Medyo mahirap para sa akin to describe what “Holy Week” means to me now as opposed to what it mean’t to me when I was still young. Andami na kasing mga factors na naghalo-halo para maapektuhan ang appreciation ko dito. Pero if I trace back my life and note-down the relevant events that could have affected how I viewed “Holy Week,” parang ganito ang lumalabas:
Nung bata pa ako (Elementary School age and below):
- Kabilang sa isang pamilya na “Sarado Katoliko”
- Nag-aral sa Catholic Schools (una sa Legaspi, then sa Naga, then sa Paranaque)
- Seryoso lagi ang ‘Holy Week’ — walang palabas sa TV, bawal ang maglaro, bawal ang karne, pinagagalitan kapag maharot o masaya
Nung binata na ako (High School):
- Napasali sa ilang gawaing pam-Parokya dahil lang sa ‘peer pressure’
- Napipilitang mag-Nobena’t mag-Rosaryo tuwing Biyernes kasama ang mga istriktong Tiya
- May ilang mga ka-klase sa Catholic School na medyo pasaway
- Nagsisimba na lang para makita ang barkada tuwing Linggo
Nung nagpupumilit nang maging mas-independent (College hanggang early working days):
- Pumasa at pumasok sa UP sa kabila ng babala ng mga Tiya kong takot sa “Komunista”
- Feeling “baboy na nakawala sa kural” bigla
- Napalapit sa mga isyung pulitikal at nabarkada sa mga aktibista
- Nabawasan ang pag-simba hanggang sa tuluyang huminto
Nung may sariling pamilya na (nang ikinasalĀ at nagkaroon ng unang anak):
- Busy na sa paghahanap-buhay
- Andami nang tanong tungkol sa Relihiyon at sa mga namumuno dito
Ngayong dalawa na ang anak (at baka madagdagan pa):
- Mas busy na lalo sa paghahanap-buhay
- Tunay na naniniwala sa kahalagahan ng Reproductive Health Law
- Mas lalung dumami ang tanong tungkol sa Relihiyon at sa mga itinuturo nito
So, ano para sa akin ang “Holy Week?”
Ang hirap namang sagutin yung tanong na ‘yun š