Para maiba lang…

Mahirap ang buhay… andaming mas mahalagang gastusin na dapat paglaanan ng budget.

Pero mahalaga din naman ang Parol, di ba? Kaya 2 years ago ay bumili ako ng kauna-unahang Capiz Parol ng aming pamilya. Ansaya-saya ng Dear Dawter ko nung unang binuksan yung kumikuti-kutitap niyang mga ilaw.

Pero ngayon, after 2 years, tila bored na si Dear Dawter sa aming parol. Di rin yata impressed ang aming bagong Bebehboi. Bakit daw walang ibang kulay?

Kaya hayun… dahil matalino ang kanilang Ina (at matipid din, obviously. hehehe), PULA na ang parol namin!

Yehey! Mabuhay ang cellophane! 🙂

Para maiba lang…

Living under the gun… it ain’t fun.

The recent ambush-slay of a Philcoa executive is just the latest in a long list of murders involving “unknown gun-wielding assailants.” Prior to this attack there was the killing of a doctor in Quezon; the assasination of the PUP Vice-President; the killing of DSWD Makati Assistant Chief, Mila Dumaguit (the murder being recorded on CCTV cameras)…

The yet unsolved murder of Ramgen Revilla only underscores the seriousness of the situation. Doubtless, this won’t be the last incident.

Bakit nagkaganito tayo? We were quite peaceful once, right? I remember my Lolo’s stories about how safe it was, during the 50s and 60s, to walk the streets of Manila; more so the provinces.

An’yare?! Exactly when did we become this gun-crazy, shoot-em-up-just-like-that nation?!

Was it because of World War 2? Was it Marcos’ fault? Is the grinding poverty a key factor, or the people’s chronic distrust of government’s capacity to protect them from criminals?

Or have we been conditioned to “shoot first and ask questions later” from watching too many cowboy and indian movies? FPJ movies? Lapid movies?

Ewan.

Basta ang alam ko, I don’t want my kids to grow up in this kind of society. If we can’t change it, we’ll just have to leave it behind. For their sake. 😦

Nga pala, today, yet another “unknown assailant” shot basketball star, Ali Peek, in the neck.

’nuff said.

Living under the gun… it ain’t fun.

Dapat nang mag-seryoso… tumatanda na (daw) ako :-|

Alam ko namang dina-dramahan lang ako ni Dear Dawter nung isang araw nang, out of the blue, humirit sya ng Daddy, tigilan mo na ang pag-inom. Bad yan. Matanda ka na.

Yun o! Parang planted lang ah… ganyan din kasi ang mantra ni Misis 🙂

Pero, seriously. Tama nga naman sila. One can’t live the college-activist-drifter-emo life forever. One has (to some extent) to act one’s age. Or at least act commensurate to one’s current reality.

In my case, reality means married with kids.

So, YES, anak. Tatalima na ako sa atas ninyong Mag-iina (isama na rin natin sa BebehBoi sa bilang kasi, kahit sanggol pa yun, tiyak agree naman siya sa inyong dalawa ni Mama).

Mula sa araw na ito, I promise to rein-in my binge-drinking tendencies. Dapat lang maka-develop ako ng isang realistic strategy para dito.

… hindi kasi umuubra yung “cold turkey” approach (done that, been drunk)

… hindi rin umubra yung “no Red Horse” policy (masharaap kasi eh. hik!)

… at lalong palpak yung “Red Wine only” tactic (mahal na, pangit pa lasa).

Hmmm… Pa’no kaya ‘to?

Any suggestions, mga kapatid?

Dapat nang mag-seryoso… tumatanda na (daw) ako :-|

Mabuhay, Recycling!

Sa hirap ng buhay ngayon, pwersado na ang maraming pamilya na rumenda sa gastos at luho. Andyan ang nagtitipid sa kuryente… nagbabawas sa grocery… lumilipat sa Generics… nagti-tiyaga sa patingi-tingi… gumagamit ng panggatong, imbes LPG…

Kami, pinangangatawanan namin ang prinsipyo ng 3Rs — Re-use, Reduce and Recycle.

Kaya, anak, pasensiya ka na muna diyan sa kulungan ng manok ha? Babawi na lang kami ni Nanay pag tumama kami sa Lotto 🙂

Mabuhay, Recycling!

Let me end the Year 2010 with this.

Magpa-Pasko na naman.

And after that, magnu-New Year ulit.

Another year will soon be over.

Haaays…

Kumusta naman ang mga ipinangako ko last year? May nangayari na ba?

Hmmm…

Di na ako nagyoyosibig check!
Naumpisahan ko na yung pag-takwil sa softdrinkscheck!
Nagbawas na ako ng pag-inom(small) check.
Binawasan ko na ang pagbili ng DVDscheck!
Dinagdagan ko ang pagbili ng librocheck!
Hindi pa din ako nagba-bikeekis!
Lagi pa din akong may extra-rice big ekis!
Lagi pa din akong nagpupuyatekis!
Di ko pa rin inaalis ang taba sa diet — big ekis!
Malakas pa rin akong mag-muraekis!

Powtek. Buti na lang may 15 days pa para remedyuhan to 🙂

Let me end the Year 2010 with this.

rock, Baby, rock… smile naman d’yan :-)

‘la lang! 🙂

Now if I only knew how to include sounds in blog posts, this post would be so much better.

Rock Baby, Rock – VST & Company

Rock!
Rock!
Rock!
Rock!

Rock baby rock
Rock it to my heart
Rock baby rock
Say we’ll never part

Hey hey hey
Hey hey hey
Hey hey hey
Ahh …

Rock baby rock
Dahan-dahan lang
Rock baby rock
Ako’y mag-aabang

Rock baby, rock baby
Rock, rock baby rock
Rock baby, rock baby
Rock, rock baby rock

Hey hey hey
Hey hey hey
Hey hey hey
Ahh …

Sa bawat galaw ng iyong katawan
Ako ay lalo nang nahihibang
Come on and rock me tonight
Ako ay sa ‘yo forever
Kaya’t ibuhos mo na
Pagka’t tayo ay together
Rock baby rock

Rock baby rock
(Rock baby, rock, rock baby rock)
Rock baby rock
(Rock baby, rock, rock baby rock)

Rock baby rock
Rock it to my heart
Rock baby rock

[Fading …]

rock, Baby, rock… smile naman d’yan :-)

Ika nga ni Bossing — We butingting everything!

Got a disturbing text message from the missus last night — “beh, gamit namin yung electric fan mo, nag-spark yung kurdon nung samin. Silipin mo na lang pagbalik mo ha?”

Powtek. Mainit pa naman sa bahay… and yes, delikado ang mga appliances na basta-basta na lang nag-iispark.

On the commute home, I was playing over several scenarios in my head. Bakit nga kaya nag-spark ang fan nila?

Nasunog na ba yung motor dahil sa kalumaan?

Natapunan ba ng juice ni Dear Dawter?

Natabig ba ng Nanay Ni Dear Dawter?

Nginatngat ba ng daga yung kurdon?

Haaays… delikado. May phobia pa naman ako sa sunog 😦

Pero buti na lang at pagdating sa mga ganitong bagay ay medyo kampante akong magbutingting.

Basta kumpleto ang tools

Konting gupit… konting kabit

at testing na kalabit

Walang sabit!

At pinakamahalaga… walang gastos. 🙂

Ika nga ni Bossing — We butingting everything!

Realizations ng isang 2nd-time bagong tatay :-)

Mahirap din palang i-assume na dahil nalampasan mo na yung first baby days mo ay sisiw na yung pangalawa.

Mali. Malaking pagkakamali ang isipin yun.

Unang-una, mahirap sabihing “sanay” ka na sa puyatan. Baka naman in denial ka lang kaya dedma ka sa mga mensahe sa’yo ng iyong nahihirapan (at tumatandang) katawan. 🙂

Pangalawa, yung sabing mas alaga yung unang beybi kaysa sa pangalawa, sablay din. Mas mukhang alahoy lang yung ngayon kasi di ka na masyadong nagfafuss-over sa mga mga bagay na dati’y kinapa-praningan mo. Been there, done that na kasi ang siste now.

Ikatlo, ang bagong-saing na kanin sa rice cooker ay amoy pupu ng beybi. Promise.

Nanay Ni Bagong Beybi Boi (NNBBB): o, nag-pupu yata yang anak mo.

Taroogs: dehins, binuksan ko lang yung rice-cooker. Luto na. Kain tayo!

Ate Na Si Dear Dawter (ANSDD): Yaaaak!

Panghuli, at pinaka-mahalaga, ke amoy gatas, amoy kendi, amoy tuta, amoy tokwa o amoy beybi ang beybi mo… masarap pa din siyang singhot-singhutin!

Taroogs: beh, amoy tokwa na naman tong beybi mo!

NNBBB: mag-ama nga kayo… amoy suka ka eh. Bagay kayo!

ANSDD: wahahahahah! amoy suka si daddy! amoy suka si daddy!

Taroogs: Heh! ikaw amoy wiwi.

ANSDD: Mommy o!

Realizations ng isang 2nd-time bagong tatay :-)

Alam ko’ng iniisip ng anak ko.

Alam ko na laging may iniisip itong anak kong si BBB (Bagong Beybi Boy).

1 1/2 months pa lang siya sa mundong ibabaw pero mukhang marami na siyang isyu sa buhay.

Sa katunayan… sa tuwing nagkakatagpo ang aming mga mata ay tila pilit niyang itinatanong sa akin:

“Daddy, bakit laging maalat ang balat mo? Dugong ka ba?”

Haays… pareho kayo ng sense of humor ng Nanay mo.

🙂

Alam ko’ng iniisip ng anak ko.