Living under the gun… it ain’t fun.

The recent ambush-slay of a Philcoa executive is just the latest in a long list of murders involving “unknown gun-wielding assailants.” Prior to this attack there was the killing of a doctor in Quezon; the assasination of the PUP Vice-President; the killing of DSWD Makati Assistant Chief, Mila Dumaguit (the murder being recorded on CCTV cameras)…

The yet unsolved murder of Ramgen Revilla only underscores the seriousness of the situation. Doubtless, this won’t be the last incident.

Bakit nagkaganito tayo? We were quite peaceful once, right? I remember my Lolo’s stories about how safe it was, during the 50s and 60s, to walk the streets of Manila; more so the provinces.

An’yare?! Exactly when did we become this gun-crazy, shoot-em-up-just-like-that nation?!

Was it because of World War 2? Was it Marcos’ fault? Is the grinding poverty a key factor, or the people’s chronic distrust of government’s capacity to protect them from criminals?

Or have we been conditioned to “shoot first and ask questions later” from watching too many cowboy and indian movies? FPJ movies? Lapid movies?

Ewan.

Basta ang alam ko, I don’t want my kids to grow up in this kind of society. If we can’t change it, we’ll just have to leave it behind. For their sake. 😦

Nga pala, today, yet another “unknown assailant” shot basketball star, Ali Peek, in the neck.

’nuff said.

Living under the gun… it ain’t fun.

Wild ang life ‘pag may wildlife #2

May ilan na namang new sightings ng kakaibang wildlife (sa tingin ko lang naman) sa bandang amin. Buti na lang at mabilis ang (digicam) trigger finger ko! At buti na lang ulit at alam ko yung unscientific descriptions ng mga hayop na ‘to. 🙂

Species 1: Palakang Feeling

As in feeling niya lagi na close kayo. Kaya laging pumapasok sa bahay… sa salas… at tumatabi sa pagtulog mo. Nanggigising sa gabi. Malamig at madulas kasi ‘pag nadikit sa binti mo.

Species 2: Bubuleng Posing

Hindi katulad ng ibang bubuli na kumakaripas ng takbo kapag nakakita ng tao, itong bubuleng ‘to ay humihinto… nakikipag-titigan… at humahanap ng posing sa saktong pang-facebuk 🙂

Species 3: Mrs. Gagambang Powtek

Ilang beses ko nang nakita dati ‘tong gagambang ‘to. Minsan single… minsan may ka-date. Ngayon, karay-karay na niya ang 100+ anak niya (gagambettes). Yun o!

Species 4: Palakang Demmit

Kasi naman, ang hilig umihi ng linsyak na palakang ito kung saan-saan! Sa garahe. Sa mga tsinelas at sapatos na naiwan sa tapat ng pinto… Demmit talaga! Demmit! Magkaka-kulugo tuloy ako nito. 😦

Wild ang life ‘pag may wildlife #2

Green Patches in a brown bakuran :-)

Tuwang-tuwa talaga ako sa tuwing nagpapalit ng dahon ‘tong punong ito na nasa bakuran namin. Kakaiba kasi yung pagka-berde niya… halos neon-green kapag sakto yung sikat ng araw.

Pero bitin pa din ako. Kumpara kasi sa harap ng bahay namin, medyo desolate yung aming likuran… konti ang berdebilang na bilang ang puno… dominante ang kulay Brown.

Ang solusyon? Paramihin ang berde sa buhay!

Konting putol… konting babad… konting hukay… BUHAY!

Tara! Let’s plant a tree today! 🙂

Green Patches in a brown bakuran :-)

Tag-ulan = Tag-sibol na naman sa bakuran :-)

Totoo ngang “Moderation is Key.” Sa pagkain… sa pag-inom… sa pagtulog… sa pag-exercise… kahit kailan ay hindi maganda yung sobra.

Parang ulan lang ba. Beneficial kung sakto lang… Devastating kung walang-humpay ang dagsa.

Remember Ondoy?

Kaya buti na lang, itong mga nakaraang bagyo, hindi OA yung ulan. Buhay tuloy (at hindi nalunod) ang mga halaman sa aming bakuran.

Sarap tuloy tumambay sa labas… at mag-kape… at magbasa ng dyaryo… at magbilang ng talbos…

 

 

🙂

Tag-ulan = Tag-sibol na naman sa bakuran :-)

Para lang baga consistent.

Ang buhay daw ng tao ay “governed by rules,” ika nga ng isang henyo d’yan sa tabi-tabi.

May mga bagay na naturally meant for each other. Bagay na partner kumbaga.

Bagong shoes need bagong medyas

Bagong pantalon requires bagong shirt

Bagong taon equals bagong buhay…

But the opposite is also true, di ba?

Lumang damit, pares sa lumang sapatos

Lumang classroom, lumang desks

Lumang bisyo, lumang palusot 🙂

OK. OK. Inaamin ko na medyo pilit yung hirit ko dito.

Wala kasi akong maisip na magandang intro for this:

Odevah? Durog na earphones para sa basag na Ipod 🙂

Naniniwala ako sa Re-use, Reduce and Recycle…

Pero nunca sa Retire.

Hangga’t kaya pa… pakinabangan!

Para lang baga consistent.

Ang simple kong Panata ng Pagbabago.

I’ll admit, I was truly taken with the idea that with the onset of a new administration comes a very real possibility of Change… of Reform.

OK. Medyo stretching matters na yung ganung pag-iisip.

Alam ko naman na hindi ganun ka-simple ang pagkakaroon ng maayos na reporma… na it would take just a change of leadership, kahit pa gaano kabuti yung bagong lider.

Pero still… na-inspire pa din ako. Di naman bawal, di ba? 🙂

So much that I actually signed in to PNoy’s official website and left this personal “Panata Sa Pagbabago” — HINDI NA AKO MAGTATAPON NG BASURA SA KALSADA.

Simple lang, di ba?

Kaya, awa ng Diyos… despite the recent Hostage-Taking Fiasco… despite the allegations of PNoy appointees on the take from Jueteng Lords… despite Hacienda Luisita

Napapangatawanan ko pa rin itong aking munting panata.

Patuloy ang aking laban (na huwag magkalat sa daan).

My everyday bag Side-pocket for basura

Balat ng kendi at Tiket ng bus 3 buwang worth…

Powtek. I need a bigger bag! 🙂

Ang simple kong Panata ng Pagbabago.