Burma “day trip” numbah one… t’yak masusundan!

Pinalad ako recently to finally set foot on Burmese soil. Nagkataon kasi na sa huling pagdalaw ko sa Mae Sot, Thailand (isang border town na katabi ng Burma), bukas na pala yung “Friendship Bridge” na nagdidikit dito sa katabing bayan ng Myawaddy sa Burma!

Ilog lang ang pagitan ng dalawa pero ilang taon din itong naging “no man’s land” gawa ng pagsara dito ng pamahalaan ng Burma. Naging “bridge to nowhere” tuloy siya — andun lang… pwedeng tingnan, pero di pwedeng tawirin. At kung gala kang tao tulad ko, alam mo kung gaano nakaka-inis ang ganung feeling. 🙂

Kaya nung nabalitaan ko na ligal na ulit ang tumawid sa tulay, di na ako nag-atubili pa! ‘Weno kung may bayad pala na 500 Baht yung stamp ng Burmese Immigration Office?! Gogogo!

At shemps, sa pagtawid, may order of priority na agad ako:

1. Ispatan ang Templo (SUCCESS! merong isa na malapit lang sa tulay. 5 minutes na lakad lang.)

2. Tikman ang Local Beer (SUCCESS! mabuhay Myanmar Beer! Probably the best beer in Burma — ayon na din sa tinderong nagbenta nito sakin. Hehehe…)

3. Tikman ang Local Food/Pulutan (SUCCESS! Kakaibang “dinuguan” ang na-enkwentro ko dun — may dugo talaga! Pati chopsticks ko namula.)

4. Bumili ng Souvenirs (SUCCESS! andami kong abubots na dala pabalik ng Pinas — bagong bandila ng Myanmar, local beer in cans, local currency: Kyats)

5. Libutin ang Talipapa (SABIT! naubusan ako ng oras. Bawal palang abutan ng dilim ang mga dayuhan sa Myawaddy. Pinapa-uwi ang lahat pagdating ng alas-6 ng gabi.)

Heniweys, alam ko na ang gagawin sa susunod. Unahin ang Talipapa Tour!

Until next time, Myawaddy! Hu’s yo Daddy?! 🙂

Burma “day trip” numbah one… t’yak masusundan!

Kelan ka huling nag-nganga? :-)

I admit hindi na masyadong common ang katanungang yan nowadays. Pwede siguro kung 1960s ang setting (kung kelan ayon sa Lolo ko dati ay uso pa ang nga-nga sa ilang komunidad sa Maynila), or kung dalawang taga-Cordi ang nag-uusap.

Kaso hindi eh. It’s Nov. 22, 2011… Wala na Lolo ko… and I’m in Quezon City.

So, what gives, you ask?

Heto. My wonderful Burmese friends at Mae Sot, Thailand, sent me an entire jar of pre-wrapped “Kun” (betelnut/nga-nga) for my enjoyment! [A short backgrounder: I quit smoking more than 3 years ago and now content myself with the occasional Swedish Snus — when I can get some. In Mae Sot, I saw many young Burmese students contentedly chewing on betelnut and obviously enjoying themselves. Me being me, I asked to try some and got hooked just like that.]

Asteeeg!

Kakaibang lasa… malupit ang tama sa ulo… mabilis ma-lanta pag mainit ang panahon.

Help! 🙂

Kelan ka huling nag-nganga? :-)

Isa sa mga inspirasyon ko sa buhay.

Hindi pwedeng ipakita ang kanilang mga mukha. Hindi rin pwedeng pangalanan ang mga batang ito. Kaya ipapakilala ko na lang sila sa inyo sa pamamagitan nito…

Litrato ng kanilang mga paa… mga paang pilit ipinagkakasya sa loob ng taling straw na ibinilog sa sahig (isa sa mga activity na kakabit ng Leadership Seminar).

‘Onga pala… hindi sila mga Pinoy. Sila’y mga Burmes. At isang beses kada buwan ay nakakapiling ko sila, kasama ang ilan sa mga ka-opisina ko, sa Thailand.

Sila’y mga political refugees. Pansamantala silang lumabas ng kanilang bansa para iwasan ang matinding represyon sa ilalim ng Military Junta na kasalukuyang naghahari sa Burma.

Lumabas sila at iniwan ang kanilang mga pamilya ‘di para talikuran ang kanilang laban kundi para magpalakas, magpahinga at mag-aral… upang sa kanilang pagbalik sa loob ay mas pursigido nilang maisusulong ang pakikibaka tungo sa paglaya ng Burma.

Idol ko silang lahat.

FREE BURMA!

Isa sa mga inspirasyon ko sa buhay.