In defense of Balut.

Balut

Di ko lang ma-gets kung bakit ayaw ng ilang Pinoy na tikman ang Balut. Mukha naman siyang masarap, ‘di ba? Sa kulay pa nga lang alam mo na na masustansya talaga siya. At self-contained pa — built-in yung lalagyan ng pagkain! May laman at sabaw ng sabay. Asin at suka na lang ang kulang. Pwedeng kainin as is, gawing ulam, prituhin, adobohin, gawing sisig. Creativity mo na lang ang limit!

Saan ka pa?

At least hindi Bulate, ‘di ba?

uod1

uod2

🙂

Advertisements
In defense of Balut.

Wagyu? Wagpowzz!

Naiintindihan ko naman kung bakit yung ibang pagkain ay medyo may kamahalan. Baka nga naman mahirap hagilapin… baka rin mahirap alagaan… o mahirap kunin… o mahirap ipunin.

Kaya OKs lang sa akin na mahal ang Truffles, o ang Bird’s Nest Soup, o ang Abalone, o ang Saffron.

Pero ibang usapin na ang Wagyu Beef.

Baka lang yun, ‘di ba? Andami-daming Baka kaya sa mundo. Anong espesyal sa Wagyu Beef?

OK. Sabihin na natin na alagang-alaga sila. May cow-massage pa nga sila eh. And I’m sure espesyal ang kanilang pagkain.

wagyu cow massage

Pero does that justify a US $500 per kilo pricetag?! Aba’y pakshet, mahigit PhP 20,000 per kilo na yun ah! Dalawang-libo ang isang guhit!

Kobe beef is displayed in a restaurant in Ornago near Milan

Tama ba ‘yun?!

Kahit pa rare yung mga pureblood Wagyu Cows, eh di paramihin! Mahirap ba ‘yun?

Kaya ang tancha ko dito ay beyond taste na ang usapan. Kahit napaka-sarap, napaka-lambot, at napaka-malinamnam pa niya, hindi makatarungan na ganito ang presyuhan.

No. Definitely hindi lasa ang basehan ng presyo ng Wagyu.

Ano ang basehan? YABANG.

Pure and simple Yabang. Yung tipong iniisip mo na “kaya ko ‘tong bilhin at kayo hindi. Mamatay kayo d’yan sa inggit.”

The same is true with food na may edible gold sprinkled on top… cellphones na encrusted ng mga dyamante…

Basically lahat ng paboritong bilhin at kainin ng mga Napoles.

Bwiset! 😦

Wagyu? Wagpowzz!

Game of Corns (aka, “The Mais Chronicles”)

Kakaibang tuwa din talaga yung makitang lumalaki, lumalago at namumunga yung tanim mo. Ilang buwan ko nang binabantayan yung experimental “mais plantation” sa bakuran namin at isang “roller-coaster of emotions” talaga ang dinaanan ko:

Excitement nang nakitang umusbong na yung mga butong ibinaon…

Lungkot nang mapansing hindi lahat ng itinanim ay nabuhay…

Galit nang makitang kagatin at baliin ng tutang nagti-trip ang ilang puno ng mais…

Ibayong Ligaya nang makita ang unang “young corn” ng batch!

Ang ganda ni baby, ano? Blondie pa! 🙂

Game of Corns (aka, “The Mais Chronicles”)

4 months na lang, Nilagang Mais na!

Sinubukan lang namin… tutal, sabi ni misis ay may “green thumb” daw ako. Kaya na-challenge ako bigla. From Sili to Alugbati to Kamatis to Kamote to Kalabasa… to the latest tanim sa bakuran: Mais!

So far, positive naman ang kinalabasan — 2 months old na ang batch na ito at nakayanan naman ang mga matinding ulan at hangin na dumaan. Pati ang hagupit ng bago naming tuta ay na-survive din ng mga mais.

In fairness, mukha na silang mais now. ‘Di gaya dati… akala mo sosyal na damo lang. Hayun tuloy, nabunot yung iba sa kanila.

Pero marami naman ang natira. Kaya tuloy ang ligaya!

BACKYARD PLANTING RULES!

🙂

 

4 months na lang, Nilagang Mais na!

End of an era… “Una Sikat,” yumao na :-(

Medyo OA itong post na ‘to, alam ko, pero di ko lang mapigilang i-record yung mahalagang yugtong ito ng buhay ko… nagsara na yung restaurant na kakabit ng post-college / early married life days ko.

Nung una kaming tumira sa Sikatuna Village, after college — shempre, sharing kaming magkakabarkada sa isang apartment unit — sa Una Sikat Restaurant (ComPares na name niya now) kami noon madalas mag-almusal (at mag-sabaw pagdating ng madaling araw kinabukasan).

Nung nagka-pamilya, several years later, dito pa din sa Una Sikat kami madalas kumain (at magpahulas ng kalasingan).

Lampas isang dekada na rin yata yun.

Nagsara na ang Una Sikat.

Pa’no na ngayon ‘yan?

Saan na ako kakain ng Hotsilog with chili sauce, libreng (refillable) sabaw and extra fried-rice?

😦

End of an era… “Una Sikat,” yumao na :-(