Aba… anong ginawa ko n’ung July 26?!

Kakaiba lang kasi yung biglang pagtaas ng bloghits ko nung isang araw. Usually kasi ay 50 unique hits a day lang ang average ko. Paminsan-minsan… ‘pag sinuswerte’t nagustuhan ng mambabasa yung post ko, lumalampas ng 100 unique hits ang post na ‘yun.

Pero 475 unique hits sa isang araw?! Anyaaare?!

Kahit sa graph, kitang-kita yung “pagbukol.”

Weird… but in a happy, confidence-building kinda way.

Tuloy ang pag-blog! 🙂

Aba… anong ginawa ko n’ung July 26?!

Realizations ng isang 2nd-time bagong tatay :-)

Mahirap din palang i-assume na dahil nalampasan mo na yung first baby days mo ay sisiw na yung pangalawa.

Mali. Malaking pagkakamali ang isipin yun.

Unang-una, mahirap sabihing “sanay” ka na sa puyatan. Baka naman in denial ka lang kaya dedma ka sa mga mensahe sa’yo ng iyong nahihirapan (at tumatandang) katawan. 🙂

Pangalawa, yung sabing mas alaga yung unang beybi kaysa sa pangalawa, sablay din. Mas mukhang alahoy lang yung ngayon kasi di ka na masyadong nagfafuss-over sa mga mga bagay na dati’y kinapa-praningan mo. Been there, done that na kasi ang siste now.

Ikatlo, ang bagong-saing na kanin sa rice cooker ay amoy pupu ng beybi. Promise.

Nanay Ni Bagong Beybi Boi (NNBBB): o, nag-pupu yata yang anak mo.

Taroogs: dehins, binuksan ko lang yung rice-cooker. Luto na. Kain tayo!

Ate Na Si Dear Dawter (ANSDD): Yaaaak!

Panghuli, at pinaka-mahalaga, ke amoy gatas, amoy kendi, amoy tuta, amoy tokwa o amoy beybi ang beybi mo… masarap pa din siyang singhot-singhutin!

Taroogs: beh, amoy tokwa na naman tong beybi mo!

NNBBB: mag-ama nga kayo… amoy suka ka eh. Bagay kayo!

ANSDD: wahahahahah! amoy suka si daddy! amoy suka si daddy!

Taroogs: Heh! ikaw amoy wiwi.

ANSDD: Mommy o!

Realizations ng isang 2nd-time bagong tatay :-)

Random things that make me happy…

Ito ay para kontrahin yung previous post ko.

Baka kasi isipin ng madlang pipols na ultra-mega-uber-negang klaseng tao ako.

Medyo lang.

Pero masayahin din ako kung minsan.

Sa katunayan, heto ang ilang mga bagay na nagpapaligaya sa akin:

  • Biglang pag-ambon during a hot day
  • Double scoop strawberry n’ pistachio ice cream
  • Finding a good 2nd hand, hardbound book at my favorite discount bookstore
  • Watching Spongebob Squarepants TV shows with my Dear Dawter
  • “Communicating” with my son BBB (bagong beybi boi) in babyspeak
  • Seeing video clips of Jovit Baldivino’s first song entry to PGL — Journey’s “Faithfully”
  • Receiving flags as gifts (from friends returning from trips abroad)
  • Hearing my fave tunes on radio
  • Seeing my Sili plants flower and bear fruit

🙂

Random things that make me happy…