In defense of Balut.

Balut

Di ko lang ma-gets kung bakit ayaw ng ilang Pinoy na tikman ang Balut. Mukha naman siyang masarap, ‘di ba? Sa kulay pa nga lang alam mo na na masustansya talaga siya. At self-contained pa — built-in yung lalagyan ng pagkain! May laman at sabaw ng sabay. Asin at suka na lang ang kulang. Pwedeng kainin as is, gawing ulam, prituhin, adobohin, gawing sisig. Creativity mo na lang ang limit!

Saan ka pa?

At least hindi Bulate, ‘di ba?

uod1

uod2

🙂

In defense of Balut.

Bakit ngayon lang ako nag-Bucket?

As in Bucket List.

Matagal na itong ginagawa ng mga tao, sikat man o ordinaryo. Yung iba nga, dahil sa ka-asteegan ng mga gustong gawin sa lista nila, pumapatok yung listahan online, lalu pa’t nagawa na pala nila yung mga naka-listang plano.

Pero hindi lang pala ito simpleng pag-lista ng mga gusto mong magawa bago mo lisanin ang mundong ito — “before you kick the bucket,” ika nga nung lumang English Idiom, which is a euphemism for dying.

Ayon sa grupo ng mga Finnish (yun o! related pa din sa katapusan. hehehe) na nagpasimula ng bucketlist.net, mahalaga din na tulungan mo ang ibang tao na matupad ang kanilang Bucket List habang nagpupursigi ka na matupad ang sarili mong listahan.

Bayanihan pa din, ano po? At huwag daw kalimutang pasalamatan ang mga taong tumulong sa’yo upang matupad ang iyong mga pangarap.

bucket-list

Matagal ko nang naiisip na gumawa ng sarili kong Bucket List pero laging napapaliban. Pero nang nabasa ko kahapon yung lista ni kapatid na Tetrara, na-inspire akong gawin na finally yung lista ko.

Kaya, heto na ang aking Bucket List (in no particular order):

  • Maging certified Scuba Diver.
  • Learn enough masonry skills to do simple house renovations.
  • Teach my 2 kids at least one very important life-skill each.
  • Learn Burmese.
  • Tour Burma.
  • Visit Jamaica.
  • Visit Vietnam.
  • Organize a week-long beach vacation for the entire family.
  • Invest in a farm.
  • Learn how to fish, mangingisda-style.
  • Set-up a saltwater aquarium.
  • Join a bike marathon.
  • Learn to ride a motorcycle (then buy one).
  • Complete my collection of Tolkien and Asimov books.
  • Go on an ocean cruise with my Wife.
  • Study Buddhism.
  • Become a Vegetarian.
  • Get my left ear pierced.
  • Full-sleeve tattoos.
  • Laser vision correction surgery (LASIK).
  • Help my Wife and 2 Kids with their own bucket lists!

Grabe. Nakaka-adik pala neto! Ansarap kasing gumawa ng lista. 🙂

Bakit ngayon lang ako nag-Bucket?

30 minutes before 2014…

… and I’m still inside the house. No fireworks for me — I’ve sworn them off years ago when my Asthma got too sensitive to the smoke. Pero OK lang. I still find the explosions very agreeable; unlike my youngest son who still hasn’t discovered the joy of noise — past his bedtime na daw kasi. Hehehe.

My daughter, on the other hand, seems not just to have inherited my intellect (eherm), but my Asthma as well. Kaya andito rin siya sa loob ng bahay kagaya ng Tatay niya, nagto-torototkumakain… naghahandang tumalon at the stroke of midnight.

15 minutes to midnight. Mas lumalakas at dumadalas na ang fireworks sa labas… pero still not as loud and as long as last year. Bakit kaya? Is it because of economic reasons, or is the DOH finally making headway at convincing the public that fireworks bring more bad than good?

Ewan. Your guess is as good as mine.

10 minutes to go. Getting really loud outside! Pati yung volume ng usap namin sa loob ng bahay ay halos sigawan na (but in a good way).

5 minutes to go!

I wonder what 2014 has in store for all of us?

2014

30 minutes before 2014…

Bayanihan: Bulilit style!

Nakakatuwa talagang makita na andami-daming mga kababayan natin from abroad — either working or already permanent residents — ang gumagawa ng kani-kanilang kampanya para makatulong sa mga kababayan nating nasalanta ni Bagyong Yolanda.

Iba-ibang grupo, iba-ibang tao, iba-ibang istilo… pero nagkakaisa sa iisang layunin.

Pero ang pinaka-nakakatuwa na marahil ay yung mga bata na kung anu-anong mga gimik ang naiisip maka-kalap lang ng pera at ibang donasyon para mai-ambag sa Relief and Rehabilitation efforts dito sa atin.

Take these two kids, for example. Magkapatid sila na Fil-Ams (isang 10 years old at isang 13 years old) na gumawa ng mga “Haiyan Bracelets” upang ibenta online.

Haiyan Bracelets (by Amado's grandkids)

Lahat ng proceeds ng sales ay ido-donate nila sa isang eskwelahan sa Tacloban para ito’y maayos at muling magamit ng mga kapwa nilang bata.

Heto yung sulat ni Malaya, yung 10 year old na nakaisip ng proyektong ito:

Hi,

I want to tell you about a project that my sister and I are doing to raise money to help the children in Tacloban. Most of the schools in Tacloban were destroyed by typhoon Haiyan. We want to raise $1,000. to help rebuild an elementary school. We are  in contact with someone in Tacloban to help us find the school to donate it to. As soon as I find out I will let you know the name of the school and hope to be able to send you a picture of the school.

We are making bracelets from rubber bands that we are calling Haiyan Loom. The color red, blue and yellow are the colors of the Philippine flag. It means that the Filipino people are strong in spirit.  We are asking for a donation of $10 or more for each of the Haiyan looms. We are donating all of the profit to help rebuild an elementary school. My only expenses are the rubber bands and clips to make the bracelets and cost of mailing. All of the Haiyan Looms are made by our volunteers of family and friends. I taught my sister and she taught her friends. I also taught Lolo Amado and Lola Jax. I am making news designs. I have a list of 65 family and friends that I hope will donate.

Here are pictures of my Haiyan Looms. They can be worn as a bracelet or also on a dog. I can make them any size. If you want to make a donation let me know. Also if you have any ideas for my Haiyan Looms. My Lolo just set up an account on pay pal but i don’t think it is working yet, you can try it haiyanloom@gmail.com

Malaya

haiyan bracelet for dogs

haiyan bracelet for people

Asteeg ano? Marapat lang na suportahan ang mga ganitong klaseng kampanya, lalu na’t mga bata ang nagpasimula. Kaya, in case na mabasa ninyo ito, at kayo ay naghahanap ng paraan para makatulong, baka type ninyong bumili.

Puntahan niyo lang ang site nila by clicking on their banner image above and start placing your orders. And spread the word na din ha?

Let’s help these 2 kids help the thousands of kids affected by Yolanda! 🙂

Bayanihan: Bulilit style!

“Prepper Technology” na sakto kay Yolanda

Ewan ko kung narinig niyo na yung latest news tungkol sa presyuhan ng LPG tanks sa Pinas. May government official kasi na nag-sabi na malamang, on the average, ay tataas ng tig-100 pesos ang kada tangke ng gas.

ANAK NG POWTEK TALAGA!

Lampas 700 Pesos na nga ngayon ang presyo, aabot pa ng 800?! Ano ako, restaurant?! Dyuspupayangsabaysabay naman talaga!

Maka-pag “prepper mode” na nga lang!

Introducing the “Rocket Kalan/Rocket Stove.” Bakit “rocket?” Siguro dahil mala-buga ng rocket yung apoy na dulot niya. Ayon sa principle niya:

Rocket-Stove principleMatagal na itong simpleng technology na ito na ginagamit yung principles ng updraft ng hot air, insulation of heat at focused exhaust. Patok na din siya sa maraming Third World Countries katulad sa maraming bansa sa Africa, at paborito rin siya ng mga “preppers” at campers.

Maraming versions tayong makikita, depende na sa budget at oras nung gagawa. May rocket stove na sosyal, asteeg, ina-assemble lang, o portable.

sosyal na rocket stove metal rocket-stove

brick rocket stove camper Rocket-Stove

Pero ang maganda sa Rocket Kalan, simpleng-simple lang yung disenyo nito kaya pwedeng gawin kahit nino man. Tingnan ninyo itong mga DIY (do it yourself) na Rocket Kalans. Ayus, di ba?

DCFC0002.JPG Gusto niyong matutunan kung paano gumawa ng sariling Rocket Kalan? Abangan ang next post dito. 🙂

“Prepper Technology” na sakto kay Yolanda

To all the Snus I’ve snused before…

who traveled in and out my… mouth. I’m glad they came along, I dedicate this song… to all the Snus I’ve snused before. 🙂

100_3930

Almost 6 years na rin akong nagsu-Snus bilang alternative sa pagyo-yosi. It was introduced to me by a Swedish friend who offered me one bag after noticing that I was looking at him funny (medyo naka-umbok kasi yung labi niya sa dami ng Snus bags na naka-siksik sa ngala-ngala niya).

As expected, nahilo ako ng todo-todo. Ganun daw talaga kasi ang epekto kapag first time mong matikman ang Snus.

Shempre, na-hook agad ako. Hehehe.

Nasubukan ko din ang E-cigarette pati na ang Nga-Nga (Burmese and Pinoy versions)… pero Snus pa din ang patok for me.

So, after several years and 14 Snus brands later (kung actual number of Snus cans ang pag-uusapan, siguro lampas 1,000 na rin ang na-ubos ko)… hindi pa rin ako nagyo-yosi.

EPEKTIB! 🙂

To all the Snus I’ve snused before…

Bakit gusto kong tumira sa Pinas (part 2 of 2)

Matapos ang panandaliang pag-e-emo ko nung isang araw (see previous post), nanumbalik na rin ang aking naturalesa — yung pagiging “optimistic, no matter what!

Kaya agad ko ring naisip (habang isa-isang nililista yung mga kadahilan kung bakit ayaw kong tumira sa Pinas) yun mga magagandang bagay tungkol sa Pinas… sa mga Pinoy… at sa buhay dito sa atin; reasons that balance out, or even cancels, the effects of everything that is nega about this beloved country of ours.

Good things like:

Yung nag-uumapaw na balon ng creativity at talent ng mga kababayan natin — sa pag-kanta, sa sports, sa pag-dirihe ng mga pelikula, sa pag-sayaw, sa pag-arte, sa pag-imbento ng mga makabuluhang bagay, sa pagguhit, atbp. World Class talaga!

Yung parami ng paraming bilang ng mga organisasyon na gustong tumulong sa mga kababayan nating naghihikahos, inaapi, o napapabayaan ng gubyerno.

Panalo ang mga tradisyunal nating pagkain — ulam man, pang-himagas, pang-meryenda, street food, o pangaraw-araw na kakanin, busog-lusog-mura-saya talaga!

Mayaman ang lupa natin; kahit saan ka mag-tanim madaling mabubuhay ang halaman.

Maraming bookstores na nagbebenta ng mga 2nd-hand na libro’t magasin.

Buhay na buhay ang ating kultura — maraming mga lengwahe at kaugalian ang ating naririnig at nakikita araw-araw.

Maraming ukayan!

Andaming cool na banda!

Paganda ng paganda ang lahi natin every generation!

Maraming naka-ngiti o nagtatawanan kahit saan ka pa dumako.

Tarsiers! Tamaraws! Monkey-eating Eagles!

Pinaka-mahabang Pasko sa buong mundo!

happyface

Bakit gusto kong tumira sa Pinas (part 2 of 2)

Nganga… Mo-Ma… Ikmo… Apog… Buyo… Betelnut… Khun… Ah basta, yung dudura ka ng madalas!

Halos 5 taon na rin akong humintong mag-yosi. As in “cold turkey” talaga.

Yung tipong, isang araw, parang feel kong kaya ko na talaga… that I could already make the plunge… kaya nag-quit agad ako.

So far it has worked.

But I’ve had a little help din naman. May “alternate” nicotine sources ako — No. Not nicotine patches… but Swedish Snus and Burmese Betelnut (Khun).

Sa totoo lang kasi… ayaw ko naman sanang mag-quit mag-yosi. Hindi na lang kasi talaga kaya ng lungs ko yung pag-hitit ng usok (may asthma ako — OO. Smoker na asthmatic ako noon. Stoopid, I Know. Pero kaya nga ‘addiction’ ang smoking eh. It can make you di stoopid things.)

So hanap-hanap din ng substitute sa yosi ‘pag may time.

I even tried that eCigarette thing dati, pero dahil may usok din siya eh ‘di pa din umubra.

Which brings me to the Snus and the Khun options… na OK naman sana except for one tiny-teeny thing… walang regular source ng mga ito sa Pinas! Yung Snus, pag naka-tiyempo ka naman, 300 Pesos ang isang lata!

Powtek.

Kaya I’ve resolved to “Go Traditional” na lang — it’s Pinoy Nganga for me, beybeh!

Heto yung nabili ko sa Isabela. Mura lang. At matindi rin ang tama… depende sa timpla mo ng ingredients.

DSCF0034

At pag naubos na ito, ang balita ko ay makaka-bili din ng Nganga sa mga Manang na nagtitinda ng “pampa-regla” sa paligid ng Quiapo Church. 🙂

Nganga… Mo-Ma… Ikmo… Apog… Buyo… Betelnut… Khun… Ah basta, yung dudura ka ng madalas!

Dumating din, sa wakas!

Natupad din after 6 months yung pangarap ko!

Grabe talaga! Antagal kong hinihintay na dumating yung order kong bag from abroad. Akala ko hindi na darating… baka kako nawala in-transit… nahulog sa barko (or eroplano)… na-pitik ng kargador (o delivery boy/girl)… kinain ng aso…

Sensya na at likas lang talaga akong praning at pala-duda. Bunga na rin siguro ng past experiences ko sa buhay vis-a-vis deliveries and such.

Ilang beses na rin kasi akong nawalan ng package o gamit. The latest one was when I lost a flashlight from my bag after I checked it in sa airport… but that’s another story.

Ang mahalaga ay, this time, nakalusot yung package ko without any major aberya. Well, at least sa delivery side walang aberya. Nadale kasi ako sa tax sa Post Office (pero that, too, is another story).

Got my “Doomsday Prepper” bag na!

Photo0694

Next order in the list: “Anti-Zombie” palakol naman 🙂

Dumating din, sa wakas!

Mana sa Tatay moment #75

May kakaibang kinang yung mga mata ni Dear Dawter nang makita niya na may bagong deskfan na uwi si Nanay. Akala ko pa naman na natuwa siya at may sariling electric fan na siya… mali pala ang akala ko.

Yung karton pala nung electric fan ang puntirya niya!

Konting gupit… kulay… sinulid… pandikit… tiklop… props… at sandamakmak na imahinasyon — naging expanding dollhouse bigla yung karton!

100_3704

100_3714

Hanep, anak! Gandang display ng creativity (panalo yung folding volleyball court) at perseverance (natiis mo ang pangungulit ni bebehboi).

Manang-mana ka talaga kay Tatay! Hehehehe.

So, Architecture o Engineering na ba ang pag-iipunan naming pan-tuition mo ni Nanay? 🙂

Mana sa Tatay moment #75