Eh sa wala talaga akong mapiling iboto eh…

… ano’ng magagawa ko?

bgy elections 2013

Pumili ng “lesser evil” na kandidato? Pero how sure am I na “lesser evil” nga siya? Baka ang kalabasan ay “more evil” pala siya sa iba!

Bumoto ng  isang “token candidate” para lang masabi na bumoto ako? Pero ‘di ba malaking pag-aaksaya lang ng oras at pagod yung pumila ng ilang oras sa ilalim ng nagbabagang araw (o bumubuhos na ulan) para mag “token vote” lang?

Eh kung ‘wag na lang kaya akong bumoto this time?

Pwede naman yun, ‘di ba?

Wait lang ako ng 3 years ulit… baka kasi yung mga susunod na tatakbo ay matitino na 😦

Eh sa wala talaga akong mapiling iboto eh…