3704

100_3714

Hanep, anak! Gandang display ng creativity (panalo yung folding volleyball court) at perseverance (natiis mo ang pangungulit ni bebehboi).

Manang-mana ka talaga kay Tatay! Hehehehe.

So, Architecture o Engineering na ba ang pag-iipunan naming pan-tuition mo ni Nanay? ­čÖé

Advertisements
Mana sa Tatay moment #75